“Ito pa, Dash.” Nilagyan ni kuya Lennox ng bacon at hotdog ang pinggan ko. Sa kabila ko naman ay si kuya Landon na naglagay naman ng toasted bread sa aking pinggan. “Masarap ‘yan kapag ito ang ka-partner.” Tumango ako at nagpasalamat sa kanilang dalawa. Ang akala ko ay doon na matatapos ang paglalagay nila ng mga pagkain sa aking pinggan ngunit nagulat na lamang ako nang makitang punong-puno na ang pinggan na para sa akin. “Let Dasha eat with peace, Kuya Lennox and Kuya Landon!” saway ni Lilith sa kanilang dalawa. Nahihiya na lamang akong ngumiti nang mapatingin ako kay papa at kay tita Leah na nanonood pala sa ginagawa nina kuya Lennox at kuya Landon. Pinagigitnaan kasi nila akong dalawa habang nasa harapan ko naman si Lilith. Gusto niya sana na makatabi ako ngunit pinaupo na ako aga

