Alas kwatro pa lang ng madaling araw ay gising na sila ng kapatid. “Blake!” “No worry ate, ako pa? Kayang kaya ko na ang sarili ko!” Sagot ni Blake sa kanya. Panay kasi ang bilin niya dito, hindi matapos tapos. “Basta ha, kapag may problema tawagan mo ako agad. 2 weeks na mawawala ang kuya James mo.” Dagdag pa niya. “Yes ate!” Anito, bago muling sumubo ng kanin. “Good morning!” Napalingon sila sa nagsalita at tumambad ang nakangiting si Hunter. Bagong ligo dahil naaamoy pa niya ang sabong ginamit nito. Naka short lang ito at puting sando kaya litaw na litaw ang matitipuno nitong braso idagdag pa ang namumukol nitong abs. Yummy! Umagang-umaga pero ulam na ulam na. “Good morning too kuya!” Bati naman ni Blake. “Hi.” Nakangiting pinisil siya nito sa baba ng tuluyang makalapi

