Kabanata 64 P H I L I P "Bakit ba kailangang ako pa talaga ang sumama sa'yo dito?" nakakunot ang nuong tanong ko kay Mutya. Nakasunod lamang ako sa likod niya habang namimili siya ng kung ano-anong mga gamit para sa baby. "Si Will naman ang nagsabi na sa'yo ako magpasama," aniya habang nakataas ang isang kilay sa akin. Napailing na lang ako. Ang gagong yun ginawa pa akong chaperone ng asawa niya. "Bakit ako?" "Malamang. Ikaw lang naman ang palaging libre sa inyong magkakapatid. Ayaw mo pa kasing mag-asawa nang may pagka-abalahan ka naman." "Ang sabihin mo ayaw ka lang niyang ipaubaya kay Edward," natatawang sabi ko. "Oh, shut up!" Umirap siya at sinimangutan ako. "Hanggang ngayon takot pa rin siyang maagaw ka ni Edward sa kanya?" Humalakhak ako nang makitang napipikon na siya. Sin

