Chapter 20

1603 Words
[Trip to Batanggas] Zyra POV... "Zyra!" My eyes widened after hearing his voice again. Hindi ko tuloy mapigilan na tumakbo papunta sa kanya. "Lance! Buti makakasama ka."- masayang salubong ko sa kanya. Niyakap nya naman ako dahil dun. "Oo naman. Kailan ko pa ba tinanggihan ang bestfriend ko. I miss you so much Zyra." "I miss you too."- humiwalay ako sa kanya para makita ulit ang mukha nya. "Ikaw ha, blooming ka dun. Kamusta kayo ni Ishi. Katahimik nun eh, parang hindi kami naging close. Sila nila Mau at Alyssa nalang ata ang close."- naka-pout na sabi ko kay Lance. Pinisil nya naman ang ilong ko dahil dun, parang dati lang. "Nasa Courting stage na ako Bestfriend. Atsaka ikaw pala, kamusta na kayo ni Allen? Ayaw nya na ba sayo? Sabihin mo lang, aagawin ulit kita sa kanya."- biro ni Lance habang nakangiti sa akin. "Tsss... hindi ah. May mga tao lang na gumagawa ng paraan para mag-away kami. tsk." Naalala ko tuloy si Mehunny, naiinis ako sa kanya dahil kaya nyang gumawa ng paraan para lang mapaghiwalay kami. As if naman diba? "ZYRA BESHHHH!!!!!" Napatakip ako sa tenga ko dahil sa boses ng dalawa pang bruha sa buhay ko. And wait, may kasama sila. Si Ishi. Naka-pants sya at naka-tshirt. Pero sa simple nyang suot lumitaw naman agad ang kagandahan nya. Natuwa naman ako sa isip ko na bagay talaga sila ni Bestfriend. "K-Kamusta?"- tanong ko sa kanya. Ang awkward pero Bestfriend ko pa rin sya. Awkward lang siguro dahil dati sya ang fan namin ni Lance sa love team namin pero ngayon sya na mismo ang nililigawan ni Lance. "Ayos naman. Sorry pala Zy kung naging ilag ako." Ngumiti ako at lumapit sya sa akin at bumulong. "Nahihiya kasi ako sa dating Ideal Girl nang taong mahal ko." Nanlaki ang mata ko sa binulong nya. So it means may gusto sya kay Lance, mali! mahal nya na si lance pero hindi nya pa masabi. Nginitian ko naman na sya but this time hindi na awkward. "Asan na pala yung iba?"- tanong ko sa kanila. "Aba malay ko! Sila Allen mo nasaan na?"- napapout ako. Natural nang masungit si Maureen pero bakit parang mas masungit sya ngayon. "Nasa bahay pa lang. Mamaya susunod na sya. Yung Bestfriend ko rin na isa isinama ko. Wag nyo syang i-out of place ah?" Kumunot ang noo nila sa sinabi ko. "Sino naman yang new bestfriend mo maliban kay Sam?" "Si Zohar!"- nakangiti kong sabi sa kanila. "Lalaki?" Tango-tango lang ako sa kanila. "Bakit lalaki?" Tumaan naman ang kilay ko sa tanong ni Lance. "Bakit? Lalaki ka rin naman ah!" Nagpalitan kami ng tingin. Atsaka naningkit ang mata nya. "Zyra, I'm different." nag-pout ako sa kanya. True, different talaga sya. Abnormal sya eh. "Kahit na. Gusto ko'ng maging friend si Zohar at wala ka na dun. Sige, wait lang tatawagan ko lang sya ha." Umalis ako at dinukot ang cellphone ko sa bulsa ko. Naka-dalawang ring bago nya sinagot ang tawag. "Hello?" Tsk. Hindi pa rin ako komportable kay Zohar, ang awkward lang. "Saan ka na? Nandito na yung iba kong mga kaibigan? Ikaw at si Love na lang ang hinihintay. Parang-awa mo na wag kang pa-VIP." "Tsk. I'm ready. I'm on my way now. I'll talk to you later." Pagkasabi nya nun binabaan nya na agad ako. Bastos talaga, ako ang unang tumawag ah. "Ohhh... Allen Bro, kamusta?" Napalingon agad ako ng marinig ko ang pangalan ni Allen. Pangalan nya pa lang kinikilig na ako. Parang bumalik tuloy yung pagiging excited ko. "Ayos naman. Asan si Love?" Hindi pa nakakasagot si Lance lumapit na agad ako sa kanila. "Hello! Andito po ako."- nakangiting sabi ko sa kanila. Narinig ko na nag-tsk pa si Lance. Tsss.. selos siguro sya na may bago akong boy bestfriend. "So sila ate Dara susunod na lang daw dahil alam naman na nila ang papunta dun. Si Zo--" Hindi pa tapos magsalita si Allen ng bumukas ang pinto. "am I late?" Sabay na napatingin kami kay Zohar. Naka-messy hair pa sya, pero bumagay naman sa kanya. Nakasuot rin sya ng magandang Damit, well perfect na sya para maging model ng isang brand ng damit. "Nope. Sakto lang ang dating mo."- sabi ko at tumingin kay Allen ng 'tara na ba?' look. "So Tara na guys!"- sabi ni Allen. Na nagpa-excited sa lahat. ~•~ "Allen, pwedeng daan muna tayo sa isang store dyan? Bibili lang kami ng foods." sabi ni Alyssa. Si Allen kasi ang nagdri-drive. Magkatabi kami sa harap and the rest nasa likod na. Kaya super luwang talaga sa pwesto ko. "Wait. May 7/11 na malapit dito. Baba nalang kayo mamaya pagdating natin. Ikaw Love , bababa ka pa ba mamaya?" tanong ni Allen habang nakatutok ang paningin nya sa Daan. "Hindi na siguro. Tinatamad ako eh."" kapag ganito talaga tamad akong bumaba-baba. Gusto ko sa loob lang ako ng sasakyan at matutulog hababg nakikinig sa music. "Sige, ako nalang ang bibili ng pagkain nating dalawa." Nagkatinginan naman ang mga kaibigan ko sa likod maliban kay Zohar. "Omg! Nilalanggam ako bhest! bakit wala tayong ganyan?" 'tsss... meron ako.' "Hoy Alysaa! Anong binubulong mo dyan?"- tanong ni Mau. Lumaki naman ng mata ni Alyssa at umiling. "W-wala noh! Ang bitter mo lang." "Tsss... don't worry Mau. Nainvite ko si Sam at alam ko isasama nya si Jp." Pang-aasar ko sa kanya. Pero totoo yun, sasama ata si JP. Nakita ko na parang hindi mapakali si Mau. "P-pwedeng wag na akong sumama?" Nakita ko na tumaas ang kilay ni Alyssa ako naman kumunot ang noo ko sa kanya. Anong wag ng sumama? Sinisira nya ata ang plano ko. "hehehe. Joke lang. Ang sama naman ng tingin nyo sa akin." Dahil dun nakahinga kami ng maluwag. "We're here." Pagka-stop nang van, agad naman nilang kinalas ang mga seatbelts nila at dali-daling bumaba ng van. "Geezzz... Bili na tayo agad." rinig kong sabi ni Lance tsaka sila naglakad papunta sa loob ng 7/11. "Love, bibili lang ako ha." nakangiting sabi ni Allen at bumaling naman kay Zohar. "How about you?" tanong nya kay Zohar. Nagkibit balikat naman sya. "Marami akong baon. I don't need to buy." Tumango si Allen at lumabas. Nang kami nalang ni Zohar dito sa Van, as usual ang bipolar na katulad nya ay hindi agad nagsasalita. "Ahmmn... nao-op ka ba mga bestfriends ko?" tanong ko sa kanya umiling naman sya bilang sagot. Kaya hindi na ako umimik. Mukhang ayaw nya naman kong kausap eh. Nagsuot sya ng earphone at sumandal malapit sa bintana. Haist. Suplado ang loko palibhasa gwapo. Sinuot ko na lang yung headphone ko at pinatugtug yung lion heart ng Snsd. Puro kpop song kasi ang laman ng music ko kaya wag na kayong magtaka. Hindi rin nagtagal dahil lumabas na sila na may dala-dalang supot. Naka-akbay si Lance kay Ishi. Tsss... to'ng dalawang toh PDA. Pagkapasok nila dito, agad naman nilang pinagbubukas yung supot na dala nila. Sya namang pagbukas ng driver's seat at pumasok si Allen na may dalang tatlong supot ng pagkain. "Bumili ako ng lays love, alam ko naman na favorite mo yun." namilog ang mata ko sa sinabi ni Allen. Omo! Favorite ko talaga yung lays na yun. Agad ko naman itong kinuha sa supot at binuksan. "So let's go?" tumango naman ang lahat kay Allen. Habang nagmamaneho sya ng sasakyan, syempre sinusubuan ko rin sya. Kahiya naman, sya bumili tapos ako lang ang kakain. "Malayo pa ba tayo love?" tanong ko sa kanya. Feel ko kasi malapit na kami. "1 hour na lang Love ko. Tulog ka kaya muna?" Tumingin naman ako sa likod si Mau nakasandal kay Alyssa. Si Ishi naman nakasandal kay Lance, at si Zohar naman nakasandal sa may bintana. Tsss... pinanindigan nga nya ang pagiging loner nya. Kung bakit nga ba naman hindi ko naisipang isama si Chase. "Ayaw kong matulog. Papanoorin na lang kita habang nagdri-drive." nakita ko ang pag-ngiti nya dahil sa sinabi ko. "I love you Zy." napangiti naman ako sa tugon nya. "I love you too Allen."- nakangiting sagot ko rin sa kanya. ~•~ "Love... we're here." Naimulat ko naman agad ang mata ko sa sinabi nya. Really? Nandito na kmi? Atsaka, bakit ko nakatulog? Nahihiya akong tumingin kay Allen. "Sorry huh, nakatulog ako eh." ngumiti lamang sya sa akin at inayos ang buhok ko. "Messy hair... bagay pala sayo yan love. You look sexier." namula ako sa sinabi nya. "Tsss... asan na sila Lance?" "Nasa loob na sila ng mansion. Darating mamaya sila ate Dara at yung ininvite ni Alyssa na kaibigan nya pati na rin sila Sam." "Anong oras daw?" Umiling lang sya at ginulo ang buhok ko. Namalayan ko na lang na binuhat nya ako. "ANO BA ALLEN!! IBABA MO AKO!!" Narinig ko lang ang higikhik nya kaya napanguso ako. "Nakakahiya..." bulong ko sa kanya. Pero hindi nya ako pinansin kaya naman sumuko na rin ako. ~•~ One, two, three, four, five, six. Anim lahat ng kwarto dito sa Mansion ni Allen. "Saan tayong dalawa?" tanong ko sa kanya. Nakita ko naman ang pagngisi nya sa sinabi ko. "Ikaw ha... gusto mo akong makatabi noh?" namula ako at pinapapalo sya "Kapal mo rin noh! Hindi ah! Namali lang ako ng tanong." namumulang sabi ko. "Eh bakit defensive ka?" "W-wala lang." "Si Zohar at Lance ang magka-roomate. Ako naman yung bisita ni Alyssa, lalaki rin daw yun eh kay yun na yung ka-roomate ko" Tumango nalang ako. "Ako? Sinong ka-roomate ko?" "Yung pinsan ni Ate Dara." Ahhh... Pinsan ni Ate dara. Na-excite tuloy ako. My gee, feel ko rin magkaka-sundo kami. "Nasa pang-apat ang kwarto nyo. Mauna ka na, magpahinga ka na rin. Yung mga kaibigan mo bagsak na rin eh." natawa naman ako sa sinabi ni Allen. Alam kong mahina sa byahe yung mga yun. At ako rin kaya nakatulog ako kanina. Tumango ako at nagpaalam na sa kanya at pumunta sa pang-apat na kwarto. "Omo, this is so tiring day."- binagsak ko ang katawan ko sa kama at gumulong-gulong. "Hmnnn... ang bango naman ng kama, kasing-amoy lang ni Love." saka ko sininghot yung punda ng unan. Di rin nagtagal ay nakatulog na rin ako. ********* End of the chapter. Omo. May limang chapter pa guys. Hintayin nyo ang dalawang guest. Ang pinsan ni Dara at kaibigan ni Alyssa. ~Nadz "Don't forget to Comment Crushers." Another Announcement!!   Pls. help me to spread and share my story. Nilalaban po kasi natin to sa wattys2016. So Crushers pwede nyo ba akong matulungan? maaasahan ko ba kayo?  =Thanks in Advance= VOTE=COMMENT=SHARE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD