CHAPTER ELEVEN:

1638 Words
NEW FRIEND,NEW PUNISHMENT...AGAIN! "A! Ngumari karang bata kaa!! Bilis!!!" pambulabog ni tita sa labas ng kwarto ko... "Inaantok pa ako ei!"mahinang sigaw ko na alam kong narinig niya... "LALABAS KA DYAN O PAPASUKON KITA AT IBUBUHOS KO SAYO ITONG MAINIT NA KAPE!!"sigaw niya habang kinakatok ang pinto.... "Papano ka papasok kong naka lock ang pinto?" Tanong ko "GIGIBAIN KO ANG PINTO!!WAG MO AKONG SUBUKAN A!!"sigaw niya Ulit. "Hayst!!Oo na babangon na nga eii!"sabi ko at tumayo pumunta ako sa banyo at nag hilamos nag toothbrush bago lumabas pagkalabas ko ay nakita ko si tita na naka upo sa pang isahang sofa at umiinum ng kape "Bakit ba tah?"tanong ko at umupo sa isa pang sofa kaharap niya,bigla naman niya akong binato ng tsinelas at buti na lang nailagan ko ang ginawa niya kundi babaha talaga ng dugo "Sh*t!!para saan yun?"nakakunot noo kong tanong sa kaniya "PARA SAAN?ABA SIRA*LO KANG BATA KA!!ANO NA NAMAN ANG NABALITAAN KO AT NAKIPAG AWAY KA DAW SA SCHOOLMATE MO AT PROFESSOR MO SA ENGLISH?!HA?!AKALA KO NAG BAGO KA NANG BATA KA!!"sigaw niya halos lumabas na nga ngala ngala niya ei "Hayst!!hindi ko naman kasalanan ei"sagot ko sabay kamot sa batok ko "Ikaw na lang sana ag lumayo o kung pwede tumakbo ka papalayo sa gulo"sabi niya "tumakbo na ako tah pero humahabol sa akin ang gulo kaya no choice ako kundi salubungin ang gulo" katwiran ko "Aish!palusot ka pa"sabi niya at tumayo "Hala!!maligo ka na dahil kanina pa yung babae sa labas naghihintay sayo,Lily ata pangalan niya" dagdag niya kaya napakunot namana ang noo ko "bat hindi mo pinapasok?"tanong ko "Ayaw niya ei"kibit balikat niyang sabi at tuluyang pumasok sa kusina Napatango na lang ako sa sinabi niya,lumabas ako at nakita doon si lily na nakatayo at pinapatay ang lamok na dumadapo sa kaniya.napailing naman ako sa nakita. "Anong ginagawa mo dyan?"tanong ko napatalon naman siya sa gulat "Ahm...hinihintay ka?"hindi siguradong sagot niya "Pumasok ka na dito ngayon ka pa na hiya,tsaka parang gusto mong magpakamatay dyan at nagpalapa ka sa mga lamok?"sagot ko sa kaniya pero nginitian niya lang ako.Pumasok ako pero wala namang sumunod sa akin kaya bumalik ako at nakita ko siyang nakatayo parin. "Ano gusto mo buhatin pa kita?"tanong ko "ahh..ehh...-" "Hali kana pasok"sabi ko at kinaladkad na siya Pagpasok namin ay pinaupo ko agad siya sa sofa namin at chineck ang namumulang balat niya dahil sa kagat ng lamok,napailing ako sa nakita. "Tsk!ayan tingnan mo kung anong nagyare sayo namamantal ka tuloy"sermon ko sa kaniya.. "Okay lang ako no"mahina niyang sabi Tsk..tigas ng utak nito...pumasok na ako sa kwarto at naligo pagkatapos ay nag bihis..sinuot ko ang kulay sky blue na taslan at black over size t shirt tapos ang sapatos naman...lumabas na ako sa kwarto at nakita ko si lily na pinapahiran ng kung anong gamot ni tita... "Sus..sasusunod hija wag kang tatambay sa labas ng bahay baka mag ka dengue ka...kumatok ka kundi pumasok kana lang sa bahay pag dating mo wag kana mahiya dahil kaibigan ka naman ni Aurora"sabi ni tita... "O-opo tita"sagot niya "Tara na"sabi ko nang makita kong tapos na si tita Tumango naman si lily at tumayo sa kinauupoan kaya lumabas na kami sa bahay at naglakad na papaalis...pagdating namin sa sakayan ng jeep ay sumakay agad kami....ilang minuto pa ay dumating na kami sa school... Pagpasok namin sa loob ng classroom namin ay bumungad agad sa amin ang magulong classroom at mga studyanteng may mga sariling mundo... Umupo na ako sa aking upuan..tumabi naman sa akin si lily...ilang minuto pa ay dumating na ang malditang professor namin sa english kasama ang dalawang babae... "Okay class,this two girl will be your new classmate,dito sila nilagay dahil puno na ang first section"sabi niya sabay irap sa kawalan... alam niyo isa na lang talaga sa akin ang professor naming yan mababato ko na talaga siya ng upuan!nanggigigil ako sampo! "Introduce your selves"masungit na dagdag niya "Alexandria Anastasia Moon is the name"sabi nong isang babae na medyo kulot at kulay brown ang buhok.... "Jazy Vyxie"maikling sabi niya at ngumisi sa amin may saltik ata siya sa utak bigla bigla na lang ngingiti ng nakakatakot...tsk mga tao nga naman parang human,hayst!! "okay,you can sit now"sabi niya habang nakataas ang kilay bago umupo. "Guyss....kung sino yung kasali sa Basketball, soccer at baseball team...lumabas kayo dahil may practice kayo ngayon para sa Tournament na darating...ang iba namang maiiwan ay gusto kong maglinis kayo sa west wing forest now"utos niya at umalis... "Eii...may janitor naman tayo ah!" "Ano ba yan si miss sungit" "Grabe gusto pa ata niya madumihan ang mga kamay ko?!" "arrgh!!bago pa naman ang manicure ko" "Eww....ayoko nga maglinis baka madumihan pa ang mamahaling damit ko" Pag mumuktol ng iba sa amin yung iba naman ay nag sitayuan at lumabas na...tumayo na ako at lumabas nakasunod naman sa akin si lily..pumunta ako sa cafe at doon nag tambay...hihintayin ko na lang sila matapos bago pumunta sa next sub ko...umupo naman sa tabi ko si lily...nilibot ko ang tingin ng makitang mapuno ang loob ng cafe...siguro wala din silang pasok.... "Ano kakainin mo A?"biglang tanong ni lily "Ahh...tomato juice na lang sa akin ayaw ko kumain"sagot ko... "Ah..sige hintayin moko"sabi niya at umalis na Ilang minuto pa ay bumalik na siya at umupo binigay naman niya ang binili para sa akin...kinuha ko ito at tinusok ng straw bago sumipsip dito...nag simula namang kumain si lily...habang nag mamasid ako sa paligid ay may tatlong babaeng huminto sa tapat ng mesa namin...tiningala namin ni lily ang mga ito at nakita ang dalawang bagong kaklase namin at yung isa naming kaklase na naka ngiti pa.... "Hi...pwedeng umupo?"tanong nong babaeng naka ponytail ang buhok na may maliit na mukha at malaking mga mata...para siyang anime na lumabas galing sa mangga... "Yepp!!"masaya namang sagot ng aking katabi kaya napa iling na lang ako at pinag patuloy ang ininom...umupo naman sila sa tabi namin...malaki naman kasi ang mesa namin na magkakasiya ata sampong tao... "ikaw yung babaeng naririnig kong Maangas at astig"sabi nong babaeng medyo kulot at kulay brown ang buhok...ano nga ulit pangalan nito?A din simula ng pangalan niya ei. Nagkibit balikat lang ako at hindi na sila pinansin kagaya ng isang katabi niya yung bigla na lang ngumi ngisi ng nakakaluko para bang may masamang gagawin ay tahimik lang akong nag masid sa paligid... "Btw,ako nga pala si Xiara Blaire Mendoza, blaire na lang"narinig kong sabi nong mukhang anime...ang ganda naman niya nakakatibo... "Kilala mo naman ako dahil kaklase naman tayo sa first sub"sagot nong babaeng brown ang buhok "Ah..ehh..nakalimutan ko"nakangusong sabi ni lily kaya napalingon ako sa kanila.. "Aish...I'm Alexandria Anastasia Moon,Alex na lang ang itawag niyo"sagot niya..tumango na lang si lily "Ako si Jazy Vyxie Castillo...Vyx na lang"sagot nong katabi ni Alex...yung sira*ulo bigla na lang ngingiti parang tanga... "Ei..ikaw ano name mo-" "pwede pa upo?"tanong nong bagong dating na babae..medyo maliit siya...at parang jolly kung tignan.... "Oo..halika...ano pangalan mo?"masayang ani ni lily umupo naman yung kadadating lang na babae "Ako si Zi Yang Ta...Zi for short"masaya ding sagot niya sa tanong ni lily....nag iwas na lang ako ng tingin sa kanila at inubos ang laman ng juice ko..Sisipsip na ulit sana ako sa juice ko ng maramdaman ko ang mga titig nila kaya nakakunot noo ko silang tiningnan... "What?"tanong ko ng nailang na talaga ako... "Ano pangalan mo?"tanong nong Zi "A."maikling sagot ko "Yang lang pangalan mo?seryuso ka?isang letra lang?"sunod sunod na tanong ni Blaire "HAHAHAHA hindi,Aurora ang talaga ang pangalan niya pinaikli lang niya"tawa tawang sagot ni lily sa kanilang lima. Tumatango naman sila at nag patuloy kumain sa kanilang biniling pagkain...nag simulang mag usap ang limang babae habang kami ni Jazy ay nakikinig lang ng biglang pumasok sina Freia at ang alipores niya... ngumisi naman iyong si Jazy...pagdaan nang tatlo ay biglang pinatid ni Jazy yung isang alipores ni Freia(Joyce)kaya natulak niya yung isa pang kasama nila(Elli)at natulak naman niya si freia kaya nasubsub silang tatlo.... "WAHAHAAHAHAH!!! TANG*NA!!!! ANG TATANGA NIYO NAMAN HAHAHAHA" malakas na tawa ni Alex...seryuso? mang asar ba daw? "TSK!MGA LAMPA!PFT~"natatawang sabi naman ni Jazy...ano ba talaga...yung bumubuo na ako ng planong umiwas sa gulo..meron pang dadating sa buhay mo na siyang dahilan ng gulo...ano ba talaga? Iiwas o lalapit? "ARGH!!WHO DID THAT?!"sigaw ni Freia habang namumula ang mukha sa sobrang kahihiyan... "I WILL SUMBONG TO MR.PRESIDENT OF WHAT YOU DID TO MEE!!MARK MAY WORDS..ALL OF YOU..MAKAKARATING ANG GINAWA NIYO KAY PRESIDENT!!"banta niya sa amin habang malakas na sumigaw... "Oh ehh ano naman ngayon?gusto mo samahan ka pa namin?"malditang sabi ni alex kaya napahilot ako sa noo ko. "You...shut your mouth you b*tch,I think kayo yung nag tulak sa amin,Hah siguro naiingit kayo sa akin kasi maganda ako at mayaman pa"sabi niya sabay flip hair..wala talagang patutunguhan ang sinasabi ng freiang ito....hayst... "Kung maganda ka,maganda rin naman ako...kung mayaman ka...mas mayaman ako kesa sayo pero wag ka mag alala isa lang naman pinag kaibahan natin ei......AKO DYOSA IKAW HIGAD!!"Sagot naman ni alex,maldita rin pala ang babaeng to noh? tiningnan ko yung tatlong kasama namin na nakakanganga lang at nanunuod sa nangyare...Ako?wala mabait na ako ngayon ei! "You!!"sigaw ni Freia at sasampalin na sana niya si alex nang naunahan siyang sampalin ni Jazy... "Subukan mong idapo yang kamay mo sa kaniya tatangalan kita ng mukha...b*tch"sabi ni jazy pagkatapos niyang sampalin si Freia..reresbak na sana ang dalawa nang tumayo ako... "Hayst...pwede ba mamaya na kayo mag away hindi ko maubos ang juice ko dahil sa inyo"sabi ko "Isa ka pang babae ka!!"sigaw ni freia at hahawakan na sana niya ako sa buhok nang sinipa siya ni Jazy kaya tumilapon naman si Freia at sumuka ng dugo tiningnan ko si Jazy na naka ngisi lang...Hayst.... may kapatid din pala ako sa ganito noh?!! me? jazy... 'WAG KA MAG DIWANG DYAN..ALALAHANIN MO ANG SINABI SAYO NG DEAN!sigaw ng demonyo kong kaibiga.... AISH!!!OO NGA PALA!!! LAGOT AKO NITO!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD