Chapter 6

1765 Words
Pagkadating ni lucy sa eskwelahan una niyang hinanap ang grupo ni steven at nakita niya ang mga ito na masayang nagkukwentuhan habang naka upo sa canteen ng campus at mabilis siyang nagtungo sa kanilang kinaroroonan. "Hoy mga halimaw." agaw pansin ni lucy sa magkakaibigan ng tuluyan na siyang makalapit sa kanilang kinaroroonan kaya't natahimik sila sa kanilang kwentuhan at napabaling silang lahat kay lucy. "Tandaan ninyo hindi ako takot sa inyo. Simula ngayon magkaaway na tayo." ang matapang na pagkasabi niya at sabay dinikit ni lucy ang card letter sa nuo ni steven na galing sa kanya at mabilis na umalis. "Aba, unang pagkakataon na hinamon tayo ng babae." naka ngiting sabi ni diego na kaibigan ni steven. "Patingin nga." mabilis na hinablot ni lenard ang card sa nuo ni steven at kinuha din ni diego ang card na hawak ni lenard. "Ang pangit ng sulat." naka ngising sabi ni diego ng tinignan ang nakasulat sa card na galing kay steven at si steven naman sinundan lang ng tingin si lucy na papalayo sa kanila na tulala pa ito sa ginawa ni lucy. Hapon na ng nasa isang kilalang exclusive bar ang matalik na magkakaibigan na si steven,diego at ang pagdating naman ni lenard. "Sorry late ako." maikling sabi ni lenard ng nakarating na sa kanilang paboritong pwesto sa bar at umupo na ito. "Okey lang iyon, sanay na kami." ang seryosong sagot ni diego at tumitingin tingin pa sa tabi ni lenard. "Oh, wala kang kasama? Nasaan ang girlfriend mo." takang tanong ni diego sa kanyang kaibigan sabay inum sa kanyang wine. "May taning ang mga babae, isang linggo lang." seryosong sabi ni lenard at kinuha ang wine glass at nagsalin na ito ng wine. "At naka isang linggo na?" nakangising tanong pa ni diego. "Lenard, nasaan si Zeus." takang tanong ni steven. "Tinawagan ko siya bago ako umalis, natutulog pa raw. Alam mo hindi ko alam kung bakit siya napupuyat ." seryosong sagot ni lenard. "Sawa na ako sa mga ginagawa ko nababagot tuloy ang buhay ko." mahinahon na sabi ni steven habang hawak hawak nito ang kanyang wine at pinapa ikot ikot pa ang laman nito. Sa narinig ng dalawang kaibigan ni steven bigla silang nagulat at sabay napatingin sa kanya at nagtataka. "Ahhhhh, nababagot kana?" takang tanong ni lenard "Nababagot, lagi nalamang happenings. Tapos na ako patay na." ang sabi ni steven sa mga kaibigan nito habang patuloy silang umiinom ng wine. "Wala nabang challenge." nakangising tanong lamang ni lenard at mabilis na nilagok ang kanyang wine. "Ahh, nakakabagot parin." maikling sabi ni steven. "Tumigil ka nga." sabay sabi ng dalawang kaibigan ni steven na tumawa pa. "Sa reaksyon ng mukha ninyo pinapatigil niyo na ako." makulit pang sabi ni steven sa dalawa. "Bahala kana anumang isipin mo." seryosong sabi ni diego. "Pero sa totoo lang hindi na ako masaya sa ginagawa natin, nakaka tamad na." reklamo pa ni steven. "Talaga? Pero itong si lucy diba't hastang tigasin, talagang lumalaban siya na kahit sa ating professor. Ibang klase, hanggang ngayon wala pa ako nakikitang mas interesante maliban sa kanya." mahabang pahayag ni lenard na ikinatango ni diego. "Para sa akin okey lang naman si lucy, Matagal na natin siyang inaasar pero hindi siya sumusuko tulad siya ng kapatid mo hindi mo rin siya mahawakan." malaking ngiting sabi ni diego kay steven. "Ano kaba, Anong hindi mahawakan." inis na sabi ni steven kay diego "Pustahan tayo." mapanghamon pang tanong ni diego kay steven. "O sige, magpustahan tayo." mabilis na tinanggap ni steven ang hamon ng kanyang kaibigan. "Palagay ko panalo si diego." pang aasar pang sabi ni lenard kay steven na ikinatango ni diego. "Tignan natin." hamon pa ni steven at nagsalin na ito ng kanyang wine at mabilis niya itong nilagok. Tahimik na naglalakad si lucy patungo sa pinag parkingan nito at laking gulat niya ng makita ang kanyang motorsiklo na puno ng kadena na nakabalot at naka lock pa ito sa malaking poste ng bakal ang kanyang motorsiklo kaya't napa buntung hininga siya ng ilang ulit na lumapit sa kanyang motorsiklo. Kasalukuyang pinupukpok ni lucy ang kadena gamit ang katamtaman na laki ng bato at galit na galit siya sa ginawa ng grupo ni steven. "Talagang wala na silang magawa sa kanilang mga buhay." galit na galit na sabi nito habang patuloy sa pagpukpok sa kadena ng biglang may dalawang lalaki na lumapit sa kanyang kinaroroonan. "Kailangan mo ba ng tulong." sabi ng isang lalaking lumapit sa kanya kaya't napahinto ito sa pagpukpok at napatingin sa nagsalita at mabilis itong tumayo. "Aba Oo salamat." mabilis na sagot nito at matamis na ngumiti sa dalawang lalaki. "Walang anuman, kami nga dapat ang magpasalamat dahil sa sulat mo sa amin." nakangiting sabi ng lalaki. "Sulat? Anong sulat?" takang tanong ni lucy sa dalawa. "Huwag kanang mahiya, ako nga sinulatan murin, heto." ang sabi ng isang lalaki at ipinakita ng lalaki ang isang piraso ng papel na nakatupi at may laman na sulat. "Anong sulat yan?" takang tanong ni lucy sa lalaki. "Sabi mo sa sulat inapi ka ng grupo ni steven at kung sino man ang tutulong sayo gagawin mo kahit na ano." mahabang pahayag ng lalaki sa tanong ni lucy. "Hindi ko sulat yan." mabilis na pagtanggi ni lucy sa sinabi ng lalaki. "Huwag kanang magka-ila na hindi mo alam, handa naman kaming tumulong sayo, pwede na siguro ang tag iisang halik bilang ganti mo." patuloy pang pahayag ng lalaki. "Tumigil ka nga, bastos." mabilis na sabi ni lucy sa lalaki. "Laro lang naman ito." sabi ng isang lalaki at hinawakan ang kamay ni lucy kaya't mabilis na nagpumiglas si lucy sa pagkakahawak ng lalaki sa kanya. "Ano ba, tigilan niyo nga akong dalawa ahhhhhh." sabay takbo ni lucy pagkatapos niyang sabihin iyon. "Saan ka pupunta, pumunta ka rito." sigaw ng lalaki at hinabol na si lucy kasama ang isa nitong kasama. "Tuloooonnnnggggg." sigaw ni lucy habang tumatakbo. "Tumigil ka." sigaw ng lalaki habang patuloy na hinahabol si lucy. "Saklolo, saklolo, Tulungan niyo ako." Sunod sunod na sigaw ni lucy habang tumatakbo ngunit bigla siyang nahablot ng isang lalaki na humahabol sa kanya kaya't nagpupumiglas si lucy "Ahhhhhhh tulungan niyo ako." patuloy na sigaw ni lucy at dahil sa pagpupumiglas niya natumba ito sa sahig kaya't na corner na siya ng dalawang lalaking humahabol sa kanya habang naka higa na ito sa sahig. "Ano ba tigilan niyo akong dalawa ahhhh tigilan niyo ako, tuloooong." patuloy na sigaw ni lucy. "Sige na, pagbigyan mo na kmi sige na." ang sabi ng dalawang lalaki habang nakahawak kay lucy ng may biglang dumating sa kanilang likuran habang patuloy na sumisigaw at nagpupumiglas si lucy sa pagkahawak ng dalawang lalaki sa kanya "Ano ba, bitawan niyo siya." baritonong boses ang kanilang narinig kaya't napatingin ang dalawang lalaki sa kanilang likuran at gulat silang nakita si Zeus at nakaramdam sila ng takot. "Inutusan lang kami ni steven." nanginginig na sabi ng lalaki at mabilis na tumakbo ang dalawa sa takot at hingal na hingal na umupo si lucy habang masamang nakatingin sa dalawang lalaki na papalyo. "Bakit mo ako niligtas, diba kasama murin sila?" galit na tanong ni lucy kay zeus "Hindi kita niligtas, Ayoko lang ng ganito." seryosong sagot ni zeus at tumalikod na ito kay lucy at umalis na sa kinaroroonan niya. Hingal na hingal parin si lucy at inayos ang kanyang sarili at nagsimula na siyang umiyak dahil sa nangyari sa kanya habang nakaupo parin sa sahig. Biglang napahinto si zeus sa kanyang paglalakad dahil sa iyak na kanyang naririnig mula kay lucy kaya't muli itong bumalik sa kinaroroonan ni lucy at tumayo itong pabaliktad na naka sandal sa poste sa harapan ni lucy kaya't napatigil si lucy sa pag iyak dahil sa ginawa ng binata at nagtaka ito. "Anong ginagawa mo." takang tanong ni lucy at sabay punas ng kanyang mga luha kaya't umupo na si zeus sa tabi li lucy. "Noong bata pa ako may kaibigan akong nagturo sa akin kung gustong pigilan ang luha ganoon lang ang gagawin, hindi tutulo ang luha, alam mo naba iyon?" tanong ni zeus ng humarap kay lucy. Hindi sumagot si lucy at tahimik lang siya na nakatingin kay zeus at ilang minuto lang napagpasyahan ni Zeus na tumayo at umalis. si lucy naman ay tahimik na naka upo ng iwan siya ni zeus. "Kayo ba ang kaklase ni young master steven?" ang tanong ng matandang lalaki na isa sa mga katiwala sa mansyon kaya't tumango ang dalawang lalaki na dumating sa mansyon nila steven. "Sumunod kayo sa akin, wala kayong gagalawin kapag may nabasag wala kayong pambayad." masungit na sabi ng matandang lalaki habang naglalakad sila patungo sa malaking swimming pool sa mansyon kung saan kasalukuyang nagsuswimming si steven. "Sir." magalang na tinawag ng matandang lalaki si steven kaya't umahon na ito sa swimming pool ng makita ang kasama nito.si Nang naka ahon na sa tubig si steven lumapit ang dalawang kasambahay sa kanya. ang isa ipinatong ang bathrobe na kulay white kay steven at ang isa inabot ang maliit na towel na pampunas sa buhok nito at sinenyasan nito ang mga katulong at ang matandang lalaki na umalis na at naiwan na ang dalawa nitong bisita "Kamusta." maikling tanong ni steven ng makalapit na ang dalawa sa kanyang kinaroroonan. "Anong nangyari?" tanong nito sa dalawa ngunit hindi sila naka sagot at umiling lamang ang mga ito. "Wala?" takang tanong nito sa dalawa. "Ano ang ginawa niyo? Wala ba kayong utak." galit na sabi ni steven sa dalawa ng umiling ang mga ito. "Kasi masyadong mabagsik ang babae na iyon, ginawa na namin ang lahat, pupunitin na namin ang damit niya para magtanda." mahabang pahayag ng lalaki na ikinagulat ni steven sa huli nitong sinabi kayat hinampas ni steven ang twalyang hawak niya sa dalawa. "Sinong nagsabing sirain niyo ang damit niya, Ang sabi ko takutin niyo lang siya." galit na sabi ni steven sa dalawa. "Teka hindi ganoon, hindi namin siya natakot kasi dumating si Zeus." ang mabilis na sabi ng isang lalaki at nagtaka si steven. "Dumating si Zeus." ulit pang sabi ni steven at natahimik ito ng tumalikod sa dalawa at papaalis na ngunit pinigilan siya ng isang lalaki "Teka ang ipinangako mo sa amin." ang tanong ng lalaki kaya't napalingon si steven sa lalaki at nagalit ito. "At bakit ako magbabayad sa mga palpak niyong trabaho." galit na sabi nito sa lalaki at pinaldyakan niya ito sa swimming pool at sinenyasan niya ang isang lalaki na tumalikod sa kanya at itinulak din niya ito sa swimming pool dahil sa inis nito at muli na itong tumalikod at tuluyan ng umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD