Johnny's Parang pinipiga ang puso ko sa mga sandaling ito lalo na dahil nakikita ko kung gaano kalungkot ang babaeng mahal ko. Hinalikan ko si mylabs sa ulo at niyakap sya. Nandito kami ngayon sa burol ni Ren. Huling araw na ngayon ng burol at ililibing na sya bukas. Napaka-sakit ng pagkawala n'ya. Kaya pala lagi nyang hinahabilin sa'kin ang ate nya araw araw. Dahil alam nyang mangyayari ito. Humahanga ako sa kanya dahil sa tapang at lakas ng loob nyang hinarap ang buhay n'ya. Napaka-buting bata ni Ren. Tiningnan ko ang munting kabaong n'ya at ang malaking litrato malapit dito. Buhay na buhay ang mga ngiti nya sa larawan. Marahan akong tumayo para kumuha ng tubig. Umiiyak na naman ang mahal ko. "Johnny kamusta si Rea?" tanong ng Jaguars nandito silang lahat. Umiling lang ako sa kanila

