Almika's POV "WHAT?! Saan na kayo?!" kanina pa sumisigaw si Penelope dito sa harapan namin, kakatapos lang ng training namin at puro pasa na 'yung mukha ko ganu'n din si Riley at Freena na kapwa hinihingal din. Pawis na pawis ang mga mukha namin, punit-punit na ang mga damit dahil sa pinangagawa ni Penelope, masyado siyang mapanakit kung lumaban, magaling s'ya gumamit ng katana. "The fvck! I'm coming!" galit na sambit niya 'saka niya kami tiningnang tatlo, kinuha niya ang katana ni Freena, binigay niya ito sa may-ari, kinuha niya din ang dalawang pistol 'saka binigay kay Riley, actually, hindi kami gumamit ng baril ngayon dahil delekado 'saka long range ito. Kinuha niya rin ang isang pana sa kanyang upuan at nilahad ito sa akin, kumunot naman ang noo ko. "You guys will be coming with

