Rea's POV "Siopao kong mahal na mahal, patabi si ate ha," humiga ako sa tabi ni Siopao dito sa kwarto nya. "Ang laki laki mo na ate tumatabi ka pa din sa 'kin," ngumuso ako para mapigilan ang mga ngiti ko dahil sa sinabi ng kapatid ko. "Eh sa namiss kita buong araw eh bakit ba," sagot ko at niyakap sya ng mahigpit. "D-di ako makahinga ate Rara," reklamo ni Siopao. "Ok lang yan, gwapo ka pa din naman," biro ko. At di ko na napigilan ang di matawa ng pisilin nya ang pisngi ko. "Lagi mo na lang akong inaasar ha, sige ka hindi ko ipapakilala sa 'yo ang bago kong kumpare," nakangising sabi nya. Bagong kumpare? May bagong kaibigan ang kapatid ko? Bigla akong nakaramdam ng konting saya sa puso ko sa kaalamang may kaibigan ang kapatid ko sa bago naming tirahan. "Talaga? Bakit? Mabai

