Chapter 4

1564 Words
Dinner time nang saktong makarating ako sa bahay. Walang tao sa sala kaya natanto kong naroon na silang lahat sa kusina dala na rin nang pagkalansing ng mga kubyertos doon. "Hija, what happened to you?" Dinig kong histerya ni Mommy nang makapasok ako sa kusina. "Nagpagupit po ako, Mom. Bagay po ba?" sambit ko at kunwari pang napangiti. Nag-isang linya ang labi ni Mommy habang maang na nakatitig sa akin na ngayon ay nananatiling nakatayo, samantalang si Dad ay kunot lamang ang noong nakatingin sa akin. Lumunok ako upang itago ang pagkadisgusto ko sa kaniya. Natawa pa ako sa loob-loob ko, sino bang mag-aakala na sarili kong ama ay isinusumpa ko? Sabi nga ng iba, huwag judgemental kapag wala sa sitwasyon. "Yes girl, bagay sa 'yo. Bumagay sa mukha mo," pagsingit ni Celestine, ang ate ko. "Bakit ka nagpagupit? Anong mayroon?" Pukaw naman ni Blaze, ang mapang-asar kong kuya. Tatlo lang kaming magkakapatid, ako ang pinakabunso. Si ate Celestine ay isang adopted since ang kwento ay hindi magkaroon ng anak noon sina Mom and Dad dala ng katandaan. Kalaunan nang nabiyayaan sila ng sariling anak and that's my kuya Blaze is here, mocking and annoying my whole entire life. Tch, inirapan ko ito. "Wala naman, just want to try something new," sagot ko at naupo na sa tabi ni Ate Celestine. "Totoo ba? So, ano iyong post mo sa f*******:?" sabat ni Kuya dahilan para samaan ko ito ng tingin. "What? Ano 'yon? Teka, check ko nga." Si Ate na dali-daling dinampot ang phone at nag-browse sa kaniyang f*******: account. Napakamot na lamang ako sa batok at muling inirapan si Kuya, two years ang agwat namin, samantalang almost five years naman kay ate Celestine. Kahit kailan talaga ay pahamak itong si Blaze. But take note, despite of our age gap, magkakasundo pa rin naman kami. Mas nangingibabaw ang pagmamahal namin bilang magkakapatid, although madalas ay hindi maiwasang mag-away. "Wait, break na kayo ni Jaxon?" anas ni ate nang maibaba nito ang phone at binalingan ako. Dahil doon ay napahinto sina Mom and Dad na kanina pa tahimik, tumigil din sa pagsubo ng pagkain si Mommy upang harapin ako at maang na tiningnan ang mukha ko. "Hija... it is true?" sambit nito kaya wala sa sariling napabuntong hininga ako. "What happened? Did you cheat?" matigas na boses ni Dad ang nangibabaw sa kusina. Sa narinig ay tila nagpantig ang tainga ko, naramdaman ko pang nag-init iyon at alam kong namumula na ito ngayon. Wait, what? Did I cheat? Really, huh? Napatiim bagang ako at maang na nilingon si Daddy, na noo'y gustung-gusto si Jaxon dahil sa estado ng buhay ng pamilya nito and yeah, they're like some gold digger. Jaxon and I bound to marry each other soon, naka-bind ang company ng mga Lewis sa company ni Dad and that's the reason kung bakit ko nakilala si Jax. Planado na ang kapalaran ko. We're not schoolmate, either not my classmate— eight years ang tanda sa akin ni Jax. Sa katotohanang ipapakasal kami ay pinilit ko ang sariling mahalin ito na siyang nagawa ko naman. Kaya nga umabot ng apat na taon ang relasyon namin, ramdam ko rin naman na minahal ako ni Jax kahit pa na ako lang itong nag-eeffort sa relasyon naming dalawa. "I did not cheat. He is," mariin kong sagot at mabilis na nagbaba ng tingin nang tumalim ang paninitig sa akin ni Dad. "What?" tila gulat na saad ni Mommy habang nanlalaki ang parehong mata. Animo'y nakakita ng multo ang itsura. Napatawa na lamang ako ng pagak sa loob-loob ko. Kung ako ba ang nag-cheat, ganiyan din kaya sila mag-react? Hindi man nila sabihin but they are defending Jaxon. Sa paningin nila ay si Jaxon ang mabuti at ako itong nanloko. How funny it is, damn it! "Yeah, he said he have someone else," dugtong ko at wala nang expression pa ang mukhang binalingan sila. "He also said, hindi na niya ako mahal." Kita ko pang gulat na gulat sina Ate at Kuya. Kumibot ang labi ko at napaluha na lang sa harapan nila nang maalala ang eksena namin ni Jaxon kanina. It's been hours kaya masakit pa rin sa puso. "He cheated on me, Dad— "No, that's not true, Via!" pagputol ni Dad sa akin. Napatayo pa ito dahilan din nang pagtayo ni Mommy upang awatin ang kaniyang asawa, na kulang na lang ay sumabog dahil sa pamumula ng leeg nito at mukha. "Stop it, Zaldy!" pag-awat nito kay Dad saka pa inalalayan ang katawan. "I'm gonna call his parent and you'll marry him right away," anas niya na siyang ikinangiwi ko. "Go ahead," malamig kong tugon at padabog nang umalis sa hapagkainan. Hindi na ako nag-abala pang lingunin sina Kuya kahit panay ang tawag nila sa akin. How could I escape this f*****g reality? Tinanggap ko na ngang ipapakasal ako kay Jaxon kahit pa'y ang kapalit ay ang kalayaan ko. I let them decide coz for all I know, they know what's right and wrong. Pero iyong wala na silang naging pakialam sa nararamdaman ko? The f**k is that. May ganoon ba? Iyong ibebenta ka ng sarili mong magulang para lang panakip butas sa naghihingalo nilang kumpanya? Just wow. Padarag kong sinara ang pinto sa kwarto ko at dumeretso sa balcony, madilim na ngunit sapat na ang mga street lights upang makita ang mga nagdaraang tao at kotse sa loob ng village na iyon, malamig din ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat. "Via?" Dinig kong pagtawag sa akin ni Kuya Blaze kaya nilingon ko ito. "Why don't you just knock first?" angil ko rito pero hindi siya nagpatinag. Bagkus ay mas lalo siyang lumapit at tumabi pa talaga sa akin. Hindi man siya magsalita ay ramdam kong nasa akin ang simpatya nito kahit pa purong pang-iinis lang yata ang ginagawa niya sa akin. O baka naaawa lang siya? Lahat naman ng mga tao rito ay purong awa lang ang ibinibigay sa akin, paano at ikaw ba namang hawakan sa leeg ng sarili mong mga magulang, tch. "Are you okay?" nahinahong tanong nito. "Do I look like I'm okay? Jaxon left me and Dad is accusing me. How can I be okay?" madiing pahayag ko, kalaunan nang pumatak na naman ang luha ko. Fuck, bakit ba panay ang iyak ko? Sabagay, sariwa pa kasi at wala namang nakalilimot kaagad. It takes time and I just realize, masakit pala talaga ang first heartbreak since Jaxon is my f*****g first love. "Naniniwala ako sa 'yo, alright. You don't have to shout," tila iritable niyang sabi kaya sinapak ko ito sa braso. Matapos ako nitong samaan ng tingin ay pagak na lamang akong natawa. Oo nga pala, short tempered ang depungal na 'to kaya walang nagtatagal na babae sa kaniya, though marami naman siyang chicks. "Hindi ko akalaing lalamunin ng sistema si Dad," palatak ko at muling tumawa. "That's called a business minded," pagtatama ni Kuya pero umiling ako. "Nope, he's selfish and insensitive." Pare-pareho lang silang mga lalaki, wala namang pinagkaiba si Dad kay Jaxon na sarili lang ang iniisip. Isa pa 'tong si Kuya na pinagtatanggol ang ama. "Kaya huwag kang gumaya kay Dad. Alam kong lulong ka sa trabaho pero huwag sa puntong magiging selfish ka na at walang pakialam sa nararamdaman ng iba," mahabang lintanya ko rason para matawa ito. "Matulog ka na, okay? Ang dami mong alam. Halika na," anas ni Kuya at walang pasabing hinila ako sa loob ng kwarto. "Ano ba, Kuya!" singhal ko rito nang mapaupo ako sa dulo ng kama. "Matulog ka na, huwag ka nang mag-isip ng kung anu-ano. Mas lalo ka lang masasaktan," pahayag niya, "Isa pa, tingnan mo ang itsura mo— papayag ka bang pangit ka gayong pinagpalit ka ni Jaxon?" "What the hell?" Abot langit ang naging pagtawa ni Kuya, sinamaan ko ito ng tingin saka pa sinipa ang paa. Mayamaya pa nang hinila nito ang ulo ko upang patakan ako ng halik sa noo bago tinapik ang balikat ko dahilan para magbaba ako ng tingin sa sahig. "But don't forget that I'm always here," malambing siyang saad at ginulo pa ang maganda kong buhok. "Whatever." Iyon lang at umalis na rin siya. Nang makalabas ito ay napabuntong hininga ako, mariin pa akong napapikit saka hinayaan ang katawan na bumagsak sa kama. At sa pagpikit kong iyon ay mukha ni Jaxon ang nakita ko, ang gwapo nitong mukha, mula sa malalalim niyang mata. Sa matangos na ilong at mapupulang labi. "f**k, argh!" sigaw ko sa kawalan at mabilis na nagdilat. Dinampot ko ang isang unan at ibinato sa kung saan. Fucker! f**k him! f**k! Bumangon ako mula sa pagkakahiga at isinandal ang likod sa head board ng kama. Salubong ang kilay na napatitig ako pader. Natitiyak kong hindi ako makakatulog nito, gago kasing Jaxon. Sino kaya ang bagong babae niya? Out of curiousity ay nilabas ko ang phone ko at nag-open ng social media accounts. Una kong pinuntahan ang i********: nito since doon siya madalas na nagpo-post ng status. But to my f*****g surprise, he blocked me! Sunod kong binuksan ang f*******: ko at nakitang ganoon din pati sa ibang social media. Shit! Nakita niya kaya ang picture ko? Na bagong gupit ako? Bwisit talaga! Naunahan ako ng gago, sana pala ay bl-in-ock ko na ito kanina. "Ahh! Bwisit ka talaga, Jaxon!" inis kong sigaw at walang alinlangan na ibinato ang phone sa pader.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD