“Ilang oras lang naman ako nawala Rodney.” Ginulo ko ang buhok nito. “May gusto ka lang ipaluto noh?” “No, Ate. I just miss you.” “Kamusta ang school?” tanong ko sa bata habang kinayag ko na papasok sa loob ng mansyon. Kagaya ng halos araw-araw namin na ginagawa matapos mag-merienda ay naglaro kami ng board games. Halos araw-araw ay si Rodney ang ka-bonding ko. Napalapit na rin ako sa bata. Madalas din ay hinihiram ko si Rowan kay Kristel at doon kami sa kwarto ni Rodney maglalaro at maghaharutan. Lumipas ang oras at kinagabihan ay bigla naman na nagka-emergency si Kristel at kinailangan na umuwi ng probinsya sa loob ng ilang araw dahil na-ospital ang bata nitong kapatid. “Nanay Delia, pasensya na,” umiiyak si Kristel habang narito kami sa kusina.” “Shhhh, huwag kang mag-alala. Ak

