LUCAS' POV “Rachelle, bring all the reports that I will need for the board meeting later. Make sure all data are accurate.” utos ko sa sekretarya ko. Ayokong mapahiya kay Mr. Manzano at sa bagong investor. Pinilit kong alamin kung sino ang bagong investor mula Mr. Manzano pero ayaw nitong sabihin muna sa akin. Lumabas si Rachelle at bumalik dala ang mga files na hinahanap ko. The meeting will start after an hour at kailangan kong mai-present sa investor na tatayong COO ang company profile ko. “Thanks, Rachelle. Huwag ka munang magpapapasok kahit sino. I’m busy.” Utos ko sa maganda kong secretary. Tiningnan ko ito habang papalabas. Hindi man nito sabihin ay halatang may itinatago ito sa akin. Nahuli ko sila ni Simoun isang beses sa isang restaurant na kumakain. Halata sa itsura nila na

