Almika's POV "Ang aga mo namang bumisita rito, Skie. Anong kailangan mo?" kakagising ko lang. Hindi ko inaasahan ang pagbisita ni Skie ngayon sa bahay namin. "Kailangan agad? Btw, good morning. Blooming natin ngayon ah!" "Eh kung sipain kaya kita palabas ah? 'yung totoo, anong ginagawa mo dito? Wala ka bang trabaho sa hospital?" Bumaba ako 'saka tinungo ang kusina. Sumunod naman siya sa akin at kumuha ng apple sa loob ng ref. "Wala. May sasabihin lang sana ako," "Ano 'yun?" Umupo ako paharap sa kanya. Mamaya ko na lang gisingin ang anak ko, mukhang ang sarap ng tulog niya. He had fun playing with Peyton yesterday. Mabuti naman kung ganu'n, ayokong isipin niyang may problema kami ngayon. I want him to be safe. "I heard from Kace na may atake silang gagawin mamaya sa NightOut b

