AURORA'S POV
"AURORA DOVIL!!GUMISING KA NAAAAH!" sigaw ni tita sa labas...
"Aish...ano ba inaantok pa ako!!"muktol ko
"ANO HINDI KA TATAYO DYAN?GUSTO MO BUHUSAN KITA NG MAINIT NA TUBIG PARA TUMAYO KA NA DYAN HA?!!"patuloy parin niyang pambubulabog sa labas ng pinto...
"Oo na ito oh tumayo na nga ei..."sabi ko sabay tayo...
Pumunta na ako sa banyo at naligo pagkatapos ay nagbihis ng damit nag suot ako ng black sweatpants at white na tube na pinatungan ng black craptop jacket at sapatos na white...
Lumabas na ako ng kwarto habang dala dala ang maliit na backpack ko...paglabas ko ay nakita ko si tita na naghahanda ng almusal..
"Hindi ako kakain"sabi ko at ni lampasan siya
"Sige oh ito dagdag sa baon mo"sabi niya sabay abot sa akin ng pera.....
Lumabas na ako sa bahay at pumunta sa sakayan ng jeep...pumara naman ako nang makita kong may papalapit na jeep sumakay na ako...
"kuya paki abot"sabi ko sa katabi ko kinuha naman niya ito at pinasa papuntang harap...
Pagkadating ko sa school ay bumaba na ako at pumasok sa gate...
"Hep!hep! Anong-"
"HORAYYYYY!!oh ayan okay na pwede na ako pumasok?"na putol ang sasabihin niya sa tanong ko...
"Aba't sino ka naman miss bawal outsider dito sa school"sabi niya at humarang sa daanan....
"Hoii kalbo estudyante ako dito hindi mo ba nakikita?anong silbi ng malaki mong mata at hindi mo nakuhang pumasok ako dito dahil ESTUDYANTE AKO hindi OUTSIDER"sabi ko at pinag diinan pa ang estudyante at outsider
"Bata bakit hindi ka naka uniform bawal yan dito"sabi niya...amp bobong kalbo
"Hoii matandang kalbo hindi mo ba makuha ang sinasabi ko? TRANSFERE AKO DITO!!! naiintindihan moko?"sabi- i mean sigaw ko sa mukha niya...
"Oh?hindi ko alam yun pasensya na"sabi niya
"edi sorry din tsaka saan ka ba kahapon at noong pumasok ako walang nagbabantay dyan?"sabi ko dito
"Nag memeting lang kasama ang dean at ang SSC OFFICERS"sagot niya kaya tumango na lang ako at umalis...
Habang nag lalakad ako ay napapansin kong nakatingin silang lahat sa akin na parang ako lang ang magandang nilalang sa mundo charrr oh wag niyong dibdibin...remember wala kayong dibdib WAHAHAH joke
Hindi ko na lang sila pinansin at nag patuloy sa paglalakad nang biglang-
"Attention to Ms.Dovil please proceed to the president's office"ani ng speaker,kata huminto ako...
"Again Ms.Dovil Proceed to the president's office"ulit niya....
Tang*na kailangan paulit ulit?anong akala niya sa akin bingi?aba siraulo...tsaka nasaan ba yang P.O(President's Office)na yan?
lumingon ako sa likod ko at may nakita akong babaeng papalapit kaya nilapitan ko siya...
"Excuse me? alam mo ba nasaan ang President's office?"mahinhin kong tanong sa kaniya...nakakahiya sa kaniya ano?ang hinhin kasi niyang maglakad tapos mukha pa siyang baby.....Innocente...
"Ahm....Yepp,pumunta ka lang sa Dean's Office then pumasok ka tapos may makikita ka doon na pinto sa left side..pumasok ka doon"mahina niyang sagot....see I'm right?halos hindi ko na marinig ang sinabi niya dahil sa sobrang hina at hinhin....napasimangot na lang ako at tumango
"Sige"sabi ko at tumalikod...
Pumunta na ako sa sinasabi niya tsaka alam ko naman kong saan ang Dean Office kaya walang problema....
Pagkadating ko sa Dean Office ay binuksan ko agad ang pinto ng walang katok katok...nakita ko ang opisinang walang tao kaya pumasok na lang ako at nilibot ang tingin sa loob nito...tama siya may pinto sa kaliwa kaya pumasok agad ako....napatigil naman silang lahat sa ginagawa at napatingin sa akin ng masama....
"Hindi ka ba marunong kumatok"tanong nong lalaking mukhang na kuryente dahil sa buhok niya...
"Hindi uso sa amin ang ganiyan"sagot ko at ni libot ang tingin....
"Sa amin uso"masamang loob na sabi niya...
"hindi ko tinanong"nakataas kilay kong sagot...
"Anong kailangan mo?"tanong nong lalaking medyo nerdy ang look..
"Diba dapat ako mag tanong sa inyo ng ganyan? Anong kailangan NIYO sa akin?"sabi ko at binigyan ko sila isa isa ng masamang tingin...
"Oh so,ikaw si Newbie?"tanong nong isa pang lalaking mukhang binagyo dahil sa lukot lukot ang uniform tapos mali pa ang pag kakabutonis
"Hindi pa ba halata?"tanong ko...
"Hindi ei"nakangising sabi niya
Tinaasan ko lang siya ng kilay tapos ni libot ulit ang tingin sa loob ng opisina...malaki ang opisina nila tsaka maraming mga papeles na nakatambak....
"So...bakit niyo ako pinapunta dito?"tanong ko
"F*ck...Can you find that gi-"naputol ang sasabihin ng lalaking papalabas sa isa pang pinto at tumingin sa akin....
"Pwede ba bilisan mo kung may sasabihin ka nakakabagot na kaya dito"sabi ko dito ng hindi parin siya nag sasalita...
"Okay,Miss pinapunta ka namin dito dahil sa ginawa mo kahapon,na ospital si ziggy dahil sa ginawa mo"sabat naman nong isa pang kalalabas sa pintong nilabasan din nang lalaking nasa harap ko...naiintindihan niyo?dahil kung hindi...ah basta yun na yun....wag niyo na ipa explain sa akin dahil malilito lang kayoo!!
"Nakikita mo bang may pakialam ako?"tanong ko dito...
"Sa tingin ko meron-"
"It's your responsibility to care because it's your fault why his inside of the hospital and laying on bed"putol nitong lalaking ito sa sasabihin nong isa pang lalaki....
ta*ng*na nakakalalaki talaga ang lalaking ito dahil laging lalaki ang sinasabi ko kasi hindi ko kilala ang mga lalaking nandito psh....
"Tapos?"bored kong tanong
"Yan lang irereact mo?"tanong nong lalaking binagyo...
"Bakit ano bang gusto niyong sabihin ko?" tanong ko dito...
"Seryoso?"sagot naman niya
"Okay sige take two"sabi ko...
"OH MY GOD TALAGA NA OSPITAL SIYA?! KAWAWA NAMAN SIYA!!BAKIT HINDI NA BA SIYA MAKAKALARO NG BASEBALL?!BUTI NGA SA KANIYA PASAMALAT SIYA HINDI SIYA NAMATAY NOH?!!OH AYAN HA NASHOCK AKO"sigaw ko....psh
"Aish...anong klase kang babae?"tanong nong lalaking parang kinuryente
"Tahimik"sagot ko sa kaniya...
"Miss-"
"pwede ba kung walang kwenta rin lang ang sasabihin niyo mga kupal aalis na ako tsaka paki hanap ng pake ko"sabi ko at tumalikod umalis na ako sa lugar na yun....
Grabe buti pang hindi na lang akongaagang pumasok kung yon lang din ang bubungad sa akin?aba bwes*t nga nama diba?
Pumunta na lang ako sa Cafeteria kesa namang pumunta sa room ei late na ako ng limang minuto tapos papagalitan lang ako kaya dito na lang ako di ba...marerelax pa utak ko...
Pagkadating ko sa cafe ay pumunta agad ako sa counter at umorder pagkatapos ay umupo sa bakanteng mesa at upuan sa may dulo ng cafe marami rami na rin ang tao dahil malapit na ang break time....
habang kumakain ako ay may limang lalaking pumasok sa cafe at pumunta sa direksyon ko hindi ko na sana sila papansinin ng bigla nilang hampasin ang lamesa habang sumusubo ako ng french fries....
"Ang kapal nga naman ng mukha mong pumasok pa dito noh?"sabi nong lalaking may abs sa mukha...
"Ang lakas ng loob mong magpakita matapos nang ginawa mo kay ziggy"sabi ng isa pang lalaking mukhang kinulang sa dugo sobrang putla....
"Alam mo bang nang dahil sa ginawa mo ay maaari siyang mamatay?"sabi nong isa pa...
hindi ko sila pinansin at pinag patuloy ang pagkain sa french fries kong na tapon sa mesa anong akala nila sa akin may pakialam?tsk mamatay sila kakasalita dyan...who cares by the way?
"NAKIKINIG KA BA HA?"sabi nong lalaking parang kinarate ni jackie chan sabay kwelyo niya sa akin....nakuha naman namin ang atensyon ng mga tao dito sa cafe at nag bubulungan....
"Anong tingin mo?"balik kong tanong habang nakatabingi ang ulo kong tiningnan siya...
"Ang lakas ng loob mong mag salita-"
"Tinanong mo ako di ba kaya sasagot ako.... bobo amp~"sagot ko sa kaniya...
"Ang yabang mo..anong pinagmamalaki mo ha?"nangigigil niyang sabi habang hawak niya parin ang kwelyo ko....tsk tsk tsk ang baho nang hininga niya ha...nagtotoothbrush pa ba to?
"Ang yabang mo tapos maliit ka pa anong kaya mong gawin ha?"sabi pa nong panglimang lalaking mukhang sinampal ng kapre sa pisngi...
"ITO!!"sigaw ko sabay hawak sa kamay niyang nasa kwelyo ko at pinilipit nito...
"Argh!!!"sigaw niya...
sumugod naman ang apat kaya sinipa ko sila isa isa sa tyan nila at inikot itong lalaking hawak hawak ko sabay sipa sa likod niya.....humarap ako sa apat na may hawak na upuan....
"Mga bading pala kayo ei..."nang aasar kong sabi...
Ihahampas na sana nong pang apat na lalaki ang upuang hawak ng sinipa ko siya sa hita kaya na paluhod siya....hinampas naman ako sa likod ng ikatlong lalaki kaya napa dapa ako sa sahig...dali dali akong tumayo at sinuntok siya sa mukha niya tapos tinadyakan siya nang malakas sa dibdib niya kaya na buwal siya at napahiga sa sahig...Tumingin namn ako sa lalaking sinipa ko sa hita na nakahiga habang hawak ang hita niyang halos mabali...ahmm napalakas ko ata?
"Hah!tumayo kayo dyan at gumanti sa kaniya" sigaw ng lalaking pinilipit ko ang kamay kanina
Lumapit naman sa akin yung lalaking parang sinampal ng kapre at ihahampas na sana niya ang upuan sa akin kaya sinipa ko na ang upuan bago dumapo sa katawan ko...tumilapon naman ang upuan sa malayo...lumapit ako sa kaniya sabay hawak sa buhok niyang singtigas ng seminto at sinuntok siya ng sinuntok....
"Sh*t pigilan niyo siya!!"
"oh my god!!"
"she's dangerous paano siya nakapasok dito?!"
"Hey!tawagin niyo ang SSC OFFICERS!!"
"Guyss stop her!!"
Tsk...mga babae dito ang OA...habang sinusuntok ko siya ay may biglang humawak sa braso ko...paglingon ko ay nakita ko ang kamao niyang papalapit sa akin at natamaan ako sa labi...naramdaman kong may dugong umagos dito kaya binitawan ko ang lalaking hawak ko sabay linis ng dugong galing sa labi ko at ngumisi sa Ikalawang lalaki.....tsk..tsk...
Dahan daan akong lumapit sa kaniya at hinawakan siya sa kwelyo sabay suntok sa mukha niya...kagaya ng lalaki kaninang sinuntok ko ay ginawa ko rin sa lalaking ito...habang sinusuntok ko siya ay biglang tumahimik ang paligid pero wala na akong pakealam basta malabas ko lang ang galit ko...
"STOP IT!!"sigaw ng kung sino pero wala parin akong pake baka sa kaniya ko pa ibunton ang galit ko sa mga lalaking ito...
"I SAD STOP IT!!"dumagundong ang boses ng kung sino sa loob ng cafe kaya tumigil ako pero hindi ko binibitawan ang lalaki...
Dahan dahan akong lumingon at nakita ko ang lalaking sobrang nakakatakot ang aura...siya yung lalaki sa office...siya ata President?
Binitawan ko ang lalaki at pinunasan ang kamay kong may dugo tapos naglakad papalapit sa kaniya na parang walang nangyare...
"Follow me"sabi niya pero tiningnan ko lang siya
"Ayaw"sabi ko at tumalikod..
Paalis na sana ako ng bigla akong umangat sa ere...aba't sir*ulo nga naman...
"bwes*t ka ibaba moko!!"sigaw ko..
Kung minamalas ka nga naman argh!!bwes*t siya nahihilo na ako!!pag talaga ako nakababa sasapakin ko ang p*st*ng kupal na tooooo!!