What the hell do you want?" Masungit na tanong ni Ethan sa babaeng kanina pa ginagambala ang kanyang mahimbing na pagtulog. Inayos niya ang kanyang sarili Sabay tanggal ng aviator sunglasses na naka takip sa mata nito para makita ang dahilan ng pagkagising nito ng wala sa oras.
Sa lahat ng bagay, ang ayaw ni Ethan ay ang ginagambala siya sa tulog niya. Ito lang kasi ang nakakapag pa-relax sa kanya sa napaka stressful na load niya sa university ngayong semester. He would rather sleep hence go to crowded places during his vacant time.
Kaya ngayong may umiistorbo sa kanya, galit na galit ito at parang hindi maipinta ang mukha sa inis.
Hindi nga matandaan ni Ethan kung paano nga bang napapadpad siya room na iyon. Gayong sa ibang department at sa ibang building ang karamihan sa mga klase niya ngayon. Ang alam niya lang, na he was sleeping on an empty classroom after he and his friends had their lunch. Kaya biglang nagulantang si Ethan nang may sumusundot at umaalog sa kanyang katawan kanina.
Damn! He cursed internally.
"What the hell do I want?" Taas kilay ding tanong ng babaeng katabi niya. Maaliwalas ang kanyang mukha at 'di maitatago ang kanyang natural na ganda. Ethan couldn't help but stare at her. Her eyes was the first thing who caught his attention.
Even though she was mad at him. When he look deep into her eyes, he felt something different, na para bang he'd known this girl for a very long time. But in fact, they just met, in an unexpected day and time.
"Huy, kalma just finish the exams marinig kayo ni Prof oh." Saway ng babeng katabi nito.
"Sandali lang Yvette, nangigil ako sa lalaking Ito. Akala niya siguro gusto ko siyang istorbohin hell no!" Inis na sabi ni ng nakakainis na babae sa harapan niya.
"Teka lang, mukang englisher iyan kaya mo bang makipagsabayan sa kanya?" Pagpipigil nito sa kaibigan.
Napaisip si Aryanna sandali, iniisp niya kung papatulan ba niya ang walang hiyang lalaking ito, or just choose to ignore it and continue taking the exams. Tutal malapit na rin naman siyang matapos, sayang ang grade at ang mga ni-review niya.
"Me is knows how to anwered this englishers. You is watch and learns." Pagkasabi nito ni Arya hinarap niya muli ang napaka kisig na lalaki na nakangisi lang sa harap niya, na para bang nang-aasar talaga.
"Hey, what do you really want from me?" Ethan asked this girl again.
Okay Arya, you can do this. He maybe an englisher but you're smarter than this walang Fuentebella ang takot harapin ang kalaban. Sabi niya sa kanyang sarili. She tried her best para palakasin ang kanyang loob.
"First of all my name is not Hey, and second of all, my name is Aryanna Louisse Fuentebella, 20 years old, from Quezon City thank you." Umakto siyang para bang contestant sa isang beauty pageant sabay bow sa lalaking ka harap niya.
"This unbelievable!" He smirks. "What you said didn't even answered my question."
"Question? What question?" Arya asks again. Kahit na alam niya mismo ang tanong gusto niya lang asarin ang buwisit na lalaking ito.
"Are you f*****g kidding me? Are dumb or what?" Singhal ng masungit na lalaki sa kanyang harapan. He looks like he was already losing his patience.
"I'm not dumb, I maybe smarter than you Mr. Englisher!" Tinaasan niya ng kilay ang lalaki sabay irap.
Sino ba siya sa akala niya, Hindi ako magiging scholar if I'm not smart enough to pass the standards of this university. Ugh! Nakakainis na talaga!
"And for your information Mr. Englishers. I did not want anything to do with you." She rolled her eyes again pagkatapos niyang sabihin iyon sa mayabang na Ito. "Here, you is sign your name so the Professor is knows you is presents at the exams." Biglang kinabahan si Aryanna, kaya ang kanyang pananalita ay naapektuhan na rin.
Napatawa naman ng malakas si Ethan nang marinig ang english carabao ni Aryanna na nakapukaw ng attention ng ibang estudyanteng kumukuha ng exam. Whispers echoed in the room and looks were exchanged to the both of them. Wondering kung anu ang dahilan ng ingay na iyon sa medyo likod na parte ng classroom gayung on-going ang exams.
When Ethan finally composed himself, tinignan niya muna ang papel na ibinigay ni Aryanna sa kanya. Nang napagtanto niyang mali ang building at room kung saan siya nandoon. Napakamot na lang siya bigla sa kanyang ulo nang ma-realize niya ang kanyang katangahan.
Damn Ethan, you're such a fool!
Bakit mali na naman ang building na napasukan mo.
Business related ang course ni Ethan and his building was located right next to the medicine and Engineering building. At dahil sa 'di pa siya ganung katagal na nag-aaral sa university na ito. Ay naliligaw pa rin siya up until now.
Aktong aalis na sana ito nang marinig niyang magsalita ang Professor para sa subject na iyon.
"Miss Aryanna Fuentebella bakit ang ingay-ingay mo diyan? Hindi ba sinabi kong no murmuring or making any kind of noise while taking the exams?" Lumapit ang professor sa puwesto kung saan andun si Ethan at Aryanna na kanina pa nag-aaway. Tinignan sila ng professor na para bang hinihimay at binabalatan ng buhay.
Biglang bumilis ang pintig ng puso ni Aryanna at biglang kinabahan sa paglapit ng professor sa kanilang puwesto.
Oh dear god, please 'wag po niya akong palalabasin. Hiling ni Aryanna na hoping matupad iyon at huwag mangyari ang kanyang kinatatakutan.
"Ano po kasi miss... Si ano... Hindi po ano..." She shutters and tried her best to explain, but nothing comes out of her mouth.
"Ibigay mo sa akin ang test papers mo!" Pinandilatan ng Professor si Aryanna nang sabihin niya iyon.
"Pero Miss, ano po kasi... Please po... Tatahimik na ako." Mangiyak-giyak na pag-mamakaawa ni Arya sa kanyang professor.
"Isa, Ms. Fuentebella, ibibigay mo ba yan or ibabagsak kita!" Muling bigkas ng kanilang professor. Tuluyan nang bumuhos ang kanyang luha at umiiyak na ibinigay ni Arya ang kanyang test paper, ayaw pa man niyang gawin, dahil hindi pa siya tapos sagutan ang ilang mga tanong sa exam, pero wala siyang choice.
"And you, I believe you did not belong to this class and either into this department." Tinignan muli ng professor si Ethan, na kanina'y inoobserbahan lang at nakatingin habang ginigisa nito si Aryanna sa harap ng buong klase.
Ethan couldn't help but feel a stinging pain deep down inside of him. Naawa siya sa sinapit ni Aryanna. It was his fault why the girl suffered these kind of consequences. Pero hindi niya pinahalata iyon. Bagkus, ngumiti siya at hinarap ang napakastriktong professor ni Aryanna.
"Yes, Ma'am. I just happened to lost track of time and direction." Pag dadahilan niya.
"So would you please Mister whoever you are just get out of my class." Mataray na sabi ng professor na para bang itinataboy si Ethan.
Nang marinig niya iyon, he immediately get his bag. He couldn't to bare to be in this room another second. His guilt was eating him alive. Especially every time he sees Aryanna crying right beside him.
"Here, take this." Bago umalis si Ethan ay inabot niya ang kanyang malinis na panyo sa umiiyak na si Aryanna.
"You need this more than I do." Agad tinangap ni Aryanna ang panyo ni Ethan at binigyan ng matamis na ngiti ang napaka kisig na binata, saka nag lakad palayo si Ethan at lumabas ng classroom.
Hindi pa man nakakalayo si Ethan sa silid na iyon, agad itong bumalik at sumilip ng bahagya kung saan niya iniwan si Aryanna.
"Hey Aryanna, my name is Ethan, this won't be the last time that I would be seeing you." Kinindatan ni Ethan at nginitian ang magandang binibini, tiyaka muling nag lakad paalis ng classroom.
Inspite what happened to her, Aryanna couldn't help but smile as she heard Ethan said those words.
°°°°°°°°
Kasalukuyang nakatambay si Shawn at Arya sa restaurant na malapit lang sa tinitirahan ni ng dalaga. As Shawn promised, the two of them bonded right after their class kahit wala ang kaibigang si Yvette.
"Seriously Arya, di ka rin gutom ano?" Tanong ni Shawn pagkalapag ng kanilang pagkain. Umorder kasi si Arya ng pasta, fried chicken, nachos, ilang slices ng cake, sandwiches at madami pang Iba.
"Bakit ba? Gutom ako eh." Sagot ni Arya habang patuloy niyang kinakain ang napakasarap na pasta na nakahain sa kaniyang harapan.
"Para ka kasing ilang taong di kumain sa dami ng inorder mo eh, dalawa lang naman tayo dito?" Pag-oobserve ni Shawn.
"Libre mo 'di ba? At isa pa, nangigil talaga ako sa Ethan na 'yon. Nako nako talaga buwisit siya! Nagiginig lahat ng lamang loob ko sa lalaking 'yon. Dahil sa kanya na confiscate ang test paper ko!" Arya continue with her rant, habang patuloy pa rin ang bungaga sa pag nguya ng mga pagkain.
"Alam mo para ka ring baliw anu? Kanina lang iiyak-iyak ka. Tapos ngayon panay naman ang lamon mo na para bang wala nang bukas." Shawn chuckles a bit as he said those words.
Makabaliw naman 'to wagas. Aryanna whispered to her self.
"Naiistress nga ako Shawn! Alam mo naman itong masasarap na pagkain lang ang karamay ko sa mga panahong Ito. Sila ang nagbibigay buhay sa kumakalam kong sikmura."
"Oo na, sige kumain ka lang. Inaabuso mo na ang kaguwapuhan ko ha?" Biro ni Shawn at patuloy din siya sa pagkain ng mga inorder. And unlike Arya, chill lang siya, ineenjoy niya lang kasama ang kanyang kaibigan.
Times like this was very unusual dahil sa busy ng schedules nila. At isama mo na rito ang kanilang duty sa iba't-ibang hospital right after their classes. Kaya kapag may free time silang magkakaibigan, talagang nilulubos nila and even stayed up until late at night just doing things like this.
Hinapas ni Arya ang mga braso ni Shawn bago itong nagsalita muli.
"Tumigil ka nga sa mga hanash mo Shawn, baka mamaya may makarinig sa atin at mapagkamalan pa akong jowa mo." Sabi ni Arya na Panay pa din ang lamon. "Nga pala, kilala mo ba ung Ethan na yun?" Curious na tanong niya sa kaibigan.
"Ethan... Ethan... Ethan... I think I've heard his name before." Shawn says his name, at sinusubukang alalahanin kung saan niya nga ba narinig ang pangalan na iyon. "Yeah, his full name was Ethan James Anderson, half-british but I heard he grew up here, bussiness major, and sort of a heartrob in that department. Rumor says that he's also kinda snob."
"Wow, nakaka guwapo naman ang pangalan niya."
"Why are you asking me this?" Kunot noo at curious na tanong ni Shawn sa kababata niyang si Arya.
"Wala naman." Arya shrugged her shoulders. "Gusto ko lang malaman kung sino siya. Never ko kasing narinig ang pangalan na iyon eh."
"Well, because magkaiba ang course niyo." Casual nitong sabi sa kaibigan. "And as a guy, Iba ang nararamdaman ko sa Ethan na iyon, para bang puro yabang na lang sa katawan."
Napatawa ng kaunti si Arya nang marinig ang sinabi ni Shawn.
"Nagsalita ang hindi mayabang. Hoy, Shawn 'wag ka ngang judgemental 'di mo naman gaanong kilala ang lalaking yun. It's bad to talk to other people behind their backs."
"Tss whatever. Anyways, kinilig ka kanina ano? And don't you dare try to deny it?" Shawn says as he looked Aryanna deep into her eyes.