Chapter 8

1616 Words
Kinabukasan, maagang pumasok si lucy sa eskwelahan habang ito'y naglalakad sa loob ng campus at palinga-linga sa kanyang paligid na hindi mapalagay sa kanyang nararamdaman. "Hindi maganda ang nararamdaman ko, paranoid naba ako. Parang sa akin ata nakatingin ang lahat." ang sabi ni lucy sa kanyang sarili na nagmamatyang sa mga tao sa loob ng campus. At tumuloy na ito sa paglalakad patungo sa classroom. At ng tuluyan ng narating ni lucy ang harapan ng classroom nila bigla itong napahinto dahil may naririnig siyang mga bulungan sa loob ng silid at ilang segundo lang napagpasyahan na niyang pumasok ng tuluyan sa loob ng silid. "Iba talaga ang culture ng mga lower class hindi mo sila pwedeng isama sa mga upper class, ang lakas naman ng luob niya, sinabi mupa,." mga naririnig na bulung bulungan na sabi ng kanyang mga kaklase. "Nagpaparinig na naman." ang sabi ni lucy sa kanyang isipan at naupo na ito sa kanyang pwesto na napatingin ito sa blackboard at nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita nitong nakasulat at mabilis itong lumapit sa harapan ng blackboard at tinitigan ng malapitan ang naka sulat doon at galit itong humarap sa mga kaklase niya at sabay na tumakbo palabas ng silid. Nakita ni gemma na galit na tumakbo si lucy pabalas ng silid kaya't hinabol niya ito. "Lucy." tawag ni gemma upang pigilan si lucy sa kanyang pagsugod. "Diyan ka lang." matigas na sabi ni lucy at muli na itong tumakbo at tuluyan ng nakalayo sa classroom at inis na hinanap ang grupo ni steven kaya't wala ng nasabi si gemma at muli na itong bumalik sa loob ng silid. Kasalukuyang magkakasama si steven,lenard,diego at zeus sa loob ng campus na may lambitin sa kanilang pwesto at kasalukayang nagwowork out si diego at ang dalawa na si steven at si zeus naman nakaupo sa taas ng lambitin at si lenard nakatayo na nakasandal. "Sobra kang pasikat ngayon ha." matigas na pagkasabi ni steven kay diego habang nagwowork out si diego. "Si lenard lang ang hindi maaaring makagawa niyan." patuloy pang sabi ni steven. "Sino nagsabing hindi ko kaya? Naisip ko lang walang kwenta aksaya sa panahon nakakabagot." ang seryosong pagkasabi ni lenard at sabay hinagis ang isang can softdrink kay steven. "Zeus, ano na?" ang maikling tanong ni steven kay zeus. "Anong problema." takang tanong naman ni Zeus. "Ano na ang gagawin natin? Ano ba?" ang seryosong tanong nito sa mga kaibigan. "Hindi ko alam." maikling sagot ni zeus. "Ano bang iniisip mo?" takang tanong ni steven kay zeus. "Diego." tawag ni steven kay diego at huminto naman si diego sa kanyang pag woworkout. "Ang sabi ko sa iyo hindi mo siya kaya, aminin mo na. Talo kana." pang iinis na sabi ni diego kay steven at tumawa. "Huwag niyong kalimutan ang parte ko." pang iinis din na sabi ni lenard ng naka ngisi. "Hindi pustahan ang usapan dito, reputasyon natin ang nakataya dito." seryosong sabi ni steven sa kanyang mga kaibigan. "Steven, anong ginagawa mo." sigaw at galit na sabi ni lucy habang patakbo itong patungo sa kinaroroonan ni steven at nang nasa harapan na siya tumingala si lucy dahil nasa taas si steven na simpleng naka upo sa sambitin. "Bastos bumaba ka diyan hindi totoo ang mga sinulat mo sa akin hindi ako nagpa abort virgin pa ako." sunod sunod na galit na sigaw ni lucy sa harapan ni steven habang pinipilit niya itong pinapababa sa lambitin. Ngunit hindi bumaba si steven at tumatawa lang ito sa itaas at ang mga kaibigan niya dahil sa mga pinag sasabi ni lucy kaya't nainis si lucy ng hindi bumaba si steven kaya't naibuntong niya ang galit kay diego at sinipa niya ito ng malakas sa paa na ikina daing nito sa sakit na naramdaman at sabay tumakbo paalis si lucy. "Nagpunta lang siya rito para sabihin na virgin pa siya?" naka ngising tanong ni steven na hindi parin ito makapaniwala at sabay siyang napatawa at ang mga kaibigan nito. "Kung ano na naman ang iniisip mo." naka ngiting sabi ni lenard at umiiling iling pa ito na tumalikod sa mga kaibigan nito at umalis na. Pagkadating ni lucy sa classroom dahan dahan siyang pumasok sa loob ng silid ng makita niya si karen at liza na nasa harapan ng blackboard at nagkukunwaring nagbubura sa nakasulat sa blackboard ng silid. "Paano mo naman nagawa iyon?" tanong ni karen kay liza. "Sobra na naman ang takbo ng isip mo." ang sabi naman ni liza kay karen. "Pumili siya ng kalaban niya ako pa." mataray na sabi naman ni karen. "Makapal ang mukha niya kapag nagpakita pa siya." ang sabi pa ni liza at sabay ang dalawa na napalingon kay lucy na kadarating lamang na. "O lucy." sabay sabi ng dalawa ng naka harap na sila kay lucy at itinigil ang ginagawang pagbubura sa blackboard. "Ah kasi nagulat lang ako kaninang umaga ng makita ko ang nakasulat sa blackboard pagpasok ko ng classroom." maangmaangan na sabi ni liza kay lucy. "Oo nga, alam mo naman mga babae tayo, hindi ko mapapatawad kung sino man ang gumawa doon, kapag sa akin nangyari iyon." hindi na natapos ni karen ang gusto niyang sabihin kay lucy ng biglang sumabat si liza. "Hmmm, Hindi ka naman kasing tapang ni lucy l, hindi mo ba naisip na ang katapangan na katangian niya bilang babae." kaplastikan na sabi ni liza kay lucy. "Oo nga naman lucy, naniniwala naman kami na hindi mo magagawa iyon diba?" maangmaangan pang tanong ni karen kay lucy at tumango naman si lucy sa dalawa kaya't gumaan ang kalooban ni lucy sa mga kaplastikan na ipinakita ng dalawa sa kanya. Hapon na ng naglalakad si lucy na kasama ngayon ang dalawa sa loob ng campus habang nagkukwentuhan. "Diba doon ang daan papunta sa school Cafeteria at dito ka pala dumadaan lucy." turo ni karen sa daan. "At doon naman ako madalas na naka park." turo naman ni lucy sa kabilang daan na lagi niyang pinagpaparkingan ng kanyang motoraiklo. "Ah ganoon ba." maikling sabi ni karen. "Hindi ba't doon ang parking area mo." takang tanong ni lucy kay liza sa kanilang likuran. "Okey lang iyon malapit lang naman ang lalakarin at isa pa magkaibigan na tayo diba?" ang tanong naman ni liza kay lucy. "At nag uusap na tayo diba?" sabat pa ni karen na naka ngiting tanong niya kay lucy at tumango naman ito. "Syanga pala may party kaming pupuntahan bukas kung wala kang gagawin sumama ka nalang sa amin." pag anyaya ni liza kay lucy. "Hindi, huwag nalang, wala akong bagong damit na maisusuot." mabilis na tanggi ni lucy sa alok ni liza sa kanya. "Okey lang, hindi naman formal ang party iyon kahit cowgirl lang ang outfit mo." maarting sabi pa ni liza. "Sige na five thousand lang naman ang ticket ." pangungulit pang sabi ni karen kay lucy na ikinagulat ang presyo. "five thousand? Huwag na wala akong pera ." gulat na gulat na pagkasabi ni lucy at mabilis na tumanggi. "Ah lucy sige na sumama kana sa amin okey lang ako ang magbabayad hindi naman problema iyon." mabilis na habol ni karen kay lucy ang pangungulit pang alok niya rito. "Pero." maikling sabi ni lucy. "Okey ba kung ganoon, o sige bukas two pm, tandaan mo cowgirl outfit at huwag mong kakalimutan ang scarft okey? Tommorow." makulit pang sabi ni karen kay lucy. Nasa trabaho na si lucy sa Cake shop at kasama nito ang kanyang matalik na kaibigan. "Lucy, talaga bang sasama ka sa party? Ang narinig ko gagawin sa isang napaka gandang private club, kakaiba talaga ang mga estudyante na iyon." manghang sabi ni sofie kay lucy. "Ikaw lang naman ang kakaiba, hindi naman ako nagbago limang libo ang bayad sa ticket. kalahati lang iyon sa kinikita ko sa loob ng isang buwan, sa totoo lang hindi naman ako nababagay sa kanila." mahabang pahayag ni lucy sa kanyang matalik na kaibigan at ipinagpatuloy nito ang kanyang pag mamap ng sahig sa cake shop. "Sa palagay ko lang nakikipag kaibigan lang naman sila sayo diba? Diba sila nga ang magbabayad ng ticket mo? Alam mo sa tingin ko seryoso naman sila, sige na sumama kana." pangungulit na sabi ni sofie kay lucy at tumigil ito sa kanyang ginagawa at nag isip isip siya saglit at tumungo ito sa lababo ng cake shop at naghugas na ng kamay. "Iniisip ko masyado lamang siguro akong kritikal sa mga mayayaman, pero alam ko hindi ko sila mapapantayan sa materyal na bagay, pero pwede naman siguro kami maging magkaibigan diba? Siguro sa spiritual level." mahabang pahayag ni lucy at tahimik na itong nag iisip na nakatingin sa pader ng cake shop at ang pagdating ni Zeus at diego sa labas ng cake shop. "Ayon O, Ano bang bibilhin mo kasi." ang sabi ni diego kay zeus na tinuro ang isang cake. Napatingin naman si sofie sa labas ng cake shop at nakita niya na may dalawang lalaki na nasa labas at sumisilip sa mga cake. Kinikilig na tinawag ni sofie si lucy na tahimik na nag iisip at itinuro ang labas. "Tignan mo,tignan mo mga cute sa labas." kinikilig na pagkasabi ni sofie kay lucy. Nang makita ni lucy kung sino ang nasa labas tahimik niya itong pinagmamasdan ng mabuti at ang dalawang lalaki na nasa labas nakatuon parin ang kanilang mata sa pagtingin ng cake. "Ano bang hinahanap mo? Ano ba talaga ang tinitignan mo wuyy? May bibilhin kaba?" sunod sunod na mga katanungan ni diego kay zeus na nakatuon parin ito sa isang cake at tuluyan na silang pumasok sa loob ng cake shop at hindi nawawala ang tingin ni zeus sa kanyang tinitignan hanggang sa tuluyan na silang maka pasok sa loob ng cake shop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD