Irah Marie’s POV “Bang! Bang!” Napasinghap ako sabay dilat ng marinig ang putukan ng baril mula sa pelikula na pinapanood namin. Tila natauhan ako, mabuti at hindi pa naglalapat ang labi namin ni Rome. Nanlalaki ang mata ko na tumingin sa lalaking nakapikit pa rin. Agad akong tumayo. Nakaramdam yata si Rome na wala na ang mukha ko. Dumilat ito. Ang kanina na namumungay na mata ng lalaki ay napalitan ng talim na titig sa akin. Agad kong binaling ang tingin sa malaking screen. Ang mga main characters na kanina ay umuungol, ay ngayon ay nakahubad na hinahabol na ng mga kalaban. Napalunok ako at hindi ko alam kung muling titingin kay Rome. Sa ingay ng speakers ay hindi ko maririnig kung nagsasalita ba ito o hindi. Pero kahit na sobrang ingay ng sounds na nagmumula sa speakers ay mas nabibin

