Almika's POV "Anong ginagawa mo dito! Bakit gan'yan ang mukha mo?" gulat na gulat ako sa kalagayan ni Vandeon ngayon. Kung hindi dahil sa boses niya hindi ko s'ya makikilala. What is happening to him, bakit mas lalong dumami ang sugat niya ngayon. "I c-can't." hirap niyang salita. Umirap naman ako, hinila ko s'ya papasok sa loob ng bahay. Kapag hindi agad maagapan 'yong sugat niya, mauubusan s'ya ng dugo. Ano ba kasing pumasok sa kokote niya bakit niya hinayaang malagyan ng mga pasa ang mukha at katawan niya, hindi ba s'ya lumaban? Pang ilang beses na itong nangyari sa kaniya, hindi ba siya nagsasawa? Kasi ako sawang-sawa na ako sa pagmumukha niya. Kapag kaharap ko siya may baon talaga siyang sugat sa katawan. Nanghihina ka na ba talaga ngayon Vandeon? Argh! Kahit na may malaki kang k

