Continue... "What's the matter?" panimulang tanong ni Skie. Nagpakawala ako ng malalim na hininga 'saka umupo sa tabi niya, magulo parin ang buong opisina pero wala yata siyang balak na mag linis ngayon. Well, ano pa bang aasahan mo sa isang Santford? "Bakit hindi ka sumipot sa usapan natin?" Taas kilay kong tanong. Umarko naman ang kilay niya, hinawakan niya pa ang panga niya na tila nag-iisip. Abat 'tong gagong 'to! "May importane kasi akong ginagawa." "Like?" "Investigating someone." sagot niya. Kumunot naman ang noo ko, investigating someone? Ano na naman kaya ang kinalaman niya diyan? At sino naman kaya 'yun? Hindi ko alam na may pinagkakabalahan pa lang iba si Skie, wala lang kasi sa mukha niya. He's a serious type pero kapag sa ibang tao lang. Kapag kilalang-kilala mo na tal

