Marro followed Martina silently from the studio to the parking lot. He thought that he was the one who was in control of the situation but he seems to be mistaken. They look like a couple who just quarrel instead of having an engagement a while ago. Mabuti na lang at wala silang nakasalubong na kaibigan o kakilala niya.
Mabilis itong maglakad at hindi siya nito kinikibo ni tinatapunan man lang ng tingin simula ng umalis sila ng studio. He wanted to start a conversation pero hindi niya alam kung ano ang unang sasabihin dito sa pag-aalalang bigwas ang makuha niya mula dito.
He swallowed hard. The woman is just oozing with her CEO aura while walking in front of him unlike kanina habang nasa loob sila ng studio na madalas itong nagbababa ng tingin. She is now leading the way with so much confidence on her business suit and high heels. He can’t see any sign that what she just heard earlier brought her some resentment against him. Ang akala pa niya ay na-intimidate ito sa kanya kanina pero sa sitwasyon ngayon ay tila siya ang intimidated dito.
Ang ingay na tanging namamagitan sa kanila hanggang sa narating nila ang parking space ng building na iyon ay ang ingay ng takong ng babae na nagpangilag sa kanya lalo.
Nagpalinga-linga siya ng marating nila ang parking space. He cleared his throat. Medyo malayo iyon sa parking zone na pinagparadahan niya ng sariling sasakyan.
“Ahh. Excuse me. I have something to say to you. Can we speak before you leave?” Kuha niya sa atensyon ng babae na noo’y dire-diretso pa ring naglalakad.
“Follow me.” Narinig niyang sagot nito na hindi man lang lumilingon.
“Where?” Ilang minuto din ang lumipas bago siya nakakuha ng reaksyon mula dito. Isang matalim na tingin ang ipinukol nito sa kanya.
Sinapo niya ang dibdib. Kinabahan siya bigla sa tingin ng babae. “You know what? We can actually talk here… that is… if you- .“ He said stammering. s**t. Did he really stammered?
Tumigil ang babae sa harapan ng puting kotse at tumingin sa kanya. Classy. That was the only word that came to his mind about the car. Katulad din ng may-ari nito.
“Sakay ka na.” Narinig niyang utos nito habang pasakay ng sasakyan.
Luming-linga siya. He is looking for something or someone na pwede niyang gawing excuse upang hindi siya makasakay sa sasakyan nito. Paano kung sakalin nalang siya nito bigla?
Pakiramdam niya ay itong pagkakataon na ang magiging katapusan niya.
Inilabas ng babae ang kaliwang braso nito at ipinalo sa pinto ng sasakyan na nagpabalik ng pansin niya dito pagkatapos ay sinenyasan siya nitong sumakay na.
Luminga siya ulit pagkatapos ay bantulot na sumunod sa utos nito.
“Excuse me, Ma’am? Saan tayo mag-uusap?” Magalang niyang tanong pagkabukas niya ng pinto. Nakasilip ang ulo niya sa loob.
“Sa opisina.” Nakataas ang kilay na sagot ng babae. “Is there any problem?”
Umiling siya. “Wala naman. Your office is fine with me. Let’s go.” Kagyat siyang umupo sa passenger side katabi nito.
Pagkaupong-pagkaupo niya ay walang kibo na nagmaniobra kaagad ang babae palabas ng car park ng building na iyon. Siya nama’y nanahimik nalang at nag-isip ng sasabihin kapag nagka-komprontahan na sila.
It’s not that he is not ready. Kailangan niya lang talagang paghandaan ang babae dahil nahinuha niyang magigisa siya maya-maya dahil dinagdagan niya ng mas malaking problema ang problemang mayroon na sila.
Lihim na huminga ng malalim si Martina bago magmaniobra palabas ng Parking. Marami siyang hangin na naipon dahil sa pagkakalapit nilang dalawa ni Marro kanina pa. Halos pigilan na nga niya ang paghinga sa loob pa lang ng studio tapos ngayon ay kasama niya ulit ito sa loob ng sasakyan. If only this man knew that she can't breath properly when he is around.
She doesn’t know what to say earlier ng magtanong si Marro kung pwede ba siya nitong makausap kaya sa halip na kausapin niya ito doon mismo sa Car Park ay pinasakay niya ito sa kanyang sasakyan. Her purpose was to delay their talk pero sa sitwasyon niya ngayon ay parang gusto niyang pagsisihan ang nauna niyang desiyon.
Pasimple niyang ibinaba ang suot na seat belt pagkuway bumaling pakaliwa para supilin ang kabang unti-unting lumulukob sa kanya. This can’t be. Hindi siya pwedeng lamunin ng kaba habang kasama niya si Marro sa sasakyan. She has to be compose and dignified in front of him.
Thinking about her pending paperwork that was waiting at her table shifted her thoughts. She really has a lot of things to do at her office today at dagdagan pa na ngayong araw ang dapat na labas ng press release nila tapos isama pa si Marro. She has a lot on her plate which makes her wonder sometimes how able she was to handle all of those.
Marky informed her also before she left the studio that her parents are on the way to meet her at pati raw ang magulang ni Marro ay darating sa opisina niya. Kung ano ang dahilan ay mamaya niya pa malalaman.
Dumagdag pa sa isipin niya ang katabi. Bakit ito biglang nag-deklara ng engagement ng wala manlang pasabi sa kanya?
Gusto na niyang tanungin ito pero sa huli ay pinili nalang niyang manahimik.
Iniiwas niya ang paningin sa gawi ng lalaki. He’s the only good-looking man she ever knew and laid her eyes upon pero hindi niya lubos maisip na makakasama niya ito sa isang kotse at lalo na ang ma-engage dito. Yes, she dreamed of marrying him when she was in college pero pangarap niya lamang iyon. Who would have thought na ma-i-engage siya dito?
Everything must be a joke at liliwanagin niya iyon dito. Mabuti na rin at ng magkaharap-harap silang lahat.
Pagkarating nila sa building ng opisina niya ay agad siyang lumabas ng sasakyan makaraang maiparada iyon. Nagpakawala siya ng malakas na paghinga pagkababa niya ng sasakyan. Sa wakas ay nakahinga rin siya ng matiwasay.
Paglabas na paglabas ni Marro ng sasakyan ay pinagtinginan na silang dalawa ng mga staff na nakakasalubong nila. Hindi niya sinabihan ang lalaki na lumabas ng sasakyan pero nakita niyang sumunod ito sa kanya papasok ng building.
Binati siya ng mga nakakasalubong nila pero ang mga mata at mga ngiti ng mga iyon ay sa may likuran niya nakapako. Bahagya niyang nilinga ang lalaki at nakita niyang gumaganti naman ito ng ngiti sa mga nakakasalubong nila. Tumahip ang dibdib niya ng magtama ang mga mata nilang dalawa pero bahagya niya itong tinaasan ng kilay upang ikubli iyon bago ipinako ulit ang tingin sa nilalakaran niya.
It’s not the first time na nakapasok ang lalaki sa building nila pero ito ang unang pagkakataon pagkatapos ng insidente sa hotel mag-iisang buwan na ang nakakalipas. Sa mga naunang punta nito doon ay pawang ang Marketing Head nila ang nakaka-usap at nakaka-meeting nito at never silang nagkita nito sa opisina niya kaya paanong paniniwalaan ng mga tao ang mga sinabi ng lalaki kanina sa studio?
Sinalubong sila ng security guard na bumati muna sa kanilang dalawa bago sila iginiya papuntang elevator. Ito na rin ang pumindot ng button kung saan naroon ang opisina niya.
“Salamat po.” Paalam ni Marro sa security guard na sumaludo pa dito bago nagsara ang nilululanan nilang elevator na muli ay bahagyang nagpataas ng kilay niya. Tama yata ang mga naririnig niyang balita tungkol sa lalaki. He is a famous celebrity pero hindi umaabot sa ulo nito ang pagiging sikat nito katulad ng mga nakita niya ngayon. He might still be the boy she used to know way back in college. The boy who used to smile a lot kahit sa mga bago lang nitong kakilala katulad niya noon.
Humalukipkip siya sa kanyang kinatatayuan sa may kanang gilid. Si Marro naman ay sumandal sa kaliwang bahagi ng elevator paharap sa pinto.
Their situation right now is a lot more of a reality to her. They are just mere strangers to each other.
Ipinako niya ang tingin sa matulis na bahagi ng sapatos niya. She is forcing herself not to rock her feet. Not this time. Not in front of this man. She instead bit her lower lip while waiting for the elevator to open.
Agad siyang napadiretso ng tayo ng tumunog ang hudyat ng pagbukas ng elevator at mabilis na lumapit sa pinto niyon.
“Follow me.” Aniya sa lalaki na hindi niya alam kung narinig ba siya o hindi dahil siya mismo ay nahinaan sa boses niya. Pagkabukas na pagkabukas ay dagli siyang lumabas at mabilis na tinungo ang opisina.
Sa labas niyon ay namataan niya kaagad si Amanda na tila kanina pa inaantabayanan ang pagdating niya. Marahil ay nauna na itong nasabihan ni Marky.
“Good afternoon, Ms. Martina.” Bati nito sa kanya pagtapat niya dito. Marro was left some steps behind from her.
“Good afternoon." Ganti niyang bati. "Tinawagan ka ba ni Marky?”
“Yes, ma’am.”
“Where are they?”
“Malapit na daw po sila as per my last call five minutes ago. May mahalaga daw kayong pag-uusapan kasama ang bisitang kasama nila at hintayin niyo nalang daw sila."
Bigla siyang kinabahan sa 'mahalagang pag-uusapan' na pakay ng magulang nila ni Marro pero ipinagkibit-balikat nalang niya iyon. “Sige. Salamat, Amanda. Paki-prepare muna kami ng inumin dito.” Isininyas niya dito ang parating na si Marro.
“Sige po.”
Nagpatiuna na siyang pumasok sa opisina niya. Tinungo niya kaagad ang kanyang upuan matapos mailapag sa gilid ng kanyang mesa ang dalang handbag.
Ilang segundo din ang lumipas bago niya narinig ang pagbukas ng pintuan ulit ng opisina niya hudyat ng pagpasok ni Marro. Maya-maya ay sumulpot nga ito sa harapan ng lamesa niya.
“Please have a seat first. I am just waiting for some others.” Iminuwestra niya dito ang sofa sa harapan ng mesa niya ng hindi ito tinitingnan.
“Ahh, well… I am just going to say something about what happened. It won’t take a lot of your time…really.”
Tumigil ito sa pagsasalita ng mag-angat siya ng tingin. Bumuntung-hininga siya bago ito sinagot. “This is a very crucial moment for us so I think we should wait before we talk… Sa ngayon kung pwede ay maghintay muna tayo, okey lang ba?” She doesn’t want to be sarcastic pero iyon ang kinalabasan ng tono niya.
“Haha… Well… Of course. I can wait.” Tumango ang lalaki at napakamot nalang sa ulo bago umupo sa mahabang sofa patalikod sa kanya.
She checked her phone ng makaupo na si Marro. Walang message mula sa magulang niya.
She picked the phone. “Wala pa ba sila?”
“I’ll check again, Ma’am.”
“Salamat.”
A minute had passed bago pumasok si Amanda sa opisina niya. May dala itong tray ng pitsel ng Orange juice at dalawang baso na ang isa ay may lamang tubig.
“Inom po muna kayo, Sir.”
Inilapag nito ang pitsel at ang isang baso sa lamesitang nasa harapan ni Marro. Nagpasalamat ang lalaki pagkatapos itong salinan ng juice pagkatapos ay saka naman dinala ni Amanda sa kanya ang basong may lamang tubig.
“They are still on their way, Ma’am.”
“Lahat sila?”
“Yes, po.”
“Are you sure, they are coming here?” Nagdududa niyang tanong.
“Opo. Binaggit po ng Mama niyo na malapit na daw sila.”
“Sinabi ba kung mga ilang minuto pa daw ang aantayin natin?”
“Maximum daw, five minutes.”
“Ok.”
Pagkatapos nitong magpaalam ay lumabas na ito. Noon naman tumunog ang cellphone niya. Text message mula kay Marky informing her na nasa labas na daw ito ng building at ayon dito ay kasama daw nito ang parents niya. Pagkatapos mabasa iyon ay napatingin siya sa likuran ni Marro at pinaningkitan iyon. How dare him make her heart beat erratically kahit na likuran lang nito ang nakikita niya.
He has no right!
She hissed na nagpalingun kay Marro. Mabilis niyang binawi ang tingin at itinutok iyon sa papeles na nasa harapan niya.
Marro wanted to catch the attention of the lady behind the desk. He could tell that she was into something but he couldn’t tell what is it which keeps him thinking.
He had already spent some ten precious minutes of his life inside the office without talking and the woman was totally disregarding him.
He only wanted to clear things up. He doesn’t want the woman to assume anything. Everything is supposed to be cleared up at this point but she seems to be not interested.
Inilapag niya ang tangan na baso ng juice ng marinig ang pag-hissed ng babae sa mesa nito pero nanatili itong naka-subsob sa binabasa nito sa lamesa nang malingunan niya.
He cleared his throat hoping na iyon na ang maging simula ng usapan nila pero walang anumang salita ang lumabas sa bibig niya.
He bit his lip. He can’t believe that there is another person who can actually mute him.
He started to rock his crossed-leg feet.
Nang marinig ang pagbukas ng pintuan ay noon lang nagtaas ng ulo si Martina at sinino ang pumasok doon. Tumaas ang dalawa niyang kilay ng makitang si Amanda iyon.
“They are here.” Tila nakakaunawang sabi nito sa kanya ng makalapit.
Lumingon sa kanila si Marro at bagama’t hindi iyon nagsasalita ay alam niyang nagtataka iyon sa pina-uusapan nila. Bumuntung-hininga siya bago siya tumayo sa kanyang upuan. “Nasa meeting room na sila?”
“Yes, ma’am.”
“Pakidalhan kami ng maiinom doon.” Bilin niya dito.
“Sige po, ihahanda ko na.”
“How about Marky?”
“Nasa meeting room na rin po siya.”
“Good.” Tinaguan niya ito saka ito lumabas.
Iniligpit niya ang papeles na binabasa kani-kanina at pagkatapos niyon ay nilapitan niya si Marro na nakasunod sa bawat galaw niya ang tingin.
“Please follow me.”
Kumunot ang noo ng lalaki sa sinabi niya at nang hindi ito tuminag sa pagkakaupo ay sinenyasan niya itong sumunod sa kanya.
Tinungo niya ang pinto ng meeting room at ng bumukas iyon ay bumungad sa kanya roon ang mga bisitang kanina pa niya hinihintay.
“Ma? Pa?” Gulat na tanong ni Marro sa mga magulang na nadatnan sa silid na iyon. “What are you guys doing here?”
“Please sit down.” Narinig niyang sabi ni Martina at itinuro sa kanya ang bakanteng upuan sa tabi ng mama niya. Ito naman ay naupo sa harapan niya katabi ng isang ginang na pamilyar sa kanya ganoon din ang ginoong katabi nito.
“Ahh.” Nakita na niya ang mga ito sa isang diyaryo. They are Martina's parents.
Katahimikan ang namagitan sa kanilang lahat. Nagmasid siya habang nagtataka kung bakit naroon ang mga magulang niya lalo na ang kanyang ama na sa pagkakaalam niya ay dapat pabalik na ng Ilocos.
Isa-isa niyang tiningnan ang mga kaharap. Ang ginang na katabi ni Martina ay ngumiti sa kanya na ginantihan naman din niya ng bahagyang ngiti pero ang ginoo na kaharap ng ama niya ay seryoso ang mukha at hindi bumaling sa gawi niya. Ang ama niya na noon ay umiinom ng tubig ay tiningnan siya ng matalim na nagpalamig sa pakiramdam niya maliban pa sa sobrang lamig naman talaga sa loob ng silid na iyon dahil sa lakas ng aircon. Sa dulo ng lamesa ay nakita niya roon ang lalaking kasama ni Martina doon sa studio. He was scribbling something on his planner at katulad sa naunang ginoo ay hindi ito tumingin sa gawi niya.
Kinabahan siya at pakiramdam niya’y may bitayang magaganap maya-maya lang.
Naunang nagsalita ang mama niya.
“How are you, Martina? My, I can't believe that you have grown to be that beautiful, hija. By the way, this is my husband, Arnolfo.” Lingon nito sa katabi. “I believe you still remember me? I am your mother’s best friend way back and until now. We are still best of friends although hindi na kami ganoon kadalas na nagkakausap o nagkikita.”
“No need to be too formal, Tita. We have met a lot of times before.”
‘Tita?’ Aniya sa isip. 'So they knew each other?'
“Matagal rin tayong hindi nagkita ano? You are now the CEO of your company and you are such a fine young lady and I’m sorry that these things happened. Marro put you in a lot of trouble.”
Nilalaglag ba siya ng mama niya? Napakunot siya ng noo habang nakatingin dito.
His mother is totally disregarding him. Ni hindi manlang siya nito tinapunan ng tingin habang sinasabi ang mga salitang iyon sa harap ng babae.
“High school ka lang yata noong huli tayong nagkita ano?”
“Opo.”
“I hope that in some way ay mapunuan namin ang naging pagkakamali ng anak namin.”
“Your son practically ruined their business. Paanong mapupunuan natin iyon, aber?” Singit ng ama niya.
Tinakpan niya ang mukha niya sa narinig. Masakit pala pag harapan mong narinig iyon. “I know that this is all my fault and I’m sorry.” Sensero niyang wika. Hindi niya lang ipinapatungkol iyon sa babaeng kaharap kundi sa mga magulang niya rin at lalo na sa magulang ni Martina. “Pananagutan ko po ang nangyari.”
“At ano naman ang ibig mong sabihin sa ‘pananagutan mo ang nagyari?’” Tanong ng ama niya.
“Handa akong pakasalan siya.” Mahinang sabi niya sabay sulyap sa babaeng kaharap na noon ay hindi kinakikitaan ng anumang reaksyon habang sinasalubong ang tingin niya.
“And how about her? Sa tingin mo ba ay ganoon lang kadali tanggapin ang kasal lalo na sa taong tulad mo?” Galit na baling ng ama niya.
Tulad niya? Parang masakit yata yun a.
“Trouble-maker.” Dagdag nito na kahit paano'y nagpagaan sa pakiramdam niya.
“Husto na kayong dalawa.” Saway ng mama niya. “Nandito nga tayo para makipagkasundo, kayo naman ang nag-aaway.”
“So, what is your plan exactly?” Singit ng ama ni Martina na nagpalingon sa kanya dito. Those were the first words that the man has said. He was calm yet he has this authoritative aura.
This is it! He has to do the right thing.
"I'll take responsibility." Mahina niyang sabi.
"What is that exactly?"
"I-I..." Tila nagbara sa lalamunan niya ang gustong sabihin. “I would like to ask your permission to marry your daughter, Sir.” Lahat ng mata ng mga naroon ay napako sa kanya. He know that what exactly the reason why his parents came and he is just doing what he should do. Hindi na siguro niya ipapaalam sa mga magulang nila na kanina lang ay na-engage na sila doon sa estudyong pinanggalingan nila at iyon ay ipalalabas naman sa telebisyon ilang araw mula sa araw na iyon.
“That's the right thing to do in this situation pero alam naman nating hindi ninyo ito parehong gusto kaya paano kami makakasigurado na hindi naman malulugi ang anak namin.” Martina's father said calmly.
“Alam ko pong mahirap pasukin ang bagay na iyon at wala akong maigagarantiyang laging sasaya ang anak niyo pero, isa lang po ang masasabi ko, isang beses ko lang po balak magpakasal.” Seryoso niyang wika habang diretsong nakatingin sa ginoo pagkatapos ay sa babaeng nasa harapan niya.
Tumayo ang ginoo at lumigid sa gawi niya. Nang tumapat ito sa kanya ay iniumang nito ang palad para kamayan siya. Tumayo siya at tinanggap ang palad nito. Pagkatapos nilang magkamay ay mahigpit siyang yinakap ng ginoo.
“Please be good to my daughter.” Mahinang sabi nito sa kanya. Ang ama niya'y lumapit rin at tinapik siya sa balikat.
“I will, Sir.”
"Cancel the press release, Martina." Agad na sabi ng ama niya pagkaupo nito pagkatapos yakapin si Marro. Hindi siya sumagot dito pero lumingon siya kay Marky at suminyas. Makaraan ang ilang sandali ay lumabas ito. He knows exactly what to do.
Now everything is set. She's to marry and Marro is her groom-to-be. Everything doesn’t make sense but all of it is happening.
Habang nag-uusap ang mga magulang nilang dalawa ni Marro ay nakatulala siyang nakatitig lang sa gitna ng lamesang napapagitnaan nilang lahat. She didn't even said anything. She was not asked kung gusto ba niyang makasal o hindi. Pero kung tinanong kaya siya ano ang isasagot niya? Only her heart knows her true feelings but she wonder what could be the words that her mouth will come up.
Si Marro ay paminsan-minsang sumasagot kapag tinatanong ng magulang nilang dalawa pero maya-maya ay bumabalik din sa kawalan ang paningin katulad niya. It is evident that the man never liked the idea of marrying her… unlike her.
The thought that she is about to marry him makes her so happy that it felt so unreal and at the same time sad dahil kapag tumitingin siya sa lalaki, sa halip na magmukhang groom-to-be ito ay mas mukha itong namatayan sa pagkakatungo nito ng ulo kaya buong ingat siyang nanatiling poker face kahit gusto na niyang magtatalon sa tuwa.
Did the stars decide to connive to make him hers?
If it makes her a sinner to be this happy when the man in front of her is obviously not then she's ready to make remorse for the forgiveness of her sins.
In the end, whether one of them liked it or not, the date of their wedding had been set... in two months’ time.
“Good morning, ma’am.” Bungad na bati ng security guard pagkapasok niya ng trabaho kinabukasan. Since their meeting yesterday ay wala nang narinig si Martina mula kay Marro and she wonder kung nag-decide na ba itong umatras na sa usapan ng pamilya nila kahapon.
If they were just a normal couple, they could have acted differently towards each other after knowing na ikakasal na sila. They however said goodbye yesterday before parting but after that, she heard nothing and she doesn’t know when they are going to see each other again.
“Good morning.” Ganting bati niya rito.
Pagkarating ng opisina niya ay hinarap niya ang mga naiwan niyang trabaho kahapon na hindi niya natapos dahil sa biglaang meeting ng pamilya nila ni Marro. Marami-rami rin ang mga iyon at maya-maya lang ay kakailanganin na ang ilan sa ibang department. Pinirmahan niya ang mga nakita niyang kailangan agad ng pirma at ang mga kailangan niya namang i-rebyu muna ay ihiniwalay niya. Mamaya niya iyon haharapin pagkatapos niyang pirmahan ang mga urgent.
Mag-aalas diyes na ng makaramdam siya ng pagod mula sa pagkakayuko ng ulo at sa ilang oras ng pagkakaupo. Tumayo siya at nag-inat muna. Nang hindi makuntento ay nagtimpla siya ng kape sa pantry ng kanyang opisina. She is not a strong coffee drinker pero sa kaso niya ngayon ay kailangan niya ng matapang-tapang na inumin para makalimot kahit papaano dahil maya't-maya siyang napapatulala at napapaisip sa kanyang groom-to-be.
Habang nakatanaw sa salaming bintana sa opisina niya at umiinom ng kape ay noon naman tumunog ang cellphone niya na nasa ibabaw ng kanyang mesa.
Nang sinuhin ang tumatawag ay napakunot noo siya. Hindi rehistrado sa kanya ang numerong tumatawag.
“Hello?” Ang bati ng sumagot sa kabilang linya pagkapindot niya ng answer button. Nahigit niya ang paghinga ng marinig iyon. Hindi pa man ito nagpapakilala ay alam na niya kung sino ito.
“Yes?”
“It’s Marro Dominguez. Si Martina Rivera na ba ito?”
“Yes. Speaking.”
“Hi. Good morning. By the way, I got your number from my mother. Is it okay to talk to you right now?”
“Y-yes. Okay. I have some few minutes.” Just the thought of him spending some minutes speaking with her on the cellphone made her stammer already.
“No. I mean, I need to talk to you in person. Pwede ba ngayon?”
“I have lots of paperwork to do right now.” She paused. What could be this something that they need to talk to right now? “Is that urgent?”
Ilang segundo din itong nanahimik. “I think, yes.”
“How about later? After office, maybe?”
“Okey. I’ll be there.” Anito pagkatapos ng ilang segundo.
“Sure. Bye.”
She casually ended their call even though her heart is already racing like crazy. Hindi na niya inubos ang kapeng tinimpla kani-kanina lang sa pag-aalalang mag-palpitate na siya. Umupo siya sa silya at nagpaikot-ikot roon.
Kung alam lang niya sana ng mas maaga ang mapag-uusapan nila ng hapong iyon, sana ay naihanda niya muna ang kanyang puso.
Matagal na inisip ni Marro ang desisyon tungkol sa dahilan ng pakikipag-kita kay Martina sa araw na iyon. Halos hindi siya nakatulog sa pag-iisip kung ano ang dapat niyang gawin upang hindi habang-buhay na matali sa babae. Totoo ang sinabi niya sa ama nito na isang beses niya lang balak magpakasal sa buong buhay niya pero hindi iyon dahilan upang manatili silang kasal sa isa't-isa ng matagal na panahon.
Makaraang mapatay niya ang cellphone ay muli niyang binasa ang isang pahina ng papel na nakapatong sa lamesa niya. Pinag-isipan niya lahat ng mga nakasulat doon at sa tingin nya naman ay para rin iyon sa kanilang dalawa. Well, iyon ang inuukit niya sa kanyang isip dahil alam niya sa sarili niyang ang kanyang pagiging makasarili ang solong dahilan kung bakit niya gustong makausap ang babae at mag-set ng terms and conditions sa mangyayaring kasalan.
Mangyayari ang kasal dalawang buwan mula sa araw na iyon. Napakabilis ng mga pangyayari at hindi siya naka-hindi sa pressure kahapon mula sa magulang nilang dalawa ni Martina at higit sa lahat mula sa sitwasyon na kinasuungan niya. Nagpatong-patong na lahat ng problema nila at ngayon ay umabot na sa puntong hindi na siya makakawala pa.
Alam naman niya na hindi kasalanan ni Martina ang mga pangyayari pero hindi niya pa rin maiwasang makaramdam ng kaunting galit sa babae dahil pakiramdam niya ay umabot sila sa ganoong sitwasyon dahil sa kagustuhan ng mama niya na mailayo siya ng tuluyan kay Isabel sa pamamagitan dito. He has been thinking all night, napakalaking bagay ang papasukin nila at sa tingin niya ay walang ginawa si Martina para makaiwas ito.
Umiling-iling siya sa naisip. It's never been good blaming others for one's mistake and that's what he is doing right now. He's blaming Martina for what he did.
Ilang beses siyang napabuntunghininga habang pinapasadahan muli ang mga nakasulat sa pahina. Each clause clearly stated that they cannot fall for each other and the last one spelled it all. He hoped that Martina takes it all positively and agree to it. Ayaw din naman niyang magkaaway sila kahit na may galit siyang nararamdaman dito.
He wanted a peaceful relationship with her. He wanted to live peacefully after their marriage at ng sa ganoon ay maging maayos ang paghihiwalay nila ayon sa itinakda niya sa kanilang terms and conditions. He has a lot of plans for his future at walang kahit na anuman ang makakapigil sa kanya kahit ang kasal niya pa kay Martina.
He called his manager earlier at ipinaalam dito ang nangyaring desisyon ng pamilya nila ni Martina. He was not very happy with the news dahil ayon dito ay marami siyang trabahong masasagasaan pero sa huli ay wala din naman itong magagawa. Besides, makikinabang siya ng malaki sa mangyayaring kasalan. Kung tutuusin ay mas malaki pa nga ang makukuha niyang pakinabang sa kasal kaysa kay Martina.
Unang-una ay maililigtas niya ang kompanya nila ni Sam na pinuhunanan niya ng kanyang dugo, pawis, at oras. Isipin niya lang na makakasuhan ang hotel niya ay parang hindi na niya kaya. Alam niyang ikakalugmok niya iyon ng sobra. Pangalawa ay maililigtas niya ang kanyang karera na nalamatan ng isyu ng imoralidad. Pangatlo ay malilinis niya ang pangalan ng magulang niya at ang pang-apat at ang pinaka importante sa lahat ay maiiwasan niya ang ama niya sa pagpipilit nitong ipamahala na sa kanya ang family business nila.
Sa lahat ng mga benepisyong makukuha niya sa kasal niya kay Martina sa tingin niya ay wala ng sapat na dahilan upang hindian niya iyon. Ika nga ay wala siyang lugi sa mangyayari. Sa tingin niya pa nga ay si Martina ang dapat na mag-isip na umatras sa kasalang magaganap dahil ano lang ba ang mapapala nito? By marrying him, she will just help him avoid the case against his hotel and to salvage his career.
Sa isiping iyon ay hindi niya maiwasang magtaka. Why would Martina accept the marriage proposal if she has a very minimal advantage from it? What will she get from marrying him? She's an exceedingly successful woman, a CEO at that and he is sure that there are lots of men who liked her not just because of her success but because of her personality as well. Just like what his cousin said before, Martina is such a good catch.
Tumitig siya sa papel habang nag-iisip. Makalipas ang ilang segundo na wala siyang naiisip ay tumayo siya at nag-inat. Kailangan niyang paghandaan ang pagkikita nilang dalawa. The woman is a fine strategist. He could even be muted by her presence sometimes without any valid reason and it confuses him because there is only person who has that effect with him and it's been too long since he saw her.
He set aside his thoughts about Martina's reason and for a moment emerge himself with his past emotion. Where could she be at this moment? It's been thirteen years since he saw her last but he could still feel his heartbeat just the same whenever he thinks about her smiles and how their eyes met.
The thought of his teenage crush brought warmth to his heart. It is better to think of someone you like when facing something so complex in life.