Johnny's POV "Oh reviewer mong hayop ka, pagawa ka ng pagawa di mo naman ginagamit na gago ka.." sinampal ko sa mukha ni Burns yung reviewer na pinagawa nya kay Rea. Kung di ko pa alam na nang aasar lang ang sunog na 'to, alam kasi nila na tinutulungan ko sa mga raket si Rea dahil kung minsan ako na ang nag susulat ng mga reviewer ng mga customer ni mylabs.. "Buti nga nagpapagawa pa ako sa inyo eh, dagdag kita din yun aba..mahal na ang gatas at bigas, mag aasa-asawa ka tapos magrerekla---ARAY KO!" binato ko sa kanya yung bag ko na madaming lamang libro. Kung ano ano pang sinasabi, pwede namang magbayad na lang langya. "Magbayad ka na sunog, dami mo pang daldal eh.." sabi ko, tumayo sya at padabog na hinampas nya sa palad ko yung singkwenta pesos. "Salamat, bukas ulit ha.." sabi ko, hi

