Continue... Arkanghel Donovan. Saan ko nga ba narinig 'yang pangalan niya. Bagong salta, bagong demonyo. Ano na naman kaya ang papel ni Ark sa society ni Kiefer? Anong negosyo ang pinatatakbo niya? Sa halip na isipin ang mga bagay na iyon? Binalingan ko ng tingin ang sasakyan, nanlaki ang mata ko nang bigla na lamang nilang paandarin ang sasakyan. What the s**t! Lumabas ako sa pinagtataguan ko, mahigpit kong hinawakan ang bag ko, lumapit ako sa sasakyan at akma na sanang hihiyawan nang may humigit sa kamay ko. Iritable akong humarap sa taong humila sa akin. "ANO BA!" angil ko pagkatapos ay lumingon na naman ako sa sasakyan. "No. No! Fvck!" hindi ko pinansin ang taong nasa likuran ko, mabilis kong tinakbo ang distansya ng sasakyan. s**t! Patay na talaga ako neto ngayon, tangina!

