Irah Marie’s POV “Pati talaga kapatid ko dinamay mo!? Sabagay d’yan ka naman magaling eh! Ang manggipit!” Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Rome sa kabilang linya na parang nakakaloko. “Ibabalik ko sa trabaho si Clara kapag binigay mo ang anak natin. Deal or no deal?” Ako naman ang natawa ng pagak sa sinabi ni Rome. Ano ang akala nito? Parang nasa game show lang kami? Nababaliw na yata talaga ang lalaking ito. Hindi ko maiwasan na mapahawak sa sentido ko dahil sasakit yata ang ulo ko sa pakikipag-usap sa walanghiyang lalaki. “Hindi ko hahayaan na magkahiwalay kami ni Romira!” tutol ko. “Then, sumama ka! If you want your sister’s job back.” Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Rome. “Isaksak mo sa baga mo ang kumpanya mo Romnick Guillermo! Hindi lang naman ikaw ang employer sa Pilipinas

