“Hunter..” Niyugyog niya ito sa balikat dahil alas otso na ng umaga at may pasok pa ito sa office. Saka baka biglang pumasok sa kanyang kwarto ang isa sa mga kasama nila sa bahay o baka si nanay Magda at maabutan niya si Hunter na nandito sa kanyang kwarto at natutulog. “Hmmmm..” Ungol nito. “Bumangon ka na diyan!” Muli niya itong tinapik sa balikat. “Inaantok pa ako..” Sagot nito pero nanatili parin itong nakapikit. Nakailang beses ba naman siya nito ginalaw sa magdamag na iyon. Halos hindi na nga siya makabangon dahil nabugbog yata ang kanyang katawan. Walang kapaguran at walang kasawa sawang inangkin siya ni Hunter. “May pasok ka pa sa office, malelate ka na niyan.” Aniya. “Hindi ako papasok, tinatamad pa ako.” Sagot nito. “Matulog na muna tayo.” Dagdag na sabi pa nito s

