Chapter 13

972 Words
Zyra POV... Hindi ko na nalaman ang sunod na nangyari, basta ang alam ko pagkatapos murahin ni Allen si Zohar, hinila nya na agad ako palabas ng Restaurant. Kainis! Sayang yung foods! Pagkalabas namin dun ay agad nya akong hinarap sa kanya. Nakakunot ang noo nya habang nakatingin sa akin. Kaya tinaasan ko rin sya ng kilay. Ewan ko ba? Nung nakita ko sya, parang nawala yung inis ko sa kanya, tanging pagka-miss lang ang naramdaman ko nung yakap nya ako. Pero syempre di ko makakalimutan yung hindi sya naniwala sa sinabi ko nung nakaraang araw, mas naniwala pa sya sa Mehunnylandi na yun! "Zyra, Bakit kasama mo yung lalaking yun."- ramdam ko ang awtoridad sa boses nya. Ganun ba talaga sya kainis sa akin? "Wala lang. Thank you ko lang sa kanya yung 'friendly DATE' na yun. Bakit? May angal ka? Eh ikaw nga tong di naniwala sa akin, ikaw nga tong pinagselos ako nung nakaraang araw dahil kay meh---" Di ko natuloy yung sasabihin ko ng niyakap nya ako. "Shhhh.... sorry love, wag ka nang magseselos ha? Atsaka sorry sa hindi ko pagtitiwala sayo. Nainis lang kasi ako sayo nung araw na yun, bakit mo ba sinampal si Mehunny?" Napasimangot naman ako. "Mehunny na naman... pwede bang wag muna sya." Ngumiti naman sya sa akin. "Okay fine hindi na. Namiss ki--" "ZYRA!" Napalingon naman ako sa tumawag sa akin. Sino pa ba? Edi si Zohar. Mukhang binayaran nya muna yung pagkain bago nya kami sinundan. Hinihingal syang humarap sa amin ni Allen. Na masama ang tingin sa kanya. "Hey! Bakit mo ako iniwan dun?" Napakamot naman ako sa ulo ko sa tanong nya. "Mukha bang iniwan kita? Eh si Love ko nga ang naghila sa akin eh. Pero fine, sorry muna Zohar. Next time na lang sig---" "Anong next time? Wala nang next time Zyra."- mariin na sabi ni Allen. Gusto kong matawa sa mukha nya. Ang cute nya kaya magselos. "Okay, babawi na lang ako sa ibang paraan Zohar Boo. Basta sorry na lang sa nagyari, may kailangan kasi kaming pag-usapan ni Allen."- nahihiyang sabi ko sa kanya. Mukha namang naghinayang si Zohar. Mukha lang ewan ko? Malay nyo dissapointed sya. Aish ewan. "Sige. Sa susunod na lang, bye Zyra." Nginitian ko lang sya bago umalis. Pagka-alis nya, hinarap ko naman si Allen. "Bakit ang sweet nyo kanina? Nagseselos ako Zyra."- seryosong sabi nya. Napahagikhik naman ako sa sinabi nya. At lumapit sa kanya at binigyan sya ng mabilis na halik sa lips. "I miss you." Sumimangot sya sa sinabi ko. "I miss you lang?" "I love you." Nginitian nya ako at lumapit para bumulong. "I love you and I miss you too my love." ~•~ After ng PDA namin dun sa mall kanina. Dinala nya muna ako dito sa Condo nya. Time Check: 7:03 p.m Kanina pa ako nakaupo dito sa sala ng condo nya. Nagluluto kasi sya gusto nya sabay daw kaming mag-dinner miss nya daw kasi ako ng sobra. Sweet Allen strikes. bzzt! Mau:Gaga ka! Akala ko si Allen ka Date mo! Di ko alam na yang Zohar pala na first love ni Sam yung kikitain mo, buti na lang sinabi nya sa akin kanina. Nagtatampo kami sayo, di ka honest best! Shocks! Ang daldal talaga ni Sam! Tsk. To:Mau Uy, Sorry na. May LQ kasi kami ni allen kaya ganun. Sorry na best, leb nemen kete eh. ;) Pagkasend ko nun, ngiti-ngiti akong bumalik sa panood ng t.v. Parang dati lang uso sa akin ang magsalita ng ganun 'mess nemen kete eh' hahaha. bzzt! From:Mau Gaga, ayaw kong marinig yang 'e' sa pananalita mo, nakaka-bobo best! Natali na yung dila, nagkandabuhol-buhol na. Pero sige, ayos na tayo. Sa susunod be honest para mas masaya best. Walang tumatagal na relasyon na puro KASINUNGALINGAN LANG. Me:Hugot? Mau: Tsss.. Oo hugot! Bye na, alam kong andyan ka kay Love mo. Pinatay ko na ulit yung cellphone ko. "Love, Halika na dito, kain na tayo." Tumayo ako ng marinig ko ang boses ni Allen. Pagdating ko dun, spell SABOG? K-U-S-I-N-A N-I A-L-L-E-N "What happen?"- kunot-noong tanong ko sa kanya. "Nagkaroon lang ng kunting masacre sa kusina ko. Pero okay na, nailuto ko naman na to."- sabi nya habang nakaturo sa pritong hotdog at pansit canton sa ibabaw ng mesa. Yung totoo? Dinner to o Breakfast? "May pagmamahal yan Love. Upo ka na." Pagka-upo ko ay ngumisi ako sa kanya. "Dinner ba to o Breakfast? Yung totoo love?"- natatawang sabi ko pero nag-pout lang sya. "Ang bad mo na love ko, porket sumasama ka na dyan sa Boo mo." "Selos ka naman?" "Hindi ah! Mahal kita!" Bigla akong natahimik sa sinabi nya. "Uy, kinilig sya."- namula naman ako sa sinabi nya. "Edi wow. Kain na nga tayo." Tinawanan nya lang ako at kumain na kami. Pagkatapos naming kumain ay naghugas muna ako ng plato. Oo ako na ang nagpresinta kawawa naman yung love ko na magluto ng Breakfast namin. After kong maghugas dumaas muna ako sa kwart nya. Napangiti ako ng nandun yung Picture naming dalawa na naka-frame sa may study table nya. Ang sweet lang. Haist, basta talaga nagmamahal ka ng totoo mabilis kayong magpatawad sa kasalanan ng isa't isa. Naramdaman ko na may yumakap sa akin sa likod ko. Inilapit nya pa yung mukha nya sa may leeg ko. "Anong ginagawa mo dito Love?" "Nagbabalak kasi ako na dito na lang matulog." Napahiwalay naman sya sa akin. "Talaga? Nagpaalam ka na kila Tita?" Ngumiti ako sa kanya. "Sabi nila, okay lang daw kung paminsan-minsan matulog ako dito sa Condo mo. What do you think okay lang ba na dito muna ako ngayong gabi?" "Oo naman. Kahit Forever ka na sa Condo ko." "Lul, aalis din ako. Walang forever." "Meron kaya, papatunayan natin yun." Hindi ko alam pero kinilig ako sa sinabi nya. "Talaga ha, I love you Love." "I love you too. Forever kahit walang forever sa paningin ng iba. Mahal na mahal kita. Kahit nagseselos ka sa iba. Mahal kita. Sobra. Saranghae." Ang sarap pakinggan ang salitang mahal kita sa taong mahal mo. Haist, Allen... binabaliw mo ako. ************* A/N:Miss me? O miss nyo ang Zyllen:3 Ngayon ang simula ng *25 votes rule* sana balik na kayo sa pagiging Active. Next UD ko after ng 25 votes love lots Crushers. Mahal ko kayo *nahawa ako kay Allen*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD