Kabanata 37 S C A R L E T T "A-Ano namang itatanong ko sa'yo?" nanginig pa ako sa unang salita. "Kahit ano. Ikaw ang bahala," aniya na para bang wala lang sa kanya ang lahat ng ito habang ako dito ay naghuhuramentado na ang puso. Kung sabagay ako lang naman itong baliw na baliw sa kanya habang siya may ibang kinababaliwan. Hindi ko napigilang makaramdam ng kirot sa dibdib nang maisip iyon. Ang hirap pala talagang magmahal ng taong may mahal na iba. Masakit. "Wala akong maisip na itanong sa'yo," sabi ko kahit sa totoo lang gustong gusto kong tanongin siya tungkol sa naging araw niya. Pero bakit ko naman siya tatanongin ng ganoon di ba? Hindi naman ako ang girlfriend niya para magtanong ng mga ganoong bagay tungkol sa kanya. Natahimik siya sandali bago muling magsalita. "Scarlett..." un

