Martina cannot hide the smile on her face while walking beside her friend inside the mall and window shopping na noon naman ay takang-taka sa kanya. A week has already passed pero hindi niya pa rin makalimutan iyong araw na pumunta si Marro sa coffee shop na pinapasukan niya.
Kinapa nito ang noo niya na nagpagulat sa kanya.
“Hindi ka naman nilalagnat pero bakit parang namumula yang mukha mo?”
Kinikilig siyang ngumiti sa kaibigan. “Anong namumula? Hindi a.”
Siningkitan siya nito ng tingin. “Something happened, isn’t it?” Halatang hindi ito naniwala sa kanya.
Mahina siyang umiling dito. “Anong mangyayari?”
“Hindi ko rin alam pero may something sa ngiti mo e.” Pananantiyang tugon nito sa kanya.
She fell silent. Nothing especial happened during that day but the mere fact na nakita niya ang crush niya after two weeks matapos ang kanilang klase ay ibang klase ng saya ang dulot niyon sa kanya.
At first, she even thought to hide from Marro nang makita niya itong papasok sa coffee shop dahil baka makilala siya nito but as he was walking towards her ay para siyang napako sa kinatatayuan niya noong mga oras na iyon.
“Hi.” He smiled at her pero nanatili siyang nakatitig lang dito na para bang ang lahat ng kulay ay nawala at ito nalang ang nakikita niya. “Excuse me.” Narinig niyang pukaw nito na unti-unting nagpabalik sa huwisyo niya.
“Yes?” Marahan niyang naipilig ang ulo niya. Inayos niya rin sa pagkakasuot ang kanyang salamin na noon ay medyo tumabingi sa pagkakasuot.
“Hi.” Bati nito sa kanya sa friendly na tono.
Ibayong konsentrasyon ang kinailangan niya para lang makabalik siya sa realidad kung saan niya ito kaharap. “H-hi. G-good afternoon, Sir. What can I help you?”
She heard him chuckle while looking at the menu boards at sigurado siyang ang katangahan niya ang tinawanan nito. He didn’t seem to recognize her also at dahil doon ay hindi niya tuloy alam kung matutuwa ba siya o malulungkot. Pasekreto niyang kinastigo ang sarili niya.
“Ahm. I’d like an Iced Latte, please. The big one and…” Tumigil ito habang nakatingin sa mga pastries and cakes sa estante ng coffee shop. “…a slice of cheesecake.”
“Will that be all, Sir?”
“Yes, please.”
She tried to appear calm while she was entering his order on their POS. He was looking at her attentively and she could not make another mistake after her crazy antics earlier.
“That will be 305, Sir.”
Buong isang libo ang ibinayad nito sa kanya na sinuklian niya naman kaagad and asked him to take sit first while his order is being made by their barista.
Nang makaupo ito at maibigay ang order sa barista ay padausdos siyang naupo sa pwesto niya para makahinga ng maluwag. When she felt better, she prepared the cheesecake he ordered at inilagay iyon sa tray. Tama namang inilabas ng barista ang order nito ay ipinasabay nalang niya iyon para hindi na siya lumabas pa.
Marro stayed at the coffee shop for almost an hour and during those times she can’t help being clumsy and careless na napansin ng barista na inakalang dahil iyon sa pagod kaya naman ay pansamatala siyang pinagpahinga nito sa crew room. Paglabas niya ulit ay wala na si Marro sa inuupuan nito na ikinadismaya naman niya.
She can’t help but to recall those moments dahil feeling niya ay gumawa talaga ang tadhana ng paraan para magkita sila ulit. That was a brief encounter again pero sapat nang baon hanggang sa susunod nilang pasukan.
“Hmmpp. Ganiyan ka na ngayon ha.” Ingos ni Carolyn na ikinatawa niya. “Naglilihim ka na sa akin.”
Inaya niya ito sa isang fast food restaurant nakung saan ay kakaunti lamang ang kumakain na bantulot naman nitong sinang-ayunan. She ordered medium size Hawaiian pizza and lasagna for them both. Because Carolyn is her only best friend and she doesn’t want to hide anything from her, she told her everything while waiting for their order and promised not to keep a secret from her again in the future.
The vacation came to an end swiftly. As usual, ay naunang mag-enroll si Martina kaysa sa kaibigan niya na noon ay humabol na naman sa last day ng enrollment. Natapos ang bakasyon niya na hindi na muli nakita si Marro sa coffee shop na pinasukan niya. Hindi na ito muling nagpunta at kahit na hiniling niyang huwag itong magawi roon ulit dahil hindi niya naiwasang maging clumsy noong nagpunta ito ay nadismaya pa rin siya. Hope against hope, she secretly wished to see him.
The summer vacation was very productive for her. Aside from the money that she earned on her part time job, marami rin siyang natutunan tungkol sa coffee business. Noong sinabi niya sa magulang niya kung saan niya natutunan ang mga konsepto na sinabi niya sa mga ito ay hindi naiwasan ng mama niya na mag-alala sa kanya pero ang ama niya ay halatang naging proud sa naging desisyon niya. She makes use of the time wisely and as for him it was one of the attributes that a good businessman has to have.
Gusto niya sanang ipagpatuloy pa ang part-time job niya pero dahil sa kailangan na nilang mag-practicum ay pinagbawalan na siya ng magulang niya na sa huli ay sinang-ayunan niya rin lalo at graduating na siya. Ayaw niyang masayang ang hard work na ibinuhos niya sa loob ng tatlong taon. She is aiming to have the latin honor at the end of her college days.
She was proud of herself too. Dahil hindi niya kailangang magbayad ng tirahan ay naitabi niya sa kanyang bank account ang sinahod niya sa loob ng dalawang buwan. Malaki-laki na rin ang laman niyon kasama ng mga naipon niya mula sa allowance na binigay ng magulang niya previouly. Bagaman at nitong huli ay mas maliit na allowance na ang natatanggap niya, minus all her bills and school expenses ay somosobra pa rin iyon at nakakapagtabi pa rin siya.
“Are we not going to eat? Nagugutom na ako.” Reklamo ni Carolyn sabay hawak sa tiyan nito habang sukbit sa isang balikat ang bag nito. Iilan nalang silang natira sa classroom nila dahil naglabasan na yung iba nilang kaklase.
“Wait. Itatabi ko lang yung gamit ko.” Iniligpit niya ang ilang notebook na nasa desk niya at ipinasok iyon sa kanyang brown leather backpack. Nang matapos ay siya na ang humila sa kaibigan hanggang sa makalabas sila ng classroom nila.
“It’s our first day pero pagod na pagod na ako kaagad.” Reklamo pa rin ng kaibigan sa kanya. Para itong nanghihina habang pababa sila ng building.
“Ano ba ang ginawa mo?” Concern niyang tanong dito. Usually ay ito ang energetic sa kanilang dalawa pero ngayon ay tila kinulangan ito ng energy sa pagpasok nila.
“Wala naman. Di lang ako maka-move on pa sa bakasyon. Gusto ko pa ng bakasyon.” Patuloy na pagrereklamo nito. “Mahirap bang ibigay ‘yun!?” Natawa siya dito na sinabayan pa nito ng pagtingala na akala mo ay may sasagot dito mula sa itaas.
“Two months kang walang ginawa tapos kung makapagreklamo ka ay parang ang busy mong tao.”
Ngumuso ito. “Di mo ako naiintindihan. Excited ka kasi pumasok e.”
“Of course. Last year na natin ito. Next year ay iba na ang pagkakaabalahan natin kaya sulitin na natin nagyon at i-enjoy na leksyon lang ang inaalala natin.”
“Wow. Very inspiring naman ng kaibigan ko. Very motivating ang mga lines and speaking of inspiring...” Putol nito sa sinabi habang nakatingin sa di kalayuan pagkalabas nila ng building. Sinundan niya ang tingin ng kaibigan na awtomatikong nagpaguhit ng ngiti sa labi niya. Mag-isang naglalakad si Marro na noon ay patungo rin sa canteen galing sa Communication Building.
“Mas excited ka pa ngayon no?” Pang-aalaska ng kaibigan niya na biglang nagkagana.
“I’ve been excited ever since this morning.” Kunwaring pambabaliwala sa gusto nitong tukuyin.
“Mas lang ngayon ‘di ba?”
“Tigilan mo na nga yan.” Nakangiti pa ring saway niya dito. “Bilisan na natin at baka maubusan tayo ng pagkain sa canteen.”
Hinila niya ang kaibigan at tamang-tama na halos magkasabay din nilang pumasok si Marro sa canteen na sinundan nila hanggang sa pagpila sa counter para maka-order ng pag-kain.
Wala itong lingon-lingon habang nakapila. Nang makarating ito sa counter ay nakita niyang Chicken Adobo at Chop suey ang binili nito kaya iyon din ang pinili niya at pagkatapos nitong magbayad ay umupo ito sa pang-dalawahang lamesa sa isang sulok. Luminga-linga siya para maghanap din ng bakanteng mesa na kung saan ay matatanaw niya ito. Nakahanap sila ng lamesa na agad nilang pinuntahan ni Carolyn pagkatapos nilang magbayad.
Habang sumusubo ng pagkain ay hindi niya maiwasang mangiti dahil pareho silang dalawa ng kinakain. Maya-maya niya itong tinitingnan sa kinauupuan nito. She felt lucky na makita ito sa first day ng klase after almost two months of summer vacation.
The food just tastes better and her bottled water sweeter.
Habang kumakain ay nakita niyang luminga-linga si Marro sa mga lamesang okupado na parang may hinahanap. She hurriedly lowered her head ng mapadako sa lamesa nila Carolyn ang tingin nito. As much as she wanted him to notice her, she doesn’t want to appear like a stalker to him. Humahanga siya dito pero sapat nang sila lang ng kaibigan niya ang nakakaalam. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kung malalaman ng iba ang damdamin niya.
Nanatili siyang nakatungo hanggang sa natapos niya ang pagkain pero ganoon pa man ay hindi pa rin naalis ang ngiti sa labi niya habang hinihintay si Carolyn na matapos sa pagkain nito.
Nang matapos ang kaibigan at tumayo sila para makabalik na sa kanilang classroom ay pasimple niyang tinapunan ng tingin ang lamesang inokupa ni Marro ngunit wala na ito roon.
“Bilisan natin baka ma-late tayo sa next subject natin.” Yakag niya sa kaibigan na noon naman ay di makatayo ng maayos. Marahil ay dahil naman sa kabusugan. Nagpatiuna siya sa paglakad dito.
“Wait!”
Wala silang kibuan hanggang sa nakarating sila sa kanilang classroom. Pagkarating nila’y sinalubong siya ng Associate Editor ng school paper nila at ipinapatawag daw siya ng kanilang editor. Kahit hinihingal pa ay sumama siya rito. Binilinan nalang niya ang kaibigan na sabihan ang kanilang professor na mali-late lang siya.
Bumaba sila hanggang sa nakarating sila sa Communication Building. Mabuti na lamang at sa ground floor lang ang opisina ng school paper nila. Dinatnan na nila roon ang ilan nilang ka-grupo na binati naman niya.
“Hello.” Nilapitan niya ang Editor-in-chief nilang si Jasmin na nakaupo sa pinakadulo ng katamtamang haba ng lamesa. Maputi at maganda ito na may tuwid at mahabang buhok at maliban pa doon ay matalino rin ito at mahusay makisama sa iba. Sometimes she can’t help but to envy and admire her at the same time. Katulad niya ay nasa ikaapat na taon na rin ito sa kursong BS Journalism. “Hi, sa inyo.” Bati niya sa iba na ginantihan din naman ng mga ito ng mga ngiti at bati.
“Hi, Martina. Long time no see a.” Nakangiti nitong salubong sa kanya. They hugged.
“Oo nga e. So, how’s the vacation?” Aniya ng maghiwalay sila. They have been working together for three years now. First year palang ito nang pumasok sa school paper nila na nagsimula bilang feature writer hanggang sa naging editor na nga.
“Usual pa rin naman. Madalas dito pa rin ako naglalagi sa school. Parang di nga ako nagbakasyon e.” Natatawang reklamo nito.
Umupo siya sa upuang nakalaan sa kanya. “I have a class at 1 P.M. Jas.” Paalam niya dito.
“Yes, yes. This will just be quick.” Tumingin ito sa suot na relo. “We are just waiting for some new members but since kailangan ding makaalis ng iba sa inyo kaagad, magsimula nalang tayo kahit wala sila. I’ll just brief them when they get here.”
Natuwa siya sa balita na may bagong member ang Jouralism club nila. Last year kasi ay wala silang nakuhang bago.
Nagsimula itong maglatag ng agenda nila for that meeting. Kung ano ang mga feature na kailangan para sa school paper nila, kung saan at kung kanino ipapasa at kung kailan ang mga deadlines.
“By the way, tayong mga fourth year, since mayroon na tayong kailangang asikasuhin na iba like practicums kaya most of the time nasa labas tayo ng campus, you can all submit your entry to our email. Doon ko nalang din ire-reply yung mga comments ha. So, lahat ng magpapasa ng personal ay yung mga third year pababa na lang, okay?”
They all agreed. Jasmin is such an angel. Wala pa man silang sinasabi ay naiintindihan na nito ang sitwasyon nila.
After fifteen minutes of discussion ay pinauna na silang may klase ng ala-una na umalis.
“Just don’t forget to contact me if you have any concerns relating to our school paper.” Bilin nito sa kanilang lahat to which they all agreed.
Pagkatapos magpaalam sa isa’t-isa ay nagmadali siyang makalabas ng building kasabay ng iba pa. Their professors won’t like it if they are late on their first meeting. On her way out, di sinasadyang bumunggo siya sa isang estudyante na naging dahilan ng pagka-tanggal ng suot na salamin at pagbagsak niyon sa kung saan.
“Sorry. Nagmamadali kasi ako.” Nakakunot ang noong paumanhin niya sa nabangga niya sabay tingin sa baba para hanapin ang salaming nalaglag.
“Sorry din.” Aniya ng nakabungguan niya sa medyo pamilyar na boses. “May I know kung anong hinahanap mo?”
“Glass. My eyeglass.” Medyo bothered na sabi niya lalo at marami-rami ring dumadaan na ibang estudyante roon. Her astigmatism prevents her from seeing clearly kaya kahit nagmamadali siya ay hindi iyon pwedeng mawala sa mata niya. Everything is just blurry without her glass on.
“Please stay still. I will look for it.” Narinig niyang sagot nito.
Just as the man said, she stood still. Some minutes had passed until he speaks again. “I found it. Here.” He handed the glass to her.
“Thank you.” She excitedly answered. Ganoon na lang ang gulat niya ng ang nag-aalalang mukha ni Marro ang tumambad sa kanya pagkasuot niya ng salamin. Kinurap-kurap niya ang kanyang mga mata at napahawak ng mahigpit sa mag-kabilaang strap ng bag niya. That’s why his voice was familiar earlier.
“Are you okay?”
“Y-yes. I-I am okay.” Nagkandautal-utal na sagot niya rito.
“Sorry sa pagkakabangga ko sayo. I was in a bit hurry.” Muli ay hingi nito ng paumanhin sa kanya.
“It’s okay. I-I was at fault too.” She unconsciously bit her lower lip. “Salamat sa paghahanap ng salamin ko.”
“Walang anuman. Kasalanan ko din naman.”
Tipid niya itong nginitian. She can’t believe how lucky she’d been just now but she can’t help but castigate herself for her foolishness.
He may be towering her but for Pete’s sake Marro is just a kid! He is her two years junior. Mas humigpit ang hawak niya sa strap ng kanyang bag sa kanyang naisip.
“Thank you.” Mahina niyang sabi at bantulot man ay tumalikod siya dito hanggang sa tuluyan siyang nakapasok ng Business Administration building. Nang masiguro niyang hindi na siya abot ng tingin nito ay patakbo niyang inakyat ang hagdan hanggang sa nakarating siya sa fourth-floor kung saan naroon ang classroom niya.
She was beyond ecstatic. Sobra ang kabang nararamdaman niya pero alam niyang hindi iyon dahil sa taas ng tinakbo niya kundi dahil sa sobrang sayang nararamdaman niya kahit na may parte ng utak niya ang kumokontra sa kanyang sariling damdamin.
Tumatagaktak ang pawis niya pagkarating niya ng fourth floor. Saglit niyang pinayapa ang paghinga bago naglakad patungo sa classroom nila. Nadatnan niya ang isang babaeng professor sa harap ng klase at nagpapakilala. Nag-excuse siya rito at ng mabigyan ng pahintulot na pumasok ay nagliliwanag ang ngiting tumabi siya sa kaibigang si Carolyn.
She can’t wait to tell her the best news she had that day!
“Talaga?” Di makapaniwalang tanong ni Carolyn sa kanya na nagpalingon din sa ibang nag-aabang rin ng masasakyan. Tapos na ang klase nila noon at nag-aabang ng diyep sa kahabaan ng España pauwi sa kanyang Condo unit sa may Ortigas Center habang ang kaibigan ay papuntang Quezon City naman ang inaabangang masasakyan.
Mula sa pagkakangiti ay tinanguan niya ito. Hindi na napaknit ang ngiti sa labi niya simula kanina ng magkausap sila ni Marro. It’s been three hours already pero parang dinig na dinig pa niya ang boses ng lalaki sanhi upang di siya makapag-concentrate sa klase niya kanina. Natapos ang klase nilang wala siyang naintindihan sa mga sinabi ng professor nila.
“So, what did you talk about?” Mahinang pukaw ni Carolyn sa atensyon niya.
“Wala.”
“Wala?” Nagtatakang tanong nito. “Pero ganyan ang ngiti mo?”
“Hindi. Ibig kong sabihin ay wala kaming ibang pinag-usapan. Nag-sorry lang kami sa isa’t-isa tapos umalis na ako.” Paliwanag niya.
“’Yun lang tapos ganyan talaga ang ngiti mo?” Nawewerdohang tanong ng kaibigan niya.
“I am just so happy to hear his voice. It was…” Putol niya habang nag-aapuhap ng tamang description sa boses ng lalaki. She first heard his voice a year ago on their first meeting and next at the coffee shop, but she was not expecting that his voice would be that familiar, but to her surprise, it was. Para bang sinasabi ng senses niya na hinding-hindi na niya makakalimutan ang boses na iyon na para bang naka-tattoo na sa isipan niya.
“It was?” Di nakatiis na tanong ni Carolyn.
“It was familiar.” Nakangiti niyang tugon dito.
“Kasi nga di ba, Narinig mo na ang boses niya last year?”
Tumango siya dito. “Exactly. And two months ago, sa coffee shop, remember?”
“Grabe ha. Twice mo palang narinig ang boses niya pero di mo na malimot. Ano pa kaya ang mukha niya na palagi mong nakikita?” Intriga nito.
“Huwag ka ngang maingay.” Saway niya dito. Iniikot niya ang paningin sa mga taong malapit sa kanila sa pag-aalalang may makarinig sa kanilang kakilala at ng makitang wala kahit isa man ay sa pinanggagalingan ng mga sasakyan nalang niya itinutok ang paningin.
“Bakit kasi ang layo ng school natin sa bahay natin?” Maya-maya ay narinig niyang reklamo nito.
“Mas malayo ako kesa sa’yo.”
“Kaya nga. Bakit ba kasi dito ka nag-aral at yung inuuwian mo ay sa Ortigas? Napakalayo.”
“Ano ka ba? Eh condo na yun nila Papa bago pa ako nag-high school.”
“Bakit dito ka sa Manila nag-aral e ang layo-layo dito?”
“Ang dami mo namang tanong. Ikaw bakit dito ka nag-aral sa halip na sa Quezon City?” Balik tanong niya rito.
“Wala lang. Nandito ka e.” Nakangiti nitong sagot sa kanya na pakunwari niyang inirapan.
“Ayan na yung diyep papunta sa inyo o.” Turo niya sa diyep na pumara sa harapan nila.
“Paano ka?” Pag-aalala nito.
“May dadaan din niyan maya-maya. Sige na, mauna ka na habang di pa masyadong punuan.”
“Sure ka?”
“Oo.” Bahagy niya itong itinulak para makasay na dahil marami na ang nagsunuran dito para makasakay din ng diyep. Nang makaupo ito ay sumilip pa ito sa bintanang katapat at kumaway sa kanya hanggang sa nakaalis ang diyep.
Dahil wala na siyang kasama ay pasimple siyang umusog sa pinakadulo ng mga tao kung saan manggagaling ang diyep na sasakyan nila. It took her almost twenty minutes bago siya nakasakay naman ng diyep papuntang Cubao. Pagkarating naman ng Cubao ay sumakay siya ulit ng diyep hanggang sa makarating sa babaan malapit sa condominium building nila. Mula sa babaan ay mga sampung minuto pa ang nilalakad niya hanggang sa makarating sa mismong building.
Pagkarating niya sa condo unit niya ay hapong-hapo na siya. Dagdagan pa na mainit ang sikat ng araw sa mga panahong iyon. Agad siyang nagbihis ng damit at niligpit ang mga hinubad. Mamayang gabi ay lalabhan naman niya ang mga iyon bago siya matulog.
Pansamantala siyang dumako sa kusina para maghanda ng kanyang meryenda at habang kumakain ay sinimulan niyang gawin ang short story na ihinahanda niya bilang entry sa school paper nila.
Simula noong araw na nakabanggaan niya si Marro ay hindi na niya ito muling nakita ng malapitan bagaman at napagkakasya niya sa sarili ang mga pagkakataong nakikita niya ito sa canteen o nakakasalubong sa kung saan man.
As usual, he seemed not to notice her existence. Kapag nagkasalubong sila ay walang sign na kilala nila ang isa’t-isa lalo na sa part ni Marro na hindi man lang niya nakikitang tumitingin sa gawi niya. She is not expecting anything but she felt hurt sometimes lalo na kapag may naririnig siyang usapan tungkol sa ibang babae na nagkakagusto rito.
Sa mga dumaang buwan ay sinikap niyang ibaling sa kaniyang pag-aaral ang lahat ng kaniyang atensyon. Mula sa kanilang practicum, school activities, exams, school projects at kung ano ano pa ay doon niya muna itinutok ang kanyang oras although there are times that she can’t help but to admire him from a distance lalo na kapag naglalaro ito ng soccer sa oval nila kasama ng team nito.
Katulad na lang ng oras na iyon. The soccer team of their university was having their pre-finals practice para sa upcoming school competition.
Kakatapos lamang ng isa nilang subject at naghihintay ng susunod pero inabot na sila ng bente minutos ay di parin dumarating ang kanilang susunod na professor kaya ang iba sa kanilang magkaka-klase ay inabala nalang ang kanilang mga sarili na manood ng practice ng soccer team habang ang ilan ay nasa kanilang mga upuan at kung ano-ano din ang pinagkakaabalahan.
Dumistansiya siya ng upo sa mga kaklaseng katulad niya’y nanonood din ng soccer. This was one of the chances na makita niya ang lalaki na di siya mag-aalala na may maka-diskubre sa kanya dahil lahat naman sila ay nanonood sa buong team.
She gets very excited just looking at him like that. How he walks swiftly, how he runs fast, how he drinks his bottled water, how he fixes his hair when he was sweating hard, and how he eyed the ball like it was the only important thing for him.
She sighed. She stared at him intently. If he could only see her like how he sees the ball, she will be the happiest girl on Earth.
Ipinangalumbaba niya ang dalawang kamay habang nakatitig sa kinaroroonan ni Marro. Gusto niya itong amutan ng lakas niya na noon ay tila hapong-hapo na sa kakatakbo. Sinundan niya ito ng tingin. Nilapitan ito ng isa nitong kasama na tila may sinabi dito pagkauwa’y lumakad ito at umupo sa bench.
Kinuha nito ang bote ng tubig at tumungga roon at mula sa mga kasama nito ay nakita niyang umakyat ang tingin nito hanggang sa gumawi sa kanya. Malayo ang oval mula sa building nila but she could feel it. He is looking at her!
Dumausdos siya ng pagkakaupo ng mapagtantong sa kanya nga napatingin si Marro. She clenched her heart because it was beating erratically.
Was that real? Di makapaniwalang tanong niya sa sarili. O baka naman naduling lang siya?
Ilusyon niya lang ba iyong nakita niya?
Ang kaibigan niyang nakatayo sa mga oras na iyon ay di naiwasang mangiti sa nakita. She is just as happy as her best friend.
“So, how’s your day dreaming going on?” Boses ni Carolyn ang pumukaw sa kanya habang matiyagang nakatingin sa parte ng oval na kinakitaan kay Marro noong nakaraang araw.
“Anong dreaming?"
Umupo ito sa bench na kinauupuan niya. Nalililiman iyon ng malaking puno na nasa tabi lang nila kaya naman kahit katang-haliang tapat ay naroon lang silang magkaibigan at kumakain ng kanilang tanghalian katulad ng ibang estudyanteng naka-pwesto din sa ibang benches kalapit nila.
Nilapag nito sa harap niya ang bitbit nitong supot ng fried chicken na binili nito sa canteen.
“Kakakita mo lang sa kanya noong nakaraang araw tapos ngayon gusto mo makaulit ulit? Hindi naman kaya nagiging makasarili ka na niyan?” Natatawa nitong turan.
Lumabi siya dito. “Dapat nga maawa ka sa akin kasi halos two months ko nalang siyang makikita tapos ga-graduate na tayo.”
“You should be happier kasi after two months magta-trabaho ka na. Makakaipon ka na and then may chance kang hanapin siya at malay mo ikaw pa magpa-graduate sa kanya. When you're rich enough, gawin mo siyang scholar.” Pang-aalaska nito sa kanya na nagpalaki ng mga mata niya.
“You’re a despicable friend. Anong akala mo sa akin, sugar mommy?”
“Hindi naman. Gusto ko lang talaga yumaman ka.”
“Ikaw pa nga ang nagkwento sa akin kung gaano kayaman yung pamilya nila di’ba?”
“So, kung mahirap lang siya gagawin mo?” Nanlaki ang matang tanong ng kaibigan niya.
“Probably.” Diritsa niyang sabi na nagpahalakhak sa kanilang dalawang magkaibigan. “Come to think of it. I really need to be rich.”
Aniya dito ng humupa na ang tawanan nila.
“Bakit mayaman naman na kayo a.”
“We are not. Nag-struggle nga yung negosyo ni Papa sa probinsya e that’s why I have to manage it after our graduation.”
“Uuwi ka sa Quezon after our graduation?” Di makapaniwalang tanong nito na tinanguan niya. “Bakit di mo sinabi sa akin kaagad?”
“Bakit kung sinabi ko ba ay magbabago yung sitwasyon?” Biro niya dito.
“How about me?” Naiiyak na tanong nito.
Kahit na naiiyak din siya ay di niya naiwasang matawa dito. “Anong paano ka?”
“Iiwanan mo ako dito. I won’t have any friends anymore.” Bakas sa boses nito ang paggaralgal niyon.
Bahagya niya itong tinampal sa balikat. “Ang arte mo. Hoy magkapareho tayo ng probinsya no. E di umuwi ka din ng Quezon kung gusto mong makita ako.”
Saglit itong nag-isip at noon naman ito biglang natauhan. “Oo nga pala.” Natawa din ito sa sarili. “Pero ako din naman ang inaasahan sa amin na magma-manage nung restaurant namin. E di hindi rin ako makakauwi sa atin.”
Pagak niya itong nginitian. “Hayaan mo na. May cellphone naman tayo. You can call me anytime kung gusto mo. Ako nga ang nag-aalala na baka kapag ako ang tumawag sa’yo e hindi mo ako masasagot dahil lagi kang tulog.”
“Ang sama mo naman sa akin. Hindi naman ako laging ganoon.” Depensa nito. “Most of the times lang.” anito sabay tawa.
Tumango siya. “Yeah. Most of the times. Iniisip ko nga minsan kung talaga bang kaibigan kita. Kung tinatawagan naman kita madalas naman ay hindi kita ma-contact. Feeling ko nga yung operator na yung kaibigan ko e.”
Nagkatawanan sila sa sinabi niya pero maya-maya ay umingos ito. “Sorry.”
“It’s okey. Binibiro lang kita.”
“From now on, I’ll be a better friend. Sasagutin ko lahat ng tawag mo, promise.” Itinaas nito ang kanan nitong kamay.
Hindi makapaniwalang tingin ang ipinukol niya dito. “Are you sure? Tigilan mo nga 'yan.”
Tango lang ang isinagot nito pagkatapos ay itinuloy nito ang pagkain na parang walang nangyari. “Ang sarap naman nitong chicken nila. Mas masarap kaysa doon sa una nating kinain kanina na pork barbecue.”
“Oo nga. Sa tingin ko din.” Ginaya niya na din ito sa pagkain.
Pagkatapos nilang kumain at mailigpit ang mga basura ng pinagkainan nila ay nanatili pa sila doon sa bench habang hinihintay ang susunod nilang klase. They were just here to complete some of their subject requirements. Madalas din ay hindi na maayos ang klase nila lalo at abala na rin ang mga professor nila sa paggawa ng kanilang mga final exams at sila namang mga graduating students ay abala din sa kanilang practicum.
“I think this day is just another lucky day.” Ani Carolyn maya-maya.
“Bakit?” Lingon niya dito.
“Look at your ten o’clock. Naglalaro ng soccer ang isang poging estudyanteng crush na crush mo.”
Dali-dali siyang pumihit sa itinuro nitong direksyon. Nahigit niya ang paghinga ng makita nga doon ang lalaking kanina pa gustong masipat ng mga mata niya. They were all wearing the blue uniform with white stripes pero ang mga mata niya’y alam kung nasaan eksakto si Marro sa mga iyon.
“Sobrang saya ko na.” She said dreamily habang nakatutok ang mga namumungay na mata sa direksyon ng lalaki.
“Do you plan on getting married in the future?” Tila nangangarap na tanong ni Carolyn sa kanya.
“Yes, of course.” Diretsa niyang sagot.
“With that man?”
“Yes.”
Kiniliti siya ng tawang-tawang si Carolyn dahil sa sinabi niya. Nang maisip niya ang itinanong nito ay napa-diretso siya ng upo at pinigilan ito sa pangingiliti sa kanya.
“Para kang sira diyan. Tumigil ka na nga.” Natatawa din niyang tugon dito.
“You just admitted. You want to marry him!”
Inilagay niya ang kanyang hintuturo sa kanyang labi at pinandilatan ito. “Ssshhh. Ang ingay mo.” Nang hindi parin niya ito mapatigil ay tinakpan na niya ang bibig ng kaibigan gamit ang palad niya.
Siya man ay nagulat sa kanyang naamin. Until recently, she doesn’t even know na iyon pala ang pangarap niya. She just realized her ultimate dream right now.
Her only dream is to be married to Marro Dominguez!