Naramdaman kong nakapanganak na ako. Nakita ko si Archer pero malabo na ang paningin ko hanggang sa tuluyang magdilim ang nakikita ko. Heto na ang katapusan ko. Sa pagmulat ng mga mata ko ay nakakasilaw na liwanag ang nakita ko. Ito na ba ang langit? Naging mabuti ba akong tao para mapunta sa langit? Napangiti ako. Masarap sa balat ang malamig lamig na hanging dumadampi sa balat ko. Hindi ko alam kung nasaan ako pero nang umupo ako ay bumungad sa akin ang malawak na hardin. Iba't iba ang kulay ng mga halaman na namumutakti sa mga magagandang bulalak. Maraming puno ang nakapalibot sa lugar na may iba't ibang bunga ang bawat puno. Hanggang sa nakita ko ang isang bata na lumundag para makakuha ng bunga ng mansanas. Kaunting lundag lang ang nagagawa niya pero hindi siya sumusuko sa pagkuh

