Irah Marie’s POV “She’s awake...” “Hayy, salamat sa Diyos...” Nakapikit ako pero naririnig ko ang bulungan nang nasa paligid ko. Dahan-dahan ko na minulat ang mata at tumambad sa akin ang puting kisame. May humawak sa kamay ko at agad kong nilingon mula sa pagkakahiga ko kung sino. Si Nanay Delia. “Hayyy... Salamat, hija at maayos ka nagising ka na.” “Nanay Delia nasaan po ako?” mahinang tanong ko kahit alam ko na kung parang nasaan ako dahil bigla kong naalala ang mga pangyayari. “Irah, sinugod ka ni—" “Nanay Delia!” napabalikwas ako ng bangon at hindi pinatapos ang sasabihin ni Nanay Delia. Agad akong napahawak sa tiyan ko. Bigla ay parang tinakasan ako ng dugo sa katawan. Ramdam ko na namutla ako nang maalala na dinugo ako matapos ang mainit na tagpo namin ni Rome. Na-realize ko

