CHAPTER 29

1302 Words

“Kailangan mong kumain ng marami para makabawi ka agad.” Sabi sa kanya ni Hunter na may kasamang kindat. “Hunter!” Pinandilatan niya ito. “Oh bakit? Wala naman ako sinabing masama ah.” Anito na tila nagpipigil sa pagtawa. “Che! ewan ko sayo!” Nakasimangot na sabi niya. “Ang ganda ganda mo talaga kapag nakasimangot ka.” Sabi pa nito at pinisil siya sa baba saka akmang hahalikan siya nito ng biglang pumasok si Yaya Fatima karga si baby Austin. Pinandilatan niya ang binata pero tinawanan lang naman siya nito. “Hello baby Austin, miss na miss na kita anak.” Nakangiting sabi niya saka hinawakan ito sa mga kamay. Tila tuwang-tuwa naman ang pamangkin na makita siya, dalawang araw kasi niya itong hindi man lang nilapitan dahil baka mahawa ito sa kanya, pero ngayon magaling na siya. “

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD