Makulimlim ang kalangitan, parang nakikiayon sa nararamdaman ko ngayong alam na ni Aviana ang tungkol sa bata. Minabuti ni Alec na samahan si Aviana sa aklatan para ipaliwanag sa kanya ang laman ng libro. Hindi na ako sumama, hindi ko kayang makita si Aviana na nasasaktan. Ang buong akala namin ay magiging maayos na ang lahat. Kasalanan ko kung bakit nalalagay sa alanganin ang mag-ina ko. "Garran, alam kong nandiyan ka." Nararamdaman kong binabantayan ako ni Garran. Marahil kasama iyon sa tungkulin niya. Lumabas mula sa beranda si Garran at pumasok sa bukas na pinto. "Naiintindihan ko na iba ang trato mo sa akin kumpara sa trato mo kay Ingkong. May gusto lang akong itanong." Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at nilapitan ko siya. "Kung mapatunayan ang hakahaka ni Ingkong, anong ipina

