Zyra POV...
"Good morning couple..."- nakangiting sabi ni mehunny pero halatang plastic.
"Good morning rin."- plastic rin na sabi ko sa kanya. Treat others on how they treat you ika nga.
"Allen, pwedeng pasama ako sa---"
"Ahmmn... Mehunny, we need to go. Hindi tayo magkaklase sa next subject diba? Kita na lang tayo mamaya. Bye."- sabi ni Allen at nginitian sila at hinila ako. Iniwan namin si Mehunny dun na, para namang may natuwa naman sa parte ko. Yes! Nanalo ako dun ah. Napansin ko na masakit yung pagkakahila ni Allen sa akin pero yung sakto lang hindi gaanong masakit.
"Uy, dahan-dahan naman sa paghila!"- tumigil kami ng nasa tapat na kami ng elevator.
"Ang init ng ulo nyo ni Mehunny sa isa't isa. Ano bang kinagagalit nyong dalawa?"- tanong sa akin ni Allen ng makapasok na kami sa Elevator.
"Obviously, Ayaw namin sa isa't isa Allen."
"Then kailangan nyong magkasundo. I will make a move for you."
Mahina ko syang tinulak dahil sa sinabi nya.
"Ayoko. Ayoko rin naman kasing maging kaibigan ang katulad nyag plastic. Naalala mo naman siguro yung nandun tayo sa library noon diba? Nag-sinungaling sya, akala mo kung ako yung unang nanakit eh sya naman ang unang nanampal sa akin. Masakit kaya y--"
*tsup*
"Too much words love."- nakangising sabi nya.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. How dare him! How dare him para pakiligin ako ng ganun!
"Natahimik ka?"- nakakalokong sabi nya sa akin. Inis ko syang pinag-papalo.
"Nakakainis ka! Kiss Stealer! p*****t!"-
"Pano ba yan, kwits lang tayo. Remember you kiss me in my cheek, then I just kiss you in your lips."
"Kahit na!"
"Shhh... nandito na tayo sa mga room baka pagalitan ka ng mga prof."
Tumahimik naman ako. Lagot na kasi baka sa Detention room na naman bagsak ko.
Pagbukas namin ng pinto maswerte kami dahil wala pa yung subject teacher namin. Dumeretso kami sa dalawang vacant seats na magkahiwalay. Isa dun sa tabi ni Zohar at yung isa kay Lestie.
Nagtaka ako ng sa tabi ni Zohar dumeretso si Allen. Akala ko hindi magkasundo tong dalawang to? Mun'shunga lang.
Tumabi na lang ako kay Lestie.
"Lestie, may notes ka ba? Hindi kasi ako nakapasok sa first subject eh."- dali-dali naman nyang kinuha yung notebook nya sa bag nya. Nagulat na lang ako ng may nahulog mula dun. Pupulutin ko sana ng kinabig nya yung kamay ko pero aksidente nya ring Nakabig ang bagay na yun.
Isang Pregnancy test. Don't tell me? Bakit ganun, may mali eh. Pakiramdam ko... Shocks! Nababaliw na ako. Anong connection biro ni Mau sayo Zyra?
"Buntis ka ba? Parang ang weird mo kasi eh."- tanong ko sa kanya pero medyo joke lang. Duh~ ma-miss interpret pa ni Bruha.
"Ahh... the truth is oo."- nanlaki ang mata ko sa simabi nya.
"SERYOSO! HOY MAU! Bawal ang joke sa mga bagay na yan!"
Yung seryoso nyang mukha napalitan ng ngiti.
"Joke lang! Ikaw kasi eh! Pero joke lang yun ha."- sabi nya at tinuloy ang pagkain dun sa stick-o with mayonaise.
"Lestie..."- sa pagbanggit ko ng pangalan dali-dali nyang tinago yung Pregnancy Test.
"Wala kang nakita Zyra."- dali-dali syang tumayo at lumabas ng room. Tumayo rin ako at susubukan sana syang habulin kaya lang... pumasok sa utak ko na baka kailangan nyang mapag-isa. Haist. Ang weird lang bakit pumasok sa utak ko si Mau at yung biro nya.
Umupo na lang ako ulit. Kay Zohar na lang ako hihiram ng notes mamaya. For sure--- shocks! Hindi pala nangongopya yun. Tsk. Kay Phoebe na lang mamaya.
Ilang minuto lang ay dumating na rin yung Prof namin. Mukhang busy sila ngayon.
"Class, busy ako ngayon. I-review nyo na lag yung page 52 hanggang sa page 60."
Yun lang ng sinabi nya at umalis na. As usual, kapag ganyan sa library ang takbo namin.
Tatayo na sana ako ng mapansin ko na nasa likod ko yung dalawa.
"Boo/Love"
Kumunot ang noo ko dahil sabay sila magsalita.
"Fine. Mauna na ako kita na lang tayo sa library."- sabi ni Zohar at naglakad papalayo sa amin ni Allen.
"Ano? Tara na?"- aya ko kay Allen.
"Wait. Sasabay pa daw si Mehu---"
"Guys! Late na ba ako?"- nakangiting sabi ni Mehunny. Tumaas ang kilay ko sa pagdating nya, makita ko palang talaga ang mukha ng babaeng toh naiirita na ako, parang gusto kong pumatay.
"Ahmmnn... Tara na Mehunny."- sabi ni Allen. Ngiti lamang ang isinukli ni Mehunny sa kanya.
~•~
"Len-len paano to?"
Zyra... kalma lang.
"Ahh... add mo lang yan then i-simplify mo."
Kanina pa ako nakasimangot habang nangongopya ako sa libro. Pa'no ba naman, para akong OP sa kanila. Tuloy-tuloy lang sa pagtuturo si Allen. Mag-change na kaya ako ng course, tsk. Edi naiwan naman si Allen dito, bakit ba kasi Education kaming dalawa ang oinagkaiba namin major in math sya, ako naman major in Science.
"Len-len, paano naman to?"
Kanina pa talaga nagpapatindig ang tenga ko sa tawag ni Mehunny kay Allen. Bakit? Naiinis ako, kami lang ni ate Dara ang tumatawag kay Allen ng Len-len ewan ko kung saan nakuha ni Mehunny yun. Kainis.
"Mehunny, pwedeng gawin mo naman in your own yang Math. Math is dicovering. Try mo ring mag-discover hindi yung puro si Allen ang tinatanong mo."- inis na sabi ko sa kanya.
"Len-len is my tutor so what is wrong if I ask him to explain this?"
"Tsk. Are you dumb Mehunny RAE lang yan, high school palang pinag-aaralan na yan. Ewan ko ba kung nagkukunwari ka lang na hindi mo alam yan. At wait lang ha."
Tumayo ako at pinaghiwalay sila ng unti ni Allen.
"Sobrang lapit mo naman kay Allen, hindi ako tanga para hindi mapansin na every tanong mo may kasamang lapit. Tsk. Ano ka sinuswerte?"
Umalis ako dun dala yung bag ko, pero hinabol ako ni Allen.
"Zyra. Where are you going?"
Hindi ako umimik at nagtuloy-tuloy na lang sa paglakad. Hanggang sa makalabas ako ng library.
"Zyra!"
This time lumingon na ako kay Allen ng nakasimangot.
"Nagseselos ka ba?"
"Tsk. Bakit ba ganyan kayong mga lalake, lagi nyong tinatanong kung nagseselos ba kaming mga babae, 'di ba obvious na nagseselos kami?"
Ngumiti si Allen at ginulo yung buhok ko.
"Bakit ganyan rin kayong mga babae, alam nyo namang mahal namin kayo pero bakit nagseselos pa rin kayo sa iba?"
Napa-pout ako sa sagot nya. Tanong rin yun ah. Napatingin ako sa likod ni Allen sumunod pala si Mehunnylandi. Inirapan ko sya at tumingin kay Allen.
"Prove it Allen, kiss me."
Hindi naman nagdalawang isip si Allen at hinalikan ako. Tumingin ako lay mehunny at nag-smirk.
'I win b*tch'
**********************
A/N: I miss you Crushers, sa wakas tapos na ang exam back to watty world ulit :)
~Nadz