Chapter 2

1688 Words
Kasalukuyan pinupulut ng estudyante ang kanyang mga libro na nahulog na pinanunuod lang siya ng mga estudyante sa campus nag biglang dumating ang isang guro. "Bakit na naman?, Anong nangyayari dito." ang seryosong tanong ng guro sa karamihan ng mapansin ng guro ang pagkukumpulan ng mga estudyante. "Kasi titigil na sa pag aaral si leo." sabi ni Liza ng nakalapit na sa guro. "Titigil?, Ako ang teacher niya! Pinayagan ko ba siyang tumigil sa pag aaral niya." galit na sabi ng guro sa mga estudyante "Leo." tawag ng guro sa estudyante ngunit mabilis na lumapit si karen upang pigilan ang guro. "Ah sir, dahil kay young master steven kung bakit titigil na siya." ang sabi ni karen sa guro na naka palupot na ang kamay ni karen sa braso ng guro "Isang Kalokohan!, Hindi na nawawalan ng blackship ang eskwelahan." galit na pahayag ng guro kaya't muling tinawag ng guro ang estudyante. "Leo." tawag muli ng guro sa estudyante at naglakad papalapit dito na ikinalingon ng estudyante sa guro. "Leo sana magpakabait kana." sabi ng guro sa binata kaya't napangisi at nainis nalang si Lucy sa narinig na tinuran ng guro. "Pagkatapos nito dapat matino kana, Ingat." ang patuloy pang tinuran ng guro sabay kaway nito sa estudyante ng ito'y paalis na. "Pasok na." bulyaw ng guro sa mga estudyante at pumasok narin ito sa classroom. At may isinulat ang guro sa blackboard at nagsimula ng magturo. "Conscience, yan ang tinatawag na moral courage. Yan ang pamantayan ng pagkatao. Dito sa bansang China. Walang iba kundi si Confucius. Pag aaralan ang buod ng kanyang ideya. Ang pinaka buod ni confucius ay ang benevolence para matuklasan ang sariling ugali at ganoon din ang pag uugali ng iba. Upang maging prominente." napahinto sa pagtuturo ang guro dahil sa biglang paghampas ni lucy sa kanyang lamesa at sabay tumayo dahil hindi na maatim ni lucy ang mga pinagsasabi ng guro dahil sa nasaksihan niya kanina sa labas habang kausap ang estudyanteng tumigil sa pag aaral. "Bakit Lucy may problema ba?" takang tanong ng guro. "Pupunta ako sa CR." pagalit na sabi ni lucy at sabay lakad palabas. "Mag babanyo., Meron akong tissue paper." pag alok pa ng guro na hindi man lang pinansin ni lucy at tuluyan ng lumabas ng classroom at patakbong tumungo sa rooftop at hingal na hingal na nakarating si lucy sa rooftop at inis na inis. "Anong klaseng mga guro ang meron ang eskwelahang ito. Pwedeng patigilin ang estudyante kapag napag initan siya at siya pa ang magiging blackship at nakuha pang mag turo tungkol sa konsensya." pasigaw at inis na sabi ni lucy habang nasa rooftop at hingal na hingal parin. "Isang malaking kalokohan ang lahat ng ito! Wala ng matino sa kolehiyong ito! walang paninindigan! Mga takot at walang paki-alam lalu na ang grupo ng young master na yan. Sila ang mga walang puso., Pang aabuso sa karapatan at pang aapi sa kapwa. Kayo nga ang mga mayayaman na nagpapatakbo sa eskwelahan. Eh ano ngayon." sunod sunod na sigaw ni lucy at galit na galit sa nangyayri sa eskwelahan. "Huwag lang nila akong aapihin, hinding hindi ko kayo uurungan." pabulong na sabi ni lucy ng ito'y kumalma "Hindi kuna natulungan si leo." malungkot pang sabi ni lucy at nag buntung hininga nalamang at umalis na sa rooftop. Nagkukwentuhan habang naglalakad si lucy at gemma at magkabilaang hawak nila ang isang malaking basket na may mga laman na bola. "Lucy may assignment kana ba." mahinhin na tanong ni gemma. "Gagawin ko nalang mamaya." maikling sagot ni lucy "Bakit naman?" takang tanong naman ni gemma. "Magtatrabaho kasi ako." sagot ni lucy at ang pagtango naman ni gemma. ilang saglit pa silang naglalakad ng bigla silang napahinto ng makita nila ang grupo ni young master. At biglang napasigaw si gemma at lucy ng may gumulong na isang can softdrinks patungo sa paanan ni lucy kasabay ng pagbagsak ng guro sa sahig at hindi sinasadyang natamaan ng guro si young master. Nang nag angat ng ulo ang guro at nakita kung sino ang kanyang natamaan ang bigla nitong pagkagulat at pagkatakot na biglang tumayo ng mabilis ang guro. "Paumanhin., Ah pasensya na hindi ko nakita." takot na takot at nanginginig na sabi ng guro kay young master. "Binangga niyo ako., Kapag ba may nabangga kang estudyante hihingi po ba kayo ng paumanhin sir?" seryosong tanong ni young master. "O'oo''opo." nauutal at takot na takot na sagot ng guro at itinaas ng guro ang kanyang Kamay upang punasan ang pawis ni young master sa mukha gamit ang kanyang suit na suot. "Sir tinatapakan niyo ako." seryosong sabi ni young master sa sobrang lapit ng guro sa kanya ay hindi sinasadya ng guro na maapakan ang mamahalin nitong sapatos kaya't nataranta ang guro at lumuhod sa paanan ni young master. "Ipag-paumanhin niyo., Hayaan mo lilinisan ko ang sapatos niyo." tarantang sabi ng guro na nanginginig parin sa takot habang nakadapa na sa paanan ni young master at sabay punas nito sa sapatos na kanyang nadumihan. "Alam mo kung may nagagawa ang paumanhin ano pa ang silbi ng mga alintuntunin." seryosong pahayag ni young master na ikinatayo naman ng guro. "Alam ko naman na ako talaga ang blackship sa eskwelahan., Simula bukas hindi niyo na ako makikita." malungkot at mahinahon na tinuran ng guro na nakayuko. "Sir ang mabuti pa." hindi na natapos ni young master ang kanyang sasabihin dahil napabalikwas ng takbo ang guro dahil sa sobrang takot at panginginig ng kanyang nararamdaman at nadapa ang guro sa harapan nila lucy ay gemma dahilan ng pagkatumba ng basket na hawak hawak nila lucy. Nagkatinginan na lang ang grupo ni young master dahil sa ginawang pagtakbo ng guro at muli nitong pagkadapa at nagsimula ng lumakad ang grupo ni young master. At nang naka harang ang basket sa daraanan ni young master ay walang sabing sinipa niya ito palayo. "Sir wala lang kayo sa inyong sarili." sabi ng isang kasamahan ni young master. "Baka may sakit ang tao., Mataas ang lagnat." sabat pa ng isa nilang kasamahan. "Masyadong nerbyoso." seryosong sabi ni young master habang patuloy sila sa paglakad paalis sa kinaroonan ng guro at sina lucy at gemma. "Paano kaya nila nagagawang sirain ang kagandahan ng eskwelahan., Hindi ako maka-paniwala talagang mga arogante." inis na turan ni lucy sa kanyang isipan ngunit napukaw ang kanyang atensyon sa isang binata na kasamahan nila young master na inayus ang basket na naka tumba at biglang napatingin ang binata kay lucy at nang magtama ang kanilang mga mata unang nag iwas ng tingin si lucy. "Zeus anong ginagawa mo?, Tayo na." sigaw na paanyaya ng isa sakanilang kasamahan kaya't sumunod narin si Zeus sa kanilang grupo. Palihim naman pinapanuod ni lucy ang binata habang ito ay papalayo sa kanilang kinaroroonan. "Sumosobra na talaga ang grupo ng young master na yan." sabi ng matalik na kaibigan ni Lucy na si sofie nang nasa duty na sila sa trabaho sa isang Cake shop. "Totoo ang sinabi mo. Lalu na yung leader nila na si young master na bumastos sa professor namin., Talagang nakaka inis., Sana makita mo ang kanilang kabastusan." masungit na sabi ni lucy na naiinis parin hanggang ngayon. "Gusto ko talagang makita ang grupo ni young master." nakangiti at kinikilig na sabi ni sofie habang hawak hawak niya ang isang kahon ng cake box. "Sofie tumigil ka nga diyan." inis na sambit ni lucy sa kanyang kaibigan ng nakita niya itong kinikilig pa. "Ano ba mas marami pang halang ang kaluluwa kaysa sakanila." pangungumbinsi pa nito kay lucy. "Oo na sabihin na natin na ganoon na nga., Pero sa school namin parang bilangguan, impyerno! dahil pinamumunuhan ng mayayaman na pamilya. Tinuturuan para pumalit sa kanilang posisyon at upang magawa anumang gustuhin nilang gawin at walang pwedeng makapigil sa kanila., Tigilan na nga natin ang usapan na ito." mahabang pahayag ni lucy na naiinis na ng sobra. "Ah mag kwento kapa., Sige na naman lucy." pahabol na sabi ni sofie sa kanyang kaibigan. "Ah ayoko na." masungit na turan ni lucy. "Sige na." pagpupumilit ni sofie at sunod ng sunod ito kung saan pumupunta si lucy "Ayoko na nga." seryosong sagot naman ni lucy. "Totoo bang ganoon na sila kasamang tao." takang tanong ni sofie. Napa pikit mata at napa hinto sa inaayos ni lucy nang marinig ang tanong ng kanyang kaibigan. "Meron isang kaka-iba ang ugali sa kanilang magkaka grupo., Mabuti nalang may naiba sa kanila." mahinahon na pahayag ni lucy at sabay kuha sa kanyang inaayos na cup cake at inilagay na sa box. "Uyyyy lucy, Sapalagay ko intirisado ka sa isa sa kanila, tama ba?" naka ngiting tanong ni sofie na excited na nag aantay ng kasagutan. "Hindi ah. Wala pa yan sa aking isipan, nakapag pasya na ako sa loob ng apat na taon dapat utak muna ang gagamitin. Maging maingat, kapag walang kinalaman sa akin hindi ko muna papansinin. Kaka iba ako sa kanila. Kung hindi lang dahil kay mama hindi ako papasok sa eskwelahan na iyon." mahabang pahayag ni lucy habang nag aayos ng ribbon sa box. "Lucy malaki ang pinag bago mo mula ng nag aral ka roon. Natatandaan mo pa ba noong nasa high school pa tayo? Yung matabang lalaking nag bastos sa akin.. aahm... Nakalimutan ko na ang pangalan niya. Tinuruan mo siya ng leksyon at sapalagay ko natuto naman siya. hindi na nga siya bumalik at wala ng nagbabastos sa akin simula ng gawin mo iyon. Natakot na silang lumapit sa akin." masayang pinaalala ni sofie ang kanilang nakaraan sa high school "Hindi ko alam pero malaki ang pinag bago mo,. Hindi na ikaw ang dating si lucy." malungkot na turan ni sofie na humarap kay lucy. Natahimik naman si lucy sa mahabang pahayag ng kanyang kaibigan at ipinatong ang dalawang kamay nito sa salamin na lagayan ng mga cake "Kung alam mo lang kinamumuhian ko ang aking sarili, nagtatago sa anino ng kaluwagan at nagpapanggap araw araw ni hindi ko man lang natulungan si leo, sumusunod lang ako sa hagos ng panahon, hinahayaang lumipas ang panahon hindi dapat ako magka ganoon." sabi niya sa kanyang isip at malamin na napa buntung hininga nalamang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD