Chapter 33 Candice’s POV Kaya, kaya niyang patayin ang sarili niyang anak? Yung ang pumasok sa isipan ni Candice sa binitiwang salita ng padrino nitong si Yugo. Nakatitig lang sila sa isa’t isa. Inangat ulit ng kanyang Ama ang kamay nito at may isang babae nalang ang biglang umangat kasabay nga nang pag-angat ng kamay nito. Hindi pupwede! Papatayin niya rin kaya ito gaya ng ginawa niya doon sa isang kawal niya? Wala talaga siyang puso. Kaya napatayo ako at nawakan ang kamay nito para pigilan siya sa gusto niyang gawin doon sa walang awang babae na nais niya paslangin para lang muling bumalik sa sarili nito ang sarili niyang anak. Na unti-unti nang narerealize na mali ang mga pinag-gagawa nito. Hindi ko maintindihan, kung bakit parang kanina lang ang tapang-tapang kong humawak sa kamay n

