Maaga pa ngunit punong-puno na ng mga luha ang aking magkabilang pisngi. Hindi ko gusto ito ngunit hindi ko rin mapigilan ang sarili ko at kusa na lang na lumalabas ang mga luha. Hindi totoo ang sinabi ni Lilith. Hindi ko binalak na umalis at lalong-lalo naman ang tumakas. Hindi ko magagawa iyon sa taong nagbigay sa akin ng matutuluyan. Ngunit paano ko iyon mapatutunayan kung ayaw naman nila akong paniwalaan? Parang katulad lang noong pinagbintangan ako ni Mrs. Bautista na kinuha ang kaniyang kuwintas, ganoon din ang nangyayari ngayon ngunit nakakahiya dahil hindi pa sila tapos kumain ng almusal at ito ako, nasa harapan ni papa kahit na alam kong hindi niya ako gustong makita. May ginawa na naman akong kasalanan sa mga mata niya. “You’re really a thick-skinned, ‘no?” Malakas na ibinags

