Kung hindi lang sa nagwawala kong cellphone, baka nasuntok ko na si Kevin Garnett. Masyado na kasing mahalay ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. "B-bakit Clinton?" disoriented ko pang bungad sa tumatawag na kakambal. Tumalikod na rin ako kay Kevin Garnett dahil masyado ata siyang nagagandahan sa’kin at hindi man lang kumukurap habang nakatitig sa’kin. "Nasa school ka ba?" "Oo, bakit?" "T-tumawag ba sa’yo si Mommy o pinuntahan ka ba niya?" "Hindi. Bakit naman niya ako pupuntahan?" "Kasi--" "Kung sakali mang makita mo siya o makausap, pakisabi tigilan na niya ang pagtetext sa’kin. Wala namang kakwenta-kwenta ‘yung mga sinasabi niya. Kung pwede wag na niya akong guluhin." "Tinext ka niya?!" halos pasigaw na turan ni Clinton. "Kailan? Anong oras siya nagtext sa’yo? Sinabi niya

