Kabanata 12 S C A R L E T T Bumuntong hininga ako bago ko sinimulang sabihin sa kaniya ang sitwasiyon ko ngayon. Matapos kong makwento sa kaniya ang lahat ay sandali siyang natigilan na para bang hindi niya nakuhanang sinabi ko at pinoproseso pa niyang maig ang mga ito at nang maintindihan niya ang sinabi ko ay agad siyang napasigaw sa gulat. "Ano?!" gulantang niyang sambit at halos hindi makapaniwala ang hitsura. "Si Sander Castillo? Sigurado ka ba diyan Sabrina? Wala kayong relasiyon pero nabuntis ka niya at binabahay ka na niya ngayon? Pinagloloko mo ba ako? You must be kidding me! No way! Hindi ako naniniwala. Wag mo nga akong pinaglololoko d'yan!" "Hindi ako nag bibiro," sambit ko. "Sabrina tigilan mo nga ako. Alam kong patay na patay ka dun sa taong yun pero wag ka namang ganit

