Kabanata 21 S C A R L E T T Maaga akong nagising kinabukasan dahil inatake nanaman ako ng pagduduwal. Dire-diretsiyong nagtungo ako sa banyo para sumuka. Habang sumusuka ay may naramdaman akong isang mainit na kamay na humahagod sa likod ko. Sumunod pala kaagad sa akin sa banyo si Sander. Siguro nagtaka siya kung bakit bigla na lang akong nagtatakbo sa banyo pagkagising. Hinahagod niya ang likod ko habang tuloy pa rin ako sa pagsusuka. Nang huminto ako sa pagsusuka ay nanghihinang napaupo ako sa tiles na sahig. Nahihilo ako at ang sama ng pakiramdam ko. Ang sakit din ng tiyan ko. Palagi ko itong nararamdaman tuwing umaga pero mas matindi itong ngayon. Sobrang sama talaga ng pakiramdam ko at nanghihina pa ako. "Are you okay?" Bakas sa boses ni Sander ang pag-aalala. Nanghihinang tinangu

