THALIA'S POV Marahas kong nilingon si Evan, nag-angat pa ako ng tingin dito dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Halos maghimutok ang kalooban ko nang mag-sink in sa utak ko ang kaninang sinabi nito. "W—what?" gulantang kong bulalas na halos maputol ang litid ko sa lakas ng boses. "Anong sinabi mo?" Bumuka muli ang labi ko, handa na sana ulit magsalita ngunit naitikom ko lang iyon na para bang wala na akong naging boses sa sobrang gulat at halu-halong emosyon. Nag-init ang tainga ko pati ang kabuuan ng mukha ko, kaya alam kong namumula na sa galit ang pisngi ko. Matatalim ang naging pagtitig ko kay Evan na ngayon ay nakadungaw lang sa akin. Wala itong emosyon sa mukha na parang normal lang lahat sa kaniya. Nakakainis lang dahil hindi ko mabasa ang pagkatao niya, hindi ko malaman kung

