Kasalukuyan akong nagpapahinga sa silid na inihanda ni Jael para sa akin. Hindi ko magawang makatulog dahil sa pag alala ko sa mag ina ko. Hindi ko alam na maging si Garran ay hindi rin makatulog. Narinig ko lang na bumukas ang pintuan ng kanilang silid ni Lora. Hindi nagtagal ay tumapat siya sa pintuan ng silid na kinaroroonan ko. Nakikita ko ang anino niya dahil manipis lang naman ang dingding na pawang gawa sa kahoy at papel. "Hindi ka rin ba makatulog?" tanong ko sa kanya. Binuksan niya ang pinto at sandaling yumuko sa akin bago ito tuluyang pumasok. Umupos siya sa tabi ng higaan kung saan ako nakaupo. "Hindi ko alam kung dapat ko bang tanggapin ang alok mo," aniya na ipinagtaka ko. Sandali kong inisip kung alin ba sa mga nasabi ko ang pinupunto niya. "Na mamalagi na kayo rito n

