Irish Pov's
Sakay kami ngayon ng sasakyan ni brent papuntang office hindi kami nag kikibuan hindi manlang ako kinakausap wag niyang sabihin na hanggang ngayon natutulala padin siya at bakit parang puyat ito at parang ang lalin ng iniisip hindi ko rin ito kinikibo at wala ako sa mood makipag usap dito gutom ako hindi ako naka kain ng almusal kanina bago umalis paano ba naman kasi pag baba ko galing ng kwarto nakita ko nalang yung walang hiya na to na naglalakad na palabas ng bahay kaya no choice na ako sinundan ko na ito kung hindi pa pala ako bumaba ka agad iiwan pala ako nito sumakay na ito sa kotse niya kaya sumakay nadin ako.
Pag dating namin bumaba kaagad ito naka sunod lang ako sa kanya wala itong paki alam kahit binabati ito ng mga empleyado napaka sungit talaga at ako naman wala din akong pakialam sa mga matang naka tingin sa akin bahala sila jan at gutom ako ngayon pinapakiramdaman ko yung tiyan ko gutom na talaga ako pag dating namin sa office niya andun na si Emily yung secretary niya kinausap lang nito saglit Emily si Irish ang papalit sayo kaya dito siya sa labas turuan mo siya ng mga dapat gawin dapat bago ka umalis naituro mo na sa kanya lahat masungit na sabi nito okay po sir sagot nalang ng secretary nito tumalikod na agad ito at pumasok sa loon ng office niya.
Bumaling naman sa akin si Emily Good morning Irish bati nito sa akin morning wala kung ganang sagot sa kanya dahil gutom na talaga ako naririnig ko na din na tumutunog yung tiyan ko napansin naman ni emily kaya nag tanong ito sa akin may nangyare ba irish? pinagalitan kaba ni sir? umiling lang ako at sumagot na gutom lang ako.
Good morning ladies narinig kung may nag salita kahit hinda ko na lingunin kilala ko na kung sino yun good morning din po sir Justin bati naman pabalik ni Emily dito pero ako tahimik padin.
Irish bakit ang tahimik mo? tanong nito sakin pero dahil nga gutom na ako at hindi ko na matiis sumagot ako dito ibili mo akong pagkain yung madami kung gusto mong kausapin kita at kung ayaw mo na ikaw yung kainin ko ng buhay
whaahhh halatang gutom na gutom ka ah hindi kaba pinapakain ng boss tanong pa nito sa akin kaya lalong uminit yung ulo ko isang tanong mo pa sa akin makaka tikim kana bumili ka nalang ng pagkain dali sagot ko dito.
Okay okay ibibili na kita nakaka takot ka palang magutom sabay alis muka ngang natakot ito sa akin.pero napa baling ako kay Emily nung nag salita ito grabe ka irish isang utos mo lang kay sir justine sumunod ka agad alam mo ba na mga babae pa yung nag ooffer sa kanya para utusan niya lang pero ikaw kakaiba ikaw talaga yung nag utos sa kanya mahabang lintanya nito tumingin lang ako dito at hindi sumagot saka dumukdok sa lamesa.
Lumapis ang ang minuto dumating nadin si justin ang dami nyang binili limang klase ng pagkain binigay niya agad sa akin to kaya dali dali ko namang kinuha nag pasalamat nadin ako hndi naman kasi ganun ka sama ang ugali ko na hindi mag pasalamat binuksan ko agad lahat saka inilagay sa lamesa wala akong paki alam kung naka tingin silang dalawa sa akin basta ako kain lang ng kain dahil nga gutom na gutom ako na ubos ko lahat ng pagkain na binili ni justine uminom ako ng tubig saka dumighay syempre tinakpan ko naman yung bibig ko hndi naman ako ganun ka bastos pag angat ko ng ulo ko nakita ko yung dalawa na naka tingin sa akin at naka nganga na parang hindi maka paniwala pero napalingon ko sa likod ni Justin andun din pala yung boss ko na parang tulala din na naka tingin sa akin ano ba ang nangyayare sa kanila eh kumain lang naman ako ngayon lang ba sila naka kita ng kumakain dahil parang wala silang plano mag salita kaya nag salita na ako Hoy mga Fudge bar kayo bakit naka tulala lang kayo jan justine Emily paki sarado ng bunganga nyo at baka mapasukan ng insekto kaya dali dali naman nilang sinara gusto kong tumawa sa mga reaksyon nila pero pinigilan ko lang heyy boss tawag ko kay brent anjan ka pala kaya parang bumalik ito sa sarili niya napa kurap kurap pa ng mata saka tumikhim aheemm after mo jan pumasok ka sa office ko saka tumalikod nag taka naman ako bakit nag abala pa siya na pumunta dito para lang sabihin sa akin na pumunta ako sa office niya eh pwede namang tumawag nalang pero dahil busog na ako at maganda na yung mood ko hinayaan ko nalang.
Ah Irish hindi kaba pinapakain ng kaibigan ko? tanong sa akin ni justine kaya napatingin ako dito bakit? kasi napaka dami nung binili kung pagkain pero na ubos mo lahat para bang hindi ka pinakain ng isang linggo.
hindi lang ako naka kain ng almusal kanina sagot ko dito habang nag liligpit pagkatapos ko mag ligpit nag paalam na ako sa kanilang dalawa na pupuntahan ko muna yung boss ko hindi na ako kumatok diridiritso lang ako sa pag pasok nakita ko sa brent na naka sandal sa upuan niya at naka pikit bakit ba parang pagod na pagod ito pero ang gwapo parin niya tigan sir tawag ko dito kaya napa tingin ito sa akin bakit niyo po ako pinapatawag tanong ko dito bumili ka ng pagkain sa baba at hindi pa ako nakapag almusal kanina bago umalis aayahin sana kita kanina na kumain kaya ako lumabas ng office ko pero nakita kung enjoy na enjoy ka naman sa pagkain na binigay ng kaibigan ko sagot nito sa akin.
Hindi ko tuloy alam ang isasagot ko kaya ang ginawa ko nanghingi nalang ako ng pera sa kanya pambili bg pagkain niya binigyan naman niya ako ng limang libo ang yaman talaga kinuha ko ito at lumabas na nakita ko pa yung dalawa na nag uusap nag taka ako bakit hindi padin umaalis si justine dun pero dahil nagmamadali ako hindi ko na sila pinansin.
Mabilis lang akong naka bili ng pagkain mabuti nalang may malapit lang na restaurant dito kaya nilakad ko nalang pa balik na ako ng may napansin ako na lalaki na may inaabot sa babae sa may front desk kaya nilapitan ko ito at tinanong miss sino yung lalaki ah maam delivery boy po may deniliver para kay sir brent sagot nito sa akin pwede bang ako nalang ang mag bigay sa kanya dun din naman kasi yung punta ko eh sabi ko dito siguro nakilala na ako nito kaya binigay din niya agad salamat sabi ko dito saka umalis na binuksan ko yung sobre pagka bukas ko nakita ko yung naka sulat na "bilang nalang ang mga araw mo kaya mag saya kana" sabi ko na nga ba eh death threat nanaman kaya tinupi ko ito at nilagay sa bulsa ko wala akong plano na ipa alam ito kay brent tumawag ako sa agency dahil may access din sila sa cctv dito kaya sila na ang pina check ko hndi ko kasi magawa yun ngayon at baka mag taka pa si brent hello abby can you check the cctv dito sa building kilalanin mo kung sino yung delivery man na nag deliver ngayon lang Okay irish give me 10mins then i will send it to you sagot nito sa akin thank you abby pasalamat ko dito your welcome sagot naman nito kaya pinatay ko na yung tawag maasahan talaga si abby isa sya sa pinaka magaling sa amin sa pang hahack kaya madali lang sa kanya ang pinapagawa ko.