Inisang hakbang ko ang pagpasok sa loob ng room ni Stacy at marahas na hinila ang buhok niya palabas dahilan para humiyaw ito sa sakit, kahit pa nakatapis lang siya ng tuwalya ay hindi ko iyon pinansin. Mabilis na humawak ang isang kamay nito sa hamba ng pintuan upang hindi ko siya tuluyang mahila, ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sa braso ko habang pilit siyang kumakawala roon. Ngunit masyadong makapit ang mga daliri ko sa mahaba nitong buhok, ayaw siyang pakawalan at mas lalong pinanggigilan iyong niyugyog. Umaalog na marahil ngayon ang utak niya. Good for her, para naman mabalik sa ayos ang utak niyang nalihis ng landas. Ang kapal ng mukha, ano? Nawala lang ako ng ilang buwan pero heto ang mabubungaran ko? Like what the f**k? "Thalia! Stacy!" sigaw ni Jax na hindi malaman ang

