Nang makababa sa sedan ni Evan ay mabilis nitong hinapit ang baywang ko. Tiningala ko pa ang kabuuan ng Top Talent Modeling Agency at halos mabali ang leeg ko sa sobrang taas nito. Sabay kaming pumasok sa entrance kung saan bumungad sa pandinig namin ang masuyong musika na nanggagaling sa malalaking speaker sa paligid. Kaagad naming tinungo ang event hall habang maingat na naglalakad. Marami kasing baloon ang mga nagkalat sa paligid, isama pa na marami na ang tao roon. Mostly ay mga lalaking naka-black tuxedo ang nakikita ko since “Bachelor's Party” nga ito, kung saan purong mga well-known business tycoon na siyang nakikita ko sa iba't-ibang magazine. Ang iba pa sa kanila ay may kaniya-kaniyang partner, mga babaeng nakabihis ng iba't-ibang disenyo ng long gown. Katulad ko na suot ang f

