ONE SHOT #3

1367 Words
BESTFRIENDS 3rd Person's POV ( related to the previous one shots) "Kumusta ka na Heaven?Ang laki na ni Alexinne!Tsaka woah!Anong pangalan ni baby boy?Ang laki na ng tiyan mo!". Makalipas ang ilang taon ay nagkikita-kita rin ang magkaibigan na sina Heaven at Natasha.Kay tagal nilang hindi nakita ang isa't-isa at aaminin nilang andami nilang pinagbago.. Nasa highschool na ang anak ni Heaven na si Alexinne at graduating na.Habang ang anak ni Natasha na si Ayesha ay graduating na ng College. At ngayon,buntis ulit si Heaven sa pangalawang anak nila ni Hansmhire.Isang buwan na lang at lalabas na ang kanilang bunso.Lalaki ang kanilang magiging anak kaya abot tenga kung makangiti si Hansmhire sa tuwing naiisip iyon. "Ewan ko kay honey kung ano ang ipapangalan namin dito.Ipapaubaya ko na lamang sakanya yun sapagkat natupad ang kanyang kahilingan na magkaroon ng anak na lalaki."nakangiting tugon ng babae sakanya. "Hon!Ito na yung pina-order mo"inilapag ni Hans ang slice ng inorder na red velvet cake para sakanyang asawa. Kasalukuyan kasi silang nasa restaurant ng pagmamay-ari nila Natasha.Napag-isipan kasi ng dalawa na dito na lamang magkita para walang hassle. "Bakit ito?Ayaw ko nyan!Gusto ko ng chocolate cake!"kunot noong reklamo ng asawa sakanya. Napanguso naman si Hans at napakamot na lamang sa kanyang ulo. "Sabi mo gusto mong kumain nito eh?" "Oo nga!Pero ayaw ko na nyan!Gusto ko ng chocolate!" "Pero—hays.Sige na nga lang.Maswerte ka't inlab na inlab sa'yo itong gwapong asawa mo!" "Di Bale Dad.Ako nalang ang kakain nito."pagsingit ng anak nilang si Alexinne.Maliban kasi sa hindi siya mapili sa pagkain ay paborito niya talaga ang red velvet cake katulad ng kanyang Mommy. Like mother like daughter nga naman. Napatawa na lamang si Natasha sa eksena ng dalawa tsaka naiiling na tinignan ang mga 'to. "Hayaan mo nalang.Ganyan talaga kapag buntis!"sabi ni Natasha kay Hans. "Naku,kawawa talaga ang mga lalaki sa asawa nila eh kapag buntis!"komento ng anak ni Natasha na si Ayesha. "Sinabi mo pa.Kaya ikaw!"ani Yoon sabay turo sa kasintahan."Huwag mo akong pahirapan kapag nabuntis kita."imbes na mamula si Ayesha doon ay nag-usok lamang ang tenga nito. "Maghahanap muna ako ng trabaho!" "Wala naman akong sinabing ngayon na ah!HAHAHAHA"at yun nga.Namula ang mga pisngi ni Ayesha dahil sa sinabing biro ng kasintahan. "Hays.Mga kabataan nga naman—OUCH!!"napadaing sa sakit si Natasha ng aksidenteng natapunan ang kanyang damit sa mainit na sabaw mula sa lamesa. May dalawang highschool kasi na tila naglalaro ng habulan sa loob ng restaurant.At kamalas-malasan pa ay napadaan ang mga ito sa gawi nila kaya aksidenteng natabig ng isa sakanila ang bowl ng mainit na sabaw. Agad na nilapitan at inalalayan ng isa sa mga staff si Natasha at agad na nanghingi ng paumanhin.Ngumiti lamang ang babae at sinabing ayos lang siya at pagtuunan nalang nila ng pansin ang makukulit na highschool na yun. Sumunod naman ang mga staffs at agad na umaksyon.Lalapitan na sana nila ang dalawa ngunit bago nila magawa yun ay nakatakbo na papalabas ang binata at dalaga. "I really don't understand kids these days aish." Sa kabilang banda ay abot tenga naman ang ngiti ng dalawang highschool na yun.Mukhang nasisiyahan sila sa nagawang kalokohan. "Pfft.Bakit kasi doon pa tayo nagtago!"natatawang sabi ng dalagita sa kasamang binata. Stella Collins ang kanyang pangalan habang Angelo naman ang pangalan ng binatang kasama niya.Mula pagkabata ay mag bestfriends na sila.Kaya hindi nakakapagtaka kung bakit pati sa kalokohan ay nagkakasundo ang dalawa. "Engot ka rin eh.Syempre wala tayong choice!Alangan naman doon tayo sa palda ni Lola magtatago pfft." "Oi bashtosh ka!!" At naghagalpakan sa tawa ang dalawa habang hinahabol ang kanilang hininga.Narating na nila ang parking lot ng hindi man lang nahuhuli ng Nanay ni Stella.Hindi kasi pwedeng malaman ng kanyang Nanay na nag-cutting silang dalawa at dumeretso sa mall para maglaro ng arcade games.Arcade addicts kasi ang mga 'to. Well,hindi naman araw-araw silang nag-a-arcade.Every Friday lang.Eksaktong P.E time kasi and pinaka-ayaw nila yun.Magkaklase rin kasi ang magbestfriend na'to kaya parehas sila ng schedule. "Tara na nga.Pumunta na tayo ng School siguro tapos na yung P.E."yaya ni Angelo sa kaibigan. "Hays sana nga.Baka pag naabutan natin yung P.E sigurado akong ipapa-push up tayo o hindi kaya ipapatakbo sa quadrangle ng sampung beses!Aish.Bakit ba kasi kailangan natin gawin lahat iyon.Bawal bang i-exempted yung mga estudyanteng di mahilig sa sports at mababa ang stamina?"pagrereklamo pa ni Stella.Para kasi sakanila isang impyerno ang sports.Tsaka nakaka-aksaya lang ng oras. Umangkas na ang dalawa sa motor na pag-aari ni Angelo tsaka pinaharurot ito patungo sa parking lot.Plano nila na unang papasok si Stella at pagkatapos ng second subject ay doon lamang papasok si Angelo.Pangatlong beses na ginawa na nila ito at napapagalitan na nga sila ng kanilang adviser dahil dito.Ayos lang naman sa dalawa kasi nga partners in crime sila. Tsaka...mas gusto nga ito ni Angelo kasi mas makakasama at makaka-bonding pa niya lalo ang kanyang bestfriend.Busy sila pareho sa weekends eh.May kanya-kanya kasing lakad ang bawat pamilya.Ngunit kapag nagkataong pwede silang hindi sumama ay ang paglalaro ng arcade games agad ang maiisip nilang gawing magkasama. Pero maliban jan , may malalim pa siyang rason. Maniwala kayo o sa hindi,crush niya si Stella.At hindi nga lang simpleng pagkakagusto ang nararamdaman niya eh.Dahil habang mas tumatagal ang pagsasama nilang dalawa ay mas lalo lamang siya nahuhulog sa dalagita.Pilit man niyang itanggal at kalimutan iyon sakanyang isipan ngunit hindi niya naman magawa-gawa. Sa tuwing sinusubukan niyang kalimutan ang kanyang nararamdaman para sa kaibigan ay mas lalo lamang lumalala ang kanyang nararamdaman.Mas nasasaktan siya lalo.Kaya sa huli,hinayaan na lamang niya ang kanyang nararamdaman para sakanya. Pero hindi maiwasang matakot ni Angelo.Common man pakinggan ang mga salitang ito pero natatakot siyang masira ang kanilang pagkakaibigan. 'Yan lang naman lagi ang main reason sa mga taong in love sa bestfriend nila eh.Pero may point din sila na maaring magbago nga ang pakikitungo ng bestfriend mo sa'yo.Ang mas malala pa ay baka nga masira ang relasyon ninyo ng kaibigan mo.'Yan ang masakit na katotohanan kapag in love ka sa bestfriend mo! Kaya wala kang ibang magagawa kung hindi itago ang nararamdaman mo para sakanya.At itago na lamang sa'yong sarili kung nasasaktan ka.Kaya kadalasan palaging nauuwing sawi ang mga katulad ni Angelo. Lalong-lalo na kapag ang bestfriend na mahal na mahal mo ay...may minamahal ring iba. Hindi pa nga nag-uumpisa ang laban,talo ka na kaagad.At dahil bestfriend ka lang niya,wala kang ibang magagawa kung hindi ang supportahan na lamang siya.Ang saklap diba? "Gelo!Gelo!Kyaahhhh!" "Bakit?May nangyari ba?" Lunch time na nila at kasalukuyang nasa canteen ang dalawa para kumain. "Hindi ka makakapaniwala sa sasabihin ko!!" "Ano ba kasi yun?" "Malapit na yung Valentine's Ball!" "And?" "Duh!Hindi ka ba nainform?Pipili lang naman kayong mga boys ng isasayaw na babae ngayon!As in now na!" Dahil sa sinabi ng kanyang bestfriend ay nagka-ideya si Angelo. Ang tagal niyang hinihintay na dumating ang pagkakataong ito.Ang pagkakataong masasabi niya sa lahat ng tao ang kanyang nararamdaman para sa kaibigan.Kahit alam naman niyang may ibang minamahal si Stella ay handa siyang mag-risk para lang malaman ng kaibigan ang kanyang tunay na nararamdaman. "M-may nang-invite na ba sa'yo na maging ka-date nila sa Ball?"hindi alam ni Angelo ngunit kinakabahan siya. Siguro ay dahil natatakot siya na baka nga ay may nag-imbita na dito.Sa ganda ba naman ng kaibigan niya imposibleng wala. "Meron.."nanlumo ang binata sa narinig.Pero syempre hindi parin siya baback-out sa plano niya.Nakahanda na siya sa posibleng maging outcome ng kanyang gagawin.Handang-handa na siyang masaktan kung sakali. "..ang kaso,inayawan ko sila eh." "B-bakit naman?" "Kasi may hinihintay akong lalaki na gustong maging ka-date sa Ball"bumilis ang t***k ng puso ng binata nang ningitian siya nito.Sa lahat ng bagay na gusto niyang nakikita araw-araw,ang matamis na ngiti ng kanyang mahal ang pinakapaborito niya. Pero hindi rin niya maiwasang malungkot. Si Paul na naman 'yan panigurado. Nanlulumong sabi niya sakanyang isipan.Wala naman kasing iba na posibleng hihintayin si Stella kung hindi si Paul lang.Ang ultimate crush niya. "Si Paul na naman ba 'yan?"may halong pait na tanong niya sa dalagita. "Secret~" "Psh.In denial pa." Ningitian lamang siya ng kaibigan na siyang ikaniinis ni Angelo. Kailan pa siya hindi nag-open up sa'kin?!Pwede naman niyang sabihin kaagad kung sino e!Aish. Napahinto sa pag-iisip si Angelo na may narinig na mga babaeng nagbubulungan—nagbubulungan nga pero more like nagpaparinig. "Hoy mga bruha!Alam niyo ba kung sino yung ininvite ni Paul?!" "Aba of course!Basta tungkol sakanya updated na updated talaga ako!" "Langya.Nakakaselos nga yung babae e.Ano nga pangalan nun?" "Jasmine yata?" "Maswerte rin naman si Paul bebelabs kay Jasmine.Ang dami kayang gustong manligaw sakanya ngunit si Paul lang ang binigyan niya ng pansin." "Bagay na bagay sila yieee!New ship!" "Well,ibebet ko na silang dalawa ang magiging King and Queen of the night!" "I agree!" Napalingon si Angelo sa kaibigan para tignan ang naging reaksyon nito.Ngunit nakakapagtaka dahil hindi man lang nasaktan si Stella sa sinabing iyon ng mga babae. Nakakapagtaka. Yan ang nasa isip ng binata. Hindi naman kasi siya ganoon dati e.Kapag may kasamang babae o niyayang babae si Paul ay nagagalit at nagseselos talaga 'yan.Dinaig pa yung fangirls ng mga idols e. Ilang araw ang lumipas at Valentine's Ball na.Alas syete ng gabi magsisimula ang event at hindi na magkanda-mayaw ang lahat sa pagdidikorasyon sa School's Grand Hall (mayroon talaga sila nito para kung sakaling may i-heheld na event ay hindi sila magsisiksikan sa gym at hindi na sila gagastos ng malaki.Galing!) Maaga namang natapos ang pagdedekorasyon.Maliit na lamang kasi ang kailangan nilang tapusin kasi tapos na nilang gawin nung nakaraang araw ang ibang dekorasyon. Pagod na pagod na lumabas si Stella at Angelo sa labas ng Grand Hall. "Gosh!Sa susunod talaga hindi na ako magiging good girl.Nakakapagod palang tumulong wohhh!!" "Engot.Mas maganda yung makatulong ka.Ang tamad mo talaga pangit!" "Hoy anong tamad pinagsasabi mo jan unggoy?Hindi ka ba nainform na dapat magpahinga ang mga magagandang nilalang na gaya ko para hindi sila magmukhang zombie sa Ball?" "Magagandang nilalang?Alien ka pala?"sinamaan siya ng tingin ng kaibigan. "Ewan ko sa'yo!Tara na nga lang." Sa hindi inaasahan ay hinawakan ni Stella ang kamay ni Angelo na siyang nagparamdam ng kakaibigang pakiramdam sa binata.Tila kinikilig ito na ewan?Ito kasi ang kauna-unahang beses na nakipag-holding hands itong bestfriend niya.As in holding hands. ~*~ "Ready ka na ba dre?"tanong ng pinsan ni Angelo sakanya. "Ready na pero kinakabahan ako Paul." "Pfft.Ambakla mo talaga kahit kailan Angelo!Huwag kang mag-alala.Mabasted ka man o hindi,ngumiti ka parin!" "Wow?Ang ganda ng pang motivation mo ah?Mabasted talaga?" "Mas mabuti na yung i-state yung possibilities kaysa utoin kita para lamang lumakas ang loob mo.Mas mabuti na yun para kung sakaling mabasted ka nga ay handa ka na." "May point ka rin naman dre.Talino mo talaga minsan." "Minsan lang?Aba ipinanganak akong matalino woi!" "Oo na.Support nalang!" "Nga pala,nasaulo mo na yung binigay kong script?" Binigyan kasi ni Paul ang bestfriend niyang si Angelo ng script para makapag-practice siya sakanyang sasabihin para kay Stella.At tama nga kayo ng nababasa.Bestfriend ni Angelo ang lalaking kinahumamalingan ni Stella. "Hindi" "Bakit naman?!" "Huwag kang mag-alala dre.Hindi ko na kailangan ng script.Sasabihin ko kung ano ang isinisigaw ng aking puso." "Yaks.Ang korni pakinggan kapag sa'yo nanggaling!HAHAHA" "At least gwapo parin ako." "Oh sha.Umalis na tayo.Baka naghihintay na sa'yo yung papakasalan mo sa future." Sumakay na sa sariling kotse si Angelo.Ngunit ibang tao ang nagdradrive nito.Hindi pa kasi siya marunong at kailangan pa niya ng lisensya.Ayos lang sana kung motorsiklo eh kasi madali lang naman siyang makakalusot tsaka malapit-lapit lang din ang school niya sa bahay nila. "Nandito na po tayo Sir."pagkasabi ng pagkasabi nun ay bumaba na si Angelo sa kotse.Agad siyang pumasok sa loob ng school,hawak-hawak ang boquet ng paboritong bulaklak ni Stella.May kasama rin itong maliit na parihabang kahon.Hindi mo masasabing singsing ang nasa loob kasi masyadong malaki yun para sa isang singsing. Sampung minuto na lamang at mag-uumpisa na ang event.Wala na siyang sapat na oras para hanapin si Stella kaya kailangan na niyang magmadali. Halos tumakbo na siya sa bilis ng kanyang paglalakad.Hindi naman nagtagal nahanap niya si Stella.Nakaupo ito sa isang bench malapit lang sa Grand Hall at tila malungkot.Nagsuklaban namang ng kaba si Angelo habang naglalakad siya papalapit sa kaibigan. Ano kaya ang problema nito? "Hoy pangit!Bakit ka malungkot?"isang mapait at malungkot na ngiti lamang ang iginanti ng kaibigan niya sakanya. "Hays.Ang ganda ganda mo ngayon ngunit nakasimangot ka naman!"inakbayan niya si Stella na ngayon ay malungkot parin. Nakita ni Angelo ang pamumuo ng luha sa mapupungay na mga mata ni Stella. "Pangiittt!Huwag kang umiyak!Masisira ang make-up mo!" "E kasi naman eh!!Huhu" "Ano?!Sinong gaga o gago ang nang-away sa kaibigan ko ha?!Dali para masabunutan o masapak ko!" "Tanga!Wala!" "Eh bakit ka malungkot jan?" "Hindi kasi ako sinundo nung ka-date ko sa bahay e!Nauna na nga ako dito at lahat-lahat hindi parin siya sumipot!Ayaw ko kayang mapahiya tsaka..." A-ano?May ka-date na siya?Kailan pa? Nabaling ang atensyon ng dalawa sa tumutunog na cellphone ni Stella.Hindi nakita ni Angelo ang pangalang naka-flash sa screen sapagkat mabilis na sinagot ng dalagita ang tawag. "Omayygggaddd!!Kyaahhhhh!!!"kung kanina ay lugmok na lugmok itong si Stella,ngayon ay tila nabuhayan siya ng dugo. "Bakit anong nangyari?" "Sabi ni Patrick pumunta daw ako sa Garden ng School.Let's go!"hindi alam ni Angelo ngunit sumunod siya kay Stella kung saan man yun nagpunta. Tinakbo nila ang daan patungo sa nasabing lokasyon.Nang marating nila ang Garden ng School ay nagtaka silang dalawa. "Bakit ka pinapunta ng lalaking 'yon dito? At sino si Patrick? " "Hindi ko nga rin alam e.Akala ko pa naman nandito siya—" Napahinto si Stella sa pagsasalita ng biglang marinig niya na tumutunog ang paborito niyang kanta.Napahinto lamang si Angelo habang pinag-aaralan ang mga nangyayari. Maya-maya pa ay bigla silang nakarinig ng lalaking kumakanta.Kung kanina ay tanging tunog ng gitara lamang yung tumutunog,ngayon ay may mala-anghel na boses na ang sumasabay sa melodiya ng kanta. "P-Patrick?"napalingon si Angelo nang magsalita si Stella. Halata sa dalagita ang pinaghalong saya at kilig sa kanyang mukha.Napangiti na lamang ng mapait si Angelo. Nang umilaw ang malaking puno ng Garden ay lumitaw ang isang magandang pigura.Malinis ang pagkaka-ayos ng kulay kayumanggi niyang buhok at ang gwapo niyang tignan sa suot-suot na maroon tuxedo.May hawak-hawak siyang gitara at doon lamang napagtanto ni Stella ang lahat. Si Patrick ang kumakanta ng paborito niyang kanta kanina. Habang patuloy ang binata sa pagsta-strum ng kanyang gitara ay unti-unti siyang humahakbang papalapit kay Stella na ngayon ay nakatulala sakanya. Nang tuluyan ng makalapit si Patrick ay kinuha niya ang kamay ng dalagita at hinawakan ito ng mahigpit Hindi maiwasang makaramdam ng galit si Angelo para sa lalaking kaharap at kahawak-kamay ngayon ng babaeng mahal niya. "Surprise!"nakangiting sabi ni Patrick.Lumabas ang malalalim na dimples nito sakanyang pisngi na siyang dahilan kung bakit mas lumabas ang kagwapuhan ng binata. "A-anong ibig sabihin nito?" "Hindi mo gets?" "H-hindi." "Slow mo talaga kahit kailan..sa totoo niyan may gusto akong sabihin sa'yo. "Ano yun?" "Matagal na akong naghintay para sa pagkakataong ito.At dahil nangyayari na nga,hindi na ako magpapaligoy pa. Stella Collins.Sa totoo niyan matagal na anong may gusto sa'yo.Grade 7 pa lamang tayo ikaw na ang tinitibok nitong puso, ket schoolmates lang tayo .Ngunit nahihiya naman akong lumapit sa'yo at magpakilala.Tsaka alam ko din na may gusto ka kay Paul noon pa.Ano ba naman ang laban ng isang nerd sa isang gwapo at sikat na kagaya ni Paul diba?Kaya napagdesisyonan kong huwag muna at hihintayin ko na lamang na dumating ang tamang araw na makapag-confess ako sa'yo. Binago ko ang sarili ko para mapansin mo lang ako—ay mali.Ngayon ko lang pala binago ang aking itsura hehe. So ayun nga,gusto kita.Hindi nga lang yata pagkagusto ang nararamdaman ko ngayon e.Kasi mas lumalala ang tama ko sa'yo.I'm in love with you Stella.And sana matanggap mo rin ako jan sa puso mo. Eto na,kay tagal ko ng gustong itanong sa'yo 'to. Stella Collins na naging crush ko simula Grade 7,nakatayo ngayon sa harap mo si Patrick na nerd ngunit cute at nakahawak sa mga malalambot mong kamay.Can I court you?" Napahinto si Angelo.Hindi siya makapaniwalang naunahan siya.Siya kasi sana ang nasa posisyon ngayon ni Patrick e.Kaso anong nangyari sakanya ngayon?Nasa gilid lamang siya ng dalawa habang kitang-kita niya kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.Nanonood lamang siya habang ang dalawa ay may sariling mundo at tila hindi napansin ang kanyang presensya. "Oo naman!Adik,hindi ako makakatanggi sa'yo!Gusto rin kaya kita!" Ang mga salitang iyon ni Stella ang nagpabagsak kay Angelo.Nabitawan niya ang hawak-hawak na boquet kasama ang parihabang kahon na 'yon.Tila nawalan siya ng lakas sa mga pangyayaring iyon.Hindi niya napansin na nag-uunahan na pala sa pagbagsak ang kanina pang pinipigilan niyang mga luha. Tila nabasag ng maraming beses ang kanyang puso dahil sa sakit. Ako sana ang nasa posisyon niya e.Haha Ngayon tanggap ko na.Kahit anong gawin ko wala talaga akong pag-asa.Na hanggang kaibigan lang ang role ko sa buhay niya.Na kahit kailan ay hindi niya mapapansin ang nararamdaman ko para sakanya. Pfft.Sino bang nagsabi na palaging nauuwing panalo ang mga taong inlove sa bestfriend nila? Kung kailan napagdesisyonan ko ng ipaglaban siya,aagawin naman siya ng iba.Perfect timing nga naman talaga. Umalis si Angelo sakanyang kinalulugaran ng hindi man lang napapansin ng dalawa.Masakit man para sakanya na umalis na hindi kasama ang kanyang sinisinta.Ngunit wala naman siyang pinagsisihan basta ba't makita niya lang na masaya si Stella ay ayos lang sakanya. Ibabaon ko na lamang sa limot itong nararamdaman ko para sakanya at ipagpapatuloy ko na lamang ang pag ganap bilang 'bestfriend' sa buhay niya.Susupportahan ko siya sapagkat iyon lamang ang aking magagawa.Masakit man para sa'kin ngunit kailangan ko na siyang palayain. Nagmahal Nasaktan Kumain, Angelo nagfefeeling gwapo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD