006

2166 Words
Kabanata 6 S C A R L E T T Nag-ayos na ako at naghanda upang kunin yung mga gamit ko sa pinagtatrabahuhan ko. Nakapag-isip na kasi ako na tumigil muna sa pagtatrabaho duon dahil makakasama para kay baby ang magtrabaho sa isang lugar na tulad nuon na mausok at maingay. Baka magkagulo pa kung anong mangyari sa akin at sa baby ko. Kahit naman makasalanan akong babae di naman ako masamang tao 'no. Saka anak ko itong nasa loob ng tiyan ko kaya mahal ko ito. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama dito. Mahal na mahal ko kaya ito kahit hindi pa 'to buo at mas lalo ko pa siyang mamahalin sa pagdating ng mga araw. Sana lang lumabas siyang malusog. Sa itsura naman sigurado na akong maganda o gwapo 'to. S'yempre maganda ang nanay. Pogi pa ng Daddy. Matik na 'to! Pagdating sa bar ay naabutan ko pa si Philip na nakatambay duon. Mukhang walang trabaho 'tong isang 'to at natambay na dito. Hindi naman kasi yan madalas dito tumambay ng ganitong oras. "Oh ganda ang aga mo yata?" aniya pagkakita sa akin. Si Philip ang panganay na anak ni madam. Mula nang magtrabaho ako dito ay naging malapit na din ako sa mga anak ni madam lalo na dito kay Philip. Tatlong lalaki ang anak ni madam at lahat sila ay kaclose ko at para ko na ding mga kuya. Sila kasi ang madalas magtanggol sa akin kapag may mga gagong nang babastos sa akin dito sa bar. Mababait naman sila kaya mabilis ko silang nakagaanan ng loob. Ganda pa nga ang tawag nilang tatlo sa akin. Maganda naman kasi talaga ako. Hindi sa pagmamayabang pero iyon lang talaga ang katotohanan. "Kukunin ko lang ang mga gamit ko sa loob Phil. Si madam nand'yan na ba?" tanong ko habang nakangiti. Umiling siya. "Wala pa si mama may inaasikaso. Gusto mong tulungan na kita?" "Naku 'wag na! Kokonti lang naman ang mga gamit ko sa loob. Sige na Phil pasok na ako," sabi ko bago siya nilampasan. Tumango lamang ito at pumasok na ako sa loob ng bar upang kunin ang mga gamit ko ruon. Mahirap na baka nakawin pa ng bruhildang mga inggetera. May kwarto kasi kami sa loob at nanduon ang ibang mga gamit ko. Kadalasan ang mga gamit ko ruon ay ang mga ginagamit ko sa bar tulad ng make-up at kung ano-ano pang abubot sa katawan. Pagkakuha ko sa mga gamit ko ay nagprisinta pa si Phil na ihatid ako sa bahay. Pumayag naman na ako dahil medyo kailangan ko naman talaga ng katulong sa pagbibit ng mga gamit ko. Saka sayang din 'to makakalibre ako sa pamasahe. Kailangan kong magtipid lalo't hindi na ako makakapagtrabaho ulit. Sumakay ako sa motor niya at pinaandar naman na niya agad iyon. Madalas ding silang magkakapatid ang inuutusan ni madam na maghatid sa akin sa tinitirhan ko tuwing tapos ng trabaho ko. Ayaw daw niya kasi magtiwala sa kung sino-sino lang. Baka kung ano pa daw ang mangyari sa akin kung magco-commute ako ng gabi. Ganun na lang ang concern na ibinibigay sa akin ni Madam kaya ng para ko na rin siyang magulang e. Malayo pa lang kami sa bahay ko ay natanaw ko na ang bulto ng isang lalaking may makisig na pangangatawan. Agad nagsalubong ang mga kilay ko nang mapagtanto kung sino iyon. Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba itetext niya na lang ako kapag magpapa-DNA na kami pero bakit nandito nanaman siya ngayon? At bakit ang pogi pogi niya kahit nakatayo lang siya duon. Para siyang model sa itsura niya. Napakadaya talaga ng mundo. Pwede pa lang mangyari yun? Yung tatayo ka lang d'yan pero hindi mo alam nakakaakit ka na? Unfair ah! Huminto kami ni Phil sa tapat ng bahay ko. Agad akong bumaba sa motor niya upang harapin si Sander. Magkasalubong ang mga kilay nitong nakatingin kay Phil. Nagtataka siguro kung sino ang kasama ko. "Oh Sander may nakalimutan ka ba?" tanong ko sa kanya pero nanatili lamang ang kanyang mga mata kay Phil, para bang sinusuri itong maigi. Umarko tuloy ang kilay ko sandali. "Sino siya?" Mas lalong tumaas ang kilay ko sa tanong niya. At bakit naman niya tinatanong kung sino si Phil? Selos ba siya? Ay! Sabi ko na type din ako nitong si pogi e. "Ah si Philip nga pala kaibigan ko. Phil si Sander..." hindi ko alam kung anong ipapakilala ko kay Sander dahil nakakahiya namang ipakilala ko siya bilang tatay ng pinagbubuntis ko gayong wala naman kaming relasiyon na dalawa. Saka baka may makarinig pang chismosa. Pag-usapan nanaman ako. Okay lang naman sa aking pag-usapan nila kaya lang nakakairita na kasi yung pagtitinginan ka pa kada labas mo ng pamamahay mo. Jusko 'day! Daig ko pa ang super model kung pagtinginan nila. Minsan nga naiisip ko mag-artista na lang kaya ako. Total maganda naman ako. Palagi pang pinag-uusapan. "Philip pare." Inilahad ni Phil ang kamay niya kay Sander pero tinignan lamang ito ni Sander at bumaling na muli sa akin. Ayan nanaman yung masungit na side nya. Suplado talaga kahit kailan. Akala ko sa akin lang siya nagsusuplado. Buti na lang pogi siya. "Let's talk," malamig na sabi ni Sander. "Ah sige," sagot ko bago bumaling kay Phil. "Philip, thank you pala ah. Pakisabi kay madam tawagan ako pag 'di na siya busy. Thank you ulit!" "Sure." Kumaway pa si Phil bago niya pinaharurot muli ang motor niya palayo sa amin ni Sander. Mabuti na lang at mabait yung taong 'yon at pinalampas lang ang pagsusuplado sa kaniya ni Sander. "Pasok ka muna." Pumasok kami ni Sander sa bahay ko. Ano kayang kailangan nito at bumalik? May naiwan siguro siya. "Naiwan ko yung phone ko," aniya sa malamig pa rin na tono. "Ah ganun ba? Teka sandali titignan ko sa kwarto baka nanduon lang." Pumasok ako sa kwarto at hinagilap sa papag na hinigaan namin kanina ang phone niya. Hindi naman ako nabigong mahanap iyon. Agad ko siyang binalikan sa sala upang iabot ang kanyang phone na sinadya niya rito. "Ito oh," abot ko sa kanya. "Is he your boyfriend?" biglang tanong nito kaya naman bahagya akong natigilan sa pagkilos. Kumunot ang nuo ko. "Huh? Sino? Si Philip? Hindi ah. Kaibigan ko iyon. Anak siya ng boss ko sa trabaho," paliwanag ko. Biglang ngumisi si Sander kaya nagsalubong ang mga kilay ko sa kaniya. Anong problema nito? "Are you sure he's not your boyfriend? Sigurado ka ba na hindi siya ang ama ng dinadala mo? Dahil kapag nalaman kong niloloko mo ako 'di ako mag dadalawang isip na ipakulong kayo pareho," aniya nang may madilim na mga mata at seryosong tono. Napairap ako sa kawalan at napangisi. Ibang klase talaga. "Tingin mo talaga sa akin manloloko ano?" Tumawa pa ako kahit medyo naaasar na. "Gusto ko lang makasiguradong akin ang batang iyan," seryoso pa rin ang kanyang ekspresiyon. "Kaya nga pumayag akong magpa-DNA 'di ba? Para naman matahimik ka! Para hindi ka puro duda d'yan! Hirap kasi sa inyong mga mayayaman ang tingin niyo sa aming mga mahihirap puro pandurugas ang alam. Oo, inaamin ko. Nagtatrabaho ako sa bar pero di ako kagaya ng iniisip mo. Kung sa bagay bakit ka naman maniniwala sa akin eh nag tatrabaho nga ako sa bar di ba? Isa akong bayarang babae. Saka tinanggap ko nga yung binayad mo 'di ba? Pero 'wag kang mag-alala kapag lumabas sa test na hindi ikaw ang ama ng batang ito, ako na mismo ang pupunta ng prisinto at magpapakulong sa sarili ko para 'di ka na maabala. Nakakahiya naman sayo eh!" inis na inis na sabi ko. Nakakainis naman kasi talaga siya. Kung makapagsalita siya d'yan! Parang akala niya lahat ng mahihirap na tulad ko puro panloloko at panlalamang lang ang alam. Hindi niya muna hintayin yung resulta bago siya maggaganyan sa akin. Agad na nawala ang dilim sa mga mata niya pagkasabi ko nuon. "I'm sorry. Gusto ko lang makasiguro. Hindi madali para sa akin tanggapin ang lahat," aniya hindi na magawang tumingin sa akin. Umirap ulit ako. "Alam ko. Ako rin naman eh. Akala mo ba madali para sa aking tanggapin lahat ng 'to? Mawawalan ako ng hanap buhay dahil sa nangyari, tingin mo ginusto ko 'yun?" "I'm sorry. Wala na akong nasabing maganda tungkol sa'yo. I'm being an asshole again. Sorry..." Bumuntong hininga siya. "Buti alam mo." "Bukas na bukas din magpapaDNA testing na tayo. I'm sorry again, Scarlett. Sana maintindihan mo kung bakit ako nagkakaganito. Kapag nalaman ko ang resulta, babawi ako sa'yo." "Okay," tanging nasabi ko lang. Ewan nabadtrip na talaga ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Ang dali dali lang para sa kanyang husgahan ako dahil sa trabaho ko. Ewan kung bakit ako naaapektuhan sa panghuhusga niya samantalang pag-iba naman ang humuhusga sa akin halos wala lang naman akong pakialam. Nagpaalam na siya at lumabas na ng bahay ko. Hindi na ako nagmagandang loob na ihatid siya palabas ng iskinita dahil napipikon pa din ako sa pambibintang na sinabi niya sa akin kanina. Sino bang matutuwa sa ganuon di ba? Para naman kasing ginusto ko itong lahat ng nangyayari. Kinabukasan ay maaga niya akong sinundo para pumunta duon sa clinic kung saan kami magpapatest. Sandali lang naman tumagal yung test at nakaalis na kaagad kami. Isang linggo pa daw ang kailangang hintayin bago lumabas ang resulta ng test. Huminto muna kami sa isang restaurant upang kumain. Tahimik lang ako dahil hindi pa din nawawala sa isip ko yung mga masasakit na bintang niya sa akin kahapon. Matapos ko siyang patuluyin sa bahay ko at patulugin sa papag ko ganun ang igaganti niya sa akin. Siya na ang pinag-order ko para sa akin dahil wala nanaman akong maintindihan sa menu. Parang tanga naman kasi ang mga restaurant na ito, ayaw atang magpaorder. Kay hihirap bigkasin ng mga pagkain nila. "Look, I know you're still mad at me because of what I've said yesterday, so I want to say sorry about that. Will you forgive me?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi niyang iyon. Naintindihan ko naman yung sinabi niya kahit english iyon 'no! Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ang lambing lambing ng boses niya habang sinasabi niya yun kaya tuloy parang ang bilis nawala agad ang hinanakit ko sa kanya. Ginayuma yata ako ng taong ito e. "Okay. I do have a choice? Just do not doing it again because it really hurt." Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko. Naknampucha mukhang dispalinghado yata ang english ko. Para naman kasi akong gaga nagpakatrying hard pa talaga akong mag-english nakakahiya naman. "Oh sure. I won't say it again." "Okay thank you. Let's eat the food before it will cold." "Yeah sure," aniya at sinimulan ng kainin ang kanyang pagkain. "Oh the food is very yummy," komento ko at nginitian lamang ako ni Sander. Ayun tuloy napatulala nanaman ako sa kanya. Napaka gwapo niya kasi lalo na kapag ngumingiti siya ng ganun. Sana palagi na lang siyang ganito kabait sa akin. Yun nga lang baka mainlove naman ako ng husto kung palagi siyang ganito kabait sa akin. Hay Sander bakit ba napakagwapo mong nilalang? May mas gugwapo pa ba sayo? Mukhang wala na at mukhang tinamaan na nga talaga ako ng husto sa kanya. "Kung gusto mo pa magsabi ka lang." "Okay lang ba?" "Sure." Tumawag siya ng waiter at muling umorder ng isa pa ng pagkaing kinakain ko. "Kamusta na nga pala kayo nung girlfriend mo?" "We're fine." Lumawak ang ngiti niya nang maalala ang kanyang girlfriend. Sus! Mahal na mahal lang? Eh sino ba naman kasing lalaki ang hindi magkakagusto sa isang tulad nun? Napaka-diyosa tapos mukhang matalino pa. Hindi kagaya ko walang ka class class. Hays ang unfair talaga ng mundo. Buti pa si Cinderella isang gabing landian lang nakuha na agad niya ang prinsipe niya. Bakit ako? Pangalawang gabing landian namin ni Sander ang nakuha ko lang ay baby. "Mukhang mahal na mahal mo siya ah?" "I do," proud niyang sinabi. "Ang swerte naman niya may lalaking nagmamahal sa kanya ng sobra." "Kung alam mo lang. Mas swerte ako't akin siya." Ouch. Grabe naman tong si kuya napakamapanakit. "How about you?" "Ako? Wala akong jowa ha! Wala sa isip ko yun. Kailangan kong maghanap buhay para mabuhay ko ang sarili ko at wala pa sa isip ko yung mga jowa jowa na 'yan. Saka na kapag may maayos na akong trabaho para hindi naman ako ikahiya ng magiging jowa ko." "Bakit ka naman ikakahiya ng magiging boyfriend mo? You're pretty." "Yun na nga eh. Ganda lang ang meron ako. Kinapos na ako sa lahat ng bagay," tumatawang sabi ko. "How about Philip? Mukhang mabait naman siya." Mabait naman pala bakit sinusupladuhan mo kahapon? Ikaw talaga! "Si Philip?" Tumawa ako. "Kaibigan ko lang yun saka para ko ng kapatid yun," sabi ko habang ngumunguya. Hindi na siya nagsalita o nagtanong pa pagkatapos nun kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD