“Ahhh... sorry sobrang late na pero... kasi... aherm... about the kiss... that we shared, I --” Agad hinablot ni Toyang ang kanyang phone mula kay Candy, at nang tignan nya ang taong kausap nito ay nabasa niya ang pangalan ni Trevor. Ganun na lamang ang sasal ng kanyang dibdib. “Hello Trevor,” kausap nya sa kabilang linya ngunit ang mga mata ay kay Candy nakatutok. Anung sinabi ni Trevor dito at ganon na lamang ang itsura ng kanyang pinsan? Tulala ito sa kanya at tila may gustong sabihin. “Bakit ka tumawag?!” “Galit ka na nyan? Hahaha. Joke lang. Naka-move on na ko sa kiss natin.” Si Trevor iyon na tila nakainom. “Anong pinagsasasabi mo huh? Lasing ka ba? Hello? Hello?” Ngunit di na sumagot ang nasa kabilang linya. Peste, pahamak talaga ang hudyong yon. “Kelan pa?” tanong ni Candy sa

