Aubrey's POV Nagising ako sa maingay na tunog ng alarm clock ko. Ayoko pa sana na bumangon dahil ramdam ko pa ang puyat pero kapag pumikit ako... siguradong magde-derecho ang tulog ko. Napilitan akong bumangon at maligo na. Matapos maligo ay nag-ayos na ako ng sarili at sinuot ang school uniform. Nag-powder at nagpahid ng manipis na lipgloss para matago ang pamumutla dahil sa puyat. Hinayaan ko na lang nakalugay ang aking buhok. Lumabas na ako ng maid’s quarter at tumungo ng kusina. Doon nadatnan ko si Lea na naghahanda ng sandwich. “Hi, Lea. Nasa dining na ba sila Nanay?” walang gana kong tanong dito. “Oo, sis,” tumingin ito sa akin. "Lea, anong gagawin ko?” tanong ko. "Gagawin na ano?” balik na tanong nito habang binabalot ang gawa nitong sandwich na sa palagay ko ay para sa ak

