Nagpatuloy ako sa pagsisilbi sa pamilya ng mga Bautista. Kahit na pinipigilan ako nina nanay Esther at ate Marilag ay hindi ko sila pinakikinggan. Tumutulong pa rin ako sa kanila kahit na pinagagalitan na nila ako. Katulad nga ng sinabi ko, kung ito lang ang paraan para hindi ako palaging nakakulong lamang sa loob ng kuwarto ay hindi na ako magrereklamo. Pero ngayong umaga ay wala akong pagsisilbihan dahil wala ang pamilya. At kapag wala sila, isa lang ang ibig sabihin noon. Si Charlie naman ang nandito. Dala niya ulit ang kaniyang gitara at tumutugtog siya habang ako ay nakatulala lamang sa malayo. Marami akong gustong sabihin. Ngunit nang dumating siya rito ay katulad lang ng dati, wala man lang lumabas na boses mula sa aking bibig at siya lamang ang nagsasalita. Hindi ko alam kung paa

