Kabanata 48 S C A R L E T T Tulad ng nakasanayan ko nang gawin ipinagluto ko ulit ng haponan si Sander. Hindi ko siya naipagluto ng almusal kaya gusto kong bumawi sa haponan kaya medyo dinamihan ko ang mga niluto ko. Nang matapos ako ay nagpahinga na lang muna ako sa salas. Medyo sumama kasi yung pakiramdam ko habang nagluluto. Ewan ko ba. Nitong mga nakakaraang araw parang ang bilis ko nang mapagod. Parang konting kilos ko lang ay pagod na ako. Ang sabi naman ni Madam normal lang daw ito. Naisipan kong tawagan na lang muna si Philip. Hindi kasi maganda ang mood noon kanina bago umalis baka kung ano nang nangyari dun. Kaya lang nakailang dial na ako sa number niya hindi naman niya sinasagot kaya sumuko na lang ako. Baka ayaw niya munang makipag-usap kahit kanino. Grabe din naman kasi y

