Chapter 30

1637 Words

Kinabukasan nang magising ako na mabigat ang katawan, halos hindi nga ako makatayo sa kama kung hindi pa ako tinulungan ni Evan na siyang panay ang tawa sa akin. Sinimangutan ko ito at bulgar na inirapan. Bwisit siya, ano bang nakakatawa? Nang hindi matigil sa pagtawa ay hinampas ko ang dibdib nitong kasing tigas ng dos por dos. "Ano ba, Evan!" angil ko rito at muling napairap sa hangin. Samantala ay hindi naman ako nito binitawan, hawak pa rin niya ang manipis kong baywang. Todo alalay pa ito sa kumot na siyang nakatabon sa hubad kong katawan. Sinundan ako nito hanggang sa hamba ng pintuan mula sa banyo. Nang ayaw niya akong bitawan ay nilingon ko ito, kunot ang noo kong napatitig sa mukha niya, lalo na sa labi nitong mapupunit na kakangiti. "Bakit ayaw mo akong bitawan? Gusto mo pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD